5:17 PM
Nasa chapel na kami ng sikat na Funeral Home. Medyo maliit ang lugar, natatakpan ng blue green na tiles ang sahig at may malaking krus na gawa sa kahoy na nakatayo sa sulok. Hindi tulad ng ibang lamay na napuntahan ko, hindi malansa ang isang ito. Baka nasa bahay pa yung kalulu...Humiwalay si Kyle kay Anna at sumama samin sa upuan. Pumasok na ang asawa ng Sir namin at binigyan kami ng tig-iisang cupcake at Zesto. Nag-iwan din siya ng kornik at butong-pakwan. Nagsimula nang magsidatingan ang mga kamag-anak ni Sir.
Sa dami nang papasok, may isang nagstand out. Si kuyang nakapula. Katulad ng inaasahan, naging Darling of the Crowd siya ng Grade 10.
May mga nag-iiyakan na. Nagbago na ang atmosphere ng buong chapel. Na - conscious ata si kuyang naka - red kasi tumayo siya at umalis saglit. Pagbalik niya, nakapagpalit na siya ng puting damit.
6:00 PM
Huling silip namin sa kabaong ni Sir. Hindi siya nakangiti ngayon, di tulad tuwing nagkaklase siya. Nag-alay ng muting panalangin si Zeni. Habang nakayuko ang ilan sa amin, saglit akong tumingin sa asawa ni Sir.Ano kaya ang pakiramdam ng mawalan ng pinakamamahal mo?
Kung hindi siguro ako tinapik ni Kyle, baka napagkamalan na akong sira-ulo kasi nakatitig na pala ako sa asawa ni Sir. 'Di ko namalayan, hanep.
Mahirap siguro.
6:10 PM
Naglalakad na kami papuntang McDo. Marami rin kami, mga 12 kasi sumama na sina Migs at Danny samin. Nililigawan ata ni Danny si Charmaine, eh ex ni Kyle 'yun nung Grade 8 pa kami. Ewan ko ba, buti nga at naging magkaibigan pa sila ni Charmaine at Kyle pagkatapos nilang magbreak.Busy sila sa pagtatawanan dahil sa mga banat ni Prezzi at Janjan. Ayaw ko namang ma - op si Migs kaya sa kanya ako tumabi.
"Sabay akong umuwi mamaya," bulong niya.
"Sige lang."6:15 PM
Nakapila na kami sa pangatlong counter ng McDo. Masaya kaming binati ng kahera, gusto ata ng promotion. Nakakatawa yung Employee of the Month Chart nila."Anong sa'yo?" tanong ni Migs.
"Bakit ililibre mo ba ako?" tanong ko. Nagbibirong siniko ako ni Migs.
"Eh para share na tayo."
"Ayun oh, 'yung may sundae tsaka fries," turo ko sa naka - display.
"Edi palakihan na natin 'yung fries tas tubig nalang tayo, McWater," sabay tawa.
"G."Si Migs na 'yung umorder ng shared naming kakainin. Habang binubunot ko 'yung pambayad, dumating na sila Kyle at Prezzi galing sa upuan. Buti nalang at nakahanap sila ng upuan para sa 11 na tao. Nagsimula na ring pumila 'yung iba pang kasamahan namin.
Pagkakita samin, nagtanong agad si Kyle. "Anong inorder niyo?"
"Fries tsaka sundae," sagot ko.
"Sayo Migs?" tanong ulit ni Kyle habang tinitingnan 'yung pwedeng orderin. Inabot ko na kay Migs 'yung bayad ko.
"Nagshare na kami ni Nico."6:18 PM
Sa pang-apatan na upuan kami napunta ni Migs. Bale magiging katabi namin sila Prezzi at Kyle.Dumating na 'yung dalawa, dala-dala 'yung mga orders nila. Habang tinutulungan silang mag-ayos ng trays, may lumitaw na extrang paper bag na may laman.
"Aba, may patake out," sabi ko habang inuusisa kung ano ang laman nung paper bag.
"Kanino 'yan?" tanong ni Migs.
"Sakin," sagot ni Prezzi, "Alam nyo naman kelangan ng suhol sa 'guard'."
At napuno ng tawanan ang table namin.
BINABASA MO ANG
Mga Salungguhit at Modyul ng Paglimot
Teen FictionIlang salungguhit ba ang kakailanganin para makwento ko ang 'nakaraan' nating dalawa? Bakit ang hirap pakawalan ng mga ala-ala natin? Patuloy paring nagmumulto ang nakalipas na ikaw at ako. --- Pagpapatawad. Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad...