Author's Note:
Happy 2nd monthsary Melodies! Yieeeeh! Tama po. Akalain nyong two months na tayong magkakasama? And also, happy 1k reads! Ahihi. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang lahat. Pero ang saya diba? Sana dumami pa lalo at sana marami pang Melodies ang makabasa.
Ang update na ito ay para sa mga Melodies na nag-aabang ng fanfic na to. Supposedly, part 1 muna sana ang iuupdate ko kasi mahaba naman to. Pero dahil mahal ko kayo (at dahil mabait ako...kuno ^__^) at dahil 2nd monthsary naman natin, dalawang chapters ang update ko. Ayokong mabitin kayo eh. Kaya mag-enjoy po tayo. Hurray!
Mas maganda sana kung babasahin nyo ulet sa umpisa para maging fresh sa utak nyo ang lahat. Pero kung ayaw nyo, okay lang.
Kung may good news, may bad news. Have you guys heard the issue about our Hyunsik? Aww. I wanna crush those people! They're just haters that want to ruin the image of our BtoB. Suportahan nalang natin si Hyunsik. Kelangan nya tayo ngayon. If you feel upset just like I do, I hope this update would lift you up.
Anyway, pag may nakita kayong italized words, ibig sabihin flashback yun. At pag normal fonts naman, meaning present yun. Okay?
CHAPTER 21
YOOK SUNGJAE'S POV
Tumakbo ako palabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa mga oras na ito. Babalik nalang siguro ako sa dorm.
Naglakad-lakad ako. Malamig sa labas pero hindi ko pinansin yun. Ang gusto ko lang sa ngayon ay mapag-isa at makapag-isip. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko akalaing sa isang iglap ay mawawala na sya sa akin ng tuluyan. Ang masakit pa ay kay hyung sya napunta.
Hindi naman ako manhid para hindi malaman na dati palang ay may gusto na si Minhyuk-hyung sa kanya eh. Ramdam ko na yun nung una palang.
Napasabunot ako sa buhok ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manuntok ng tao. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko.
Nahinto ako sa paglalakad nang sa hindi inaasahan ay nakarating ako sa isang waiting shed. Pinagmasdan ko ng mabuti ang lugar. Ito nga yun. Hindi ko makakalimutan ang lugar na ito.
Sobrang saya ni Mira nang bigyan ko sya ng ticket para makapanood ng live sa Music Bank. Hindi nga ako nagkamali ng desisyon. Bukod sa gusto ko syang mapasaya, gusto ko rin namang maging inspired sa performance namin. Makita ko lang syang magcheer pakiramdam ko kami na ang panalo eh.
Hindi ko sya nakita matapos ang program. Nasa backstage kasi kami tapos sya nasa audience. Siguro umalis na sya. Nasa dorm na kami nang maisipan ko syang tawagan. Balak ko syang ilibre ngayon.
BINABASA MO ANG
BTOB - Beep Beep [FANFIC]
FanfictionBEEP BEEP Isa yang nakakapangilabot na tunog kapag napunta ka sa gitna ng kalsada. Maninigas nalang ang mga paa mo, hindi ka makakagalaw, at hihintayin mo nalang ang pagkakalasog-lasog ng katawan mo. Pero paano kung ang tunog na yun ang pagmulan ng...