Pinagmasdan ko nalang ang papalayong si Cheska. Wala na rin naman akong nagawa para pigilan sya. Nasaktan ako lalo na nung hindi man lang nya ako nilingon nung paalis na sya. Basta't nagtuluy-tuloy lang sya para siguro makalayo na sakin.
"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Mira na may pag-aalala sa mukha. "Okay lang naman sakin kung susundan mo sya eh."
Pilit ko syang nginitian. Pati tuloy sya nadadamay sa kalokohan ko. Malalagot ako nito kay hyung eh.
"Wag kang mag-alala. Okay lang ako. Tara, ihahatid na kita." sabi ko at pinagbuksan ko sya ng kotse. Pumasok naman sya at hindi na nagtanong pa.
Bumaba na sya pagdating sa apartment. Ako naman ay nagdrive na paalis. Ni hindi ko sigurado kung saan ako dadalhin ng kotseng minamaneho ko. Wala naman ako sa mood bumalik sa dorm. May practice kami ngayon para sa nalalapit na Dream Concert 2014 pero parang wala rin ako sa mood magpractice.
*RIIIINNNNGG*
Tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sakin bago ito sagutin.
Eunkwang-hyung calling...
Si hyung pala. Agad ko naman itong sinagot. "Hello, hyung."
[Yah! Nasan ka na ba ha? Nakalimutan mo na bang may practice tayo?]
"Mianhe hyung. Sige, papunta na ako."
[Geh. Bilisan mo ah.]
In-end ko na ang call. Napabuntong-hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang pagdadrive. Mabuti pa nga sigurong magpractice nalang din ako. Baka sakaling magbago ang mood ko.
Pagdating ko sa practice room, masamang tingin ang ibinigay sakin ng lahat dahil late ako. Nagsorry nalang ako at hindi na sila pinansin.
Itinuloy namin ang practice. Pilit kong inabala ang sarili ko baka sakaling makalimutan ko ang pagkikita namin ni Cheska. Nung makita ko kasi sya pakiramdam ko bumalik lahat ng mga alaala naming dalawa, kung pano ko sya nakilala, kung paano kami nagsimula, at kung paano nagwakas sa isang iglap ang lahat sa amin.
.
.
.
Sya ang babaeng bumihag sa puso ko nung una ko pa lamang syang makita. Schoolmate kami nung high school. Lagi ko syang nakikita sa school nun. Madalas sya sa library kaya lagi na rin akong pumupunta dun.
Ilang libro na ang nasa mesa ni Cheska pero parang may kulang pa rin dun base sa reaksyon nya. Lihim ko lang syang pinagmamasdan mula sa kabilang table. May hawak akong libro kung saan nakatago ang mukha ko para hindi nya makita na pinagmamasdan ko sya. Maya-maya tumayo sya at nagtungo sa isa sa mga shelves. At dahil ayokong mawala sya sa paningin ko, tumayo rin ako at pasimple syang sinundan.
Nagkunwari akong kumukuha ng libro sa shelf kung saan din sya naroon. Nasa kabilang side sya ng shelf at ako naman ay sa kabila. Nakikita ko sya mula sa mga siwang na mayroon sa pagitan ng mga libro. At sa bawat paghakbang nya habang hinahanap ang libro, hahakbang din ako. Stalker na kung stalker pero wala akong pakialam. Eh sa ayaw ko syang mawala sa paningin ko eh. Bakit ba?
At dahil sa abala ako sa pagsilip sa crush ko, hindi ko namalayang may cart pala sa tabi ko na umaapaw sa libro. Nabunggo ko ito kaya nagkalat yung mga libro sa sahig na naglikha ng matinding ingay sa tahimik na library. Ang matindi pa, halos madaganan na ako ng mga librong yun.
"Umm, gwenchanayo?" tanong ng isang boses ng babae.
Hinimas-himas ko ang ulo ko at pinagpag ang damit ko. "Mukha ba akong okay--" natahimik ako nang makita kung sino ang kaharap ko ngayon. Para akong nakakita ng anghel. Nagliliwanag pa ang paligid nya habang nakatayo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
BTOB - Beep Beep [FANFIC]
FanfictionBEEP BEEP Isa yang nakakapangilabot na tunog kapag napunta ka sa gitna ng kalsada. Maninigas nalang ang mga paa mo, hindi ka makakagalaw, at hihintayin mo nalang ang pagkakalasog-lasog ng katawan mo. Pero paano kung ang tunog na yun ang pagmulan ng...