UNANG BAHAGI - ii

8 0 0
                                    

6:30 AM
Nico: (January 31 at 6:30 AM) Dala ko na yung mga gamit. Ikaw na bahala.

Ibinaba ko na ang phone ko at lumabas na ng kwarto para mag-almusal.

7:32 AM
Medyo marami na rin ang tao sa room. Nakapagpapa-aliwalas ang dalawang nakasinding ceiling fans, habang mapayapang nakapatong naman sa ibabaw ng arm rest ko ang box. Wala pa rin si Yanna, sa kanya ko kasi ipapatago.

Dahil sa pagka-inip, tumayo ako at sumilip sa room nyo. Wala pa ang maroon mong bag. Wala ka pa. Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag. Tuluyan na akong pumasok.

Napansin ako ni Virgie. Wrong timing. Baka kasi mag - breakdown ako sa harapan ng mga kaklase natin.

Yumuko agad ako.

Bakit ba kasi nagpunta pa ako sa room nyo?

Oo nga, bakit nga ba?

Naging habit ko na ata.

Nagulat nalang ako at may kumawit sa kaliwa kong braso. Isang pigura. 'Di ko na tiningnan. 'Di ko na inalam kung sino.

Hinatak ako ng pigurang ito papunta sa likod ng ChemLab natin. Amoy na amoy pa rin ang malansang singaw ng mga bagong dissect na palaka at ang alcohol na pinagbabran ng mga ito. Sino ba kasing taga - ISO ang nagsabi na mag - dissect sa loob ng ChemLab. Naging busy siguro si Ma'am Paclibare kahapon.

"Nico."

'Di ko parin siya tinitingnan.

"Nico."

'Di ko parin napigilan ang emosyon ko. Si Migs.

Mga Salungguhit at Modyul ng PaglimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon