v - ii

8 0 0
                                    

2:45 PM
Tinapos ko ang higit isang taong relasyon ko kay Beth. Meron nga ba talaga o ako lang ang nag - assume na may 'kami'? Ilang araw ko rin itong pinag-isipan pero tama ba talaga 'yung naging desisyon ko?

"Pwede ka nang pumunta sa kanya, Beth," yumuko na ako dahil nararamdaman ko na ang nangingilid na luha sa aking mga mata.
"Huh? Panong pupunta? Kanino?" sweet parin ang boses niya ngunit ito ay nabahiran ng konting pagka - defensive.
Nakaramdam ako ng galit, inis, at lungkot. "Kay Marius."

Parang masarap magsoul searching sa canteen. Hmmm...teka.

3:02 PM
Buti nalang at tatlo lang kaming estudyanteng nasa canteen ngayon, maliban sa mga nagluluto sa likod. 'Yung kaherang butingting nang butingting sa phone niya, 'yung weird na Grade 9 na kasalukuyang kumakain ng turon, isang Grade 8 na nakaharap sa laptop niya at syempre ako.

Minsan kasi (lalo na pag lunch), kahit pagkaluwang-luwang nitong lugar, napupuno parin ng mga estudyante. Kaya ayun, sari-saring kwento, ingay, mukha, tsaka amoy.

Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang oras. Time na pala ni Ma'am Diane.

Pero nadagdagan pa ng isang tao ang canteen. Si Kyle. Pumunta siya sa mesa ko at binaba 'yung kulay orange niyang bench/ na towel. Ay oo nga pala, yung paper namin.

"Ay, 'yung Chap three eh send-"
"Wait lang, bili lang ako," putol nya sabay lakad papuntang counter.

3:04 PM
Bumalik siya sa table na may dalang isang lata ng Mountain Dew. Marahan niyang inayos ang monobloc na bangko at tuluyan nang umupo. Tsss ang naging tunog ng pagkawala ng carbon noong buksan ni Kyle ang lata.

"'Yung Chap three eh send ko nalang sa gc natin."
"'Di yun," sabay higop niya sa lata.
"Ha?"
Tumingin siya sa akin. "Nawala ka pagkatapos mong makausap si Beth." Umalis na 'yung weird na Grade 9. Baka malate kami. Ay, wala nga pala si Ma'am Diane.
"Ah, nagutom kasi ako. Kaya nandito ako sa canteen."
Humigop ulit siya ng softdrinks. "Maniwala. Kwento mo 'yung nangyari."

Napatigil ako saglit. 'Di niya ba sasamahan si Anna? Diba dapat silang dalawa 'yung ang magkasama ngayon?

"Kung okay lang," dagdag niya.
"Okay lang, okay lang."

'Di pala soul searching 'to; rescue pala.

3:45 PM
Nasa room na ulit ako habang si Kyle ay naiwan sa labas para puntahan si Anna. 'Yung room na nagmistulang gubat kasi may ahas.

Ayoko munang makita si Marius. Ayoko.

4:37 PM
Maaga ang naging dismissal ni Sir Alvin. Pupunta rin ata sila sa lamay. Kaya kinuha ko ang puting shirt sa bag ko at pumunta na sa banyo para magpalit. Buti nalang pala at nalabhan ko ito noong isang araw.

Wala naman akong nakasalubong habang papunta maliban kay Migs. Pareho kaming tumigil.

Nakasuot na siya ng dark green na shirt at tulad ko, nakasuot din siya ng jogging pants. Kasing tangkad ko siya, mas maputi lang sa akin ng slight. Kung sinunod ko lang 'yung  utos ni Mama na magkulong muna sa bahay, edi sana pati labanos mahihiya. Nasa kabilang barkada siya pero naging kaibigan ko siya. Eh, palatawa siya tapos mahilig sumakay sa kahit anong trip. Tsaka medyo magkalapit lang ang mga bahay namin, kaya siguro medyo close kami.

Marahan niyang pinagpag ang pinagpalitan niyang PE shirt. "Pupunta rin kayo?" tanong niya.
"Oo, kita tayo dun," sagot ko.
"Baka mahuli kami ng onti."
"Sige, ingat papunta."
"Sige, ingat din."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Mga Salungguhit at Modyul ng PaglimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon