BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!
1. Peniel's usual fashion style is V-necks, jeans and sunglasses.
2. Sungjae's usual fashion style is Dandy and sophisticated fashion.
3. Ilhoon's usual fashion style is dance type style and flamboyant style.
4. Changsub's usual fashion style is semi hiphop.
5. Hyunsik has his own style of fashion. He doesn't have a usual fashion style.
6. Minhyuk's usual fashion style is neat and dandy style.
7. Eunkwang's usual fashion style is avant-garde.
CHAPTER 12
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Una kong hinanap pagdilat ng mata ko ang CoupleInLove keychain.
Natagpuan ko ito sa ilalim ng unan ko--nakasabit sa phone ko. So totoo nga na binigay sakin yun. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bagay na yun. Ewan ko ba pero parang napakaespesyal nito. May kakaiba akong nararamdaman sa keychain na to. Dahil ba to sa isang idol ang nagbigay sakin nito? Dahil si Minhyuk ang nagbigay?
Bago pa ako mabaliw sa kakaisip ko ng kung anu-ano, bumangon na ako sa higaan. Tanghali na rin naman at nagugutom na ako.
Cereal lang ang kinain ko sa breakfast. Matapos yun ay nanood nalang ako ng tv para hindi ako mabored. Nakakatamad naman kasing mamasyal sa tanghali eh. Yung BtoB naman sigurado akong busy sila ngayon. Si Maicah naman, ewan ko kung anong nangyari dun. Hindi pa rin siguro makamove on nang makita nya ang BtoB.
Makalipas ang ilang oras, biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko naman ito mula sa mesa. Napansin ko agad ang keychain. Nakakatuwa kasing tingnan.
Minhyuk calling...
Parang napapadalas ata ang pagtawag sakin ni Minhyuk ah. Bakit kaya? Baka importante. Siguro nga. Wala naman kasi akong naiisip na dahilan para tumawag sya sakin eh.
"Yeoboseyo?"
[Kumusta ka na Mira?]
"Ako? Kumusta ako? Haha. Para namang ang tagal nating hindi nagkita ah. Eh samantalang nagkita palang tayo kagabi eh."
[Ayaw mo bang kinukumusta kita?]
"Hindi naman sa ganun. Okay lang naman kasi ako eh. Teka, tumawag ka ba para kumustahin lang ako?"
Tumawa sya ng mahina. [Hindi naman. Syempre may importante akong sasabihin kaya ako tumawag.]
"Importanteng sasabihin?"
[Nae. Maaga kasing matatapos ang taping ko ngayon. Kelangan kita mamaya. Hindi ka naman siguro busy diba?]
"K-Kailangan mo ko?" Hay naku! Kung anu-ano na naman tuloy ang pumapasok sa utak ko. Erase. Erase.
[May taping kasi ulet kami bukas. Magpapatulong sana ako dun sa script ko. Ang hirap kasi mag-aral pag mag-isa lang eh.]
"Ah. Okay lang sakin. Tutulungan kita."
[Jinja? Kung ganun magkita nalang tayo mamayang 6:00 pm sa Starbucks.]
"Arasso. 6:00 pm. Starbucks."
Yun lang naman ang napag-usapan namin. Mukhang umaasa talaga sakin si Minhyuk. Kelangan ko na talagang paninindigan ang pagiging tutor ko sa kanya. Well, wala namang masama dun eh. At saka ang swerte ko nga kung tutuusin eh.
Pero sa kabila ng lahat, bakit may lungkot pa rin akong nararamdaman? Bakit hindi ganun katindi ang saya na nararamdaman ko? Diba dapat nagtatatalon na ako sa tuwa dahil nakakasama ko si Minhyuk? Oo masaya ako. Pero hindi katulad ng...wag na nga.
BINABASA MO ANG
BTOB - Beep Beep [FANFIC]
FanfictionBEEP BEEP Isa yang nakakapangilabot na tunog kapag napunta ka sa gitna ng kalsada. Maninigas nalang ang mga paa mo, hindi ka makakagalaw, at hihintayin mo nalang ang pagkakalasog-lasog ng katawan mo. Pero paano kung ang tunog na yun ang pagmulan ng...