Chapter 31

773 41 16
                                    


"Plain ticket papunta sa Pilipinas. Aalis ka na pala?"

Sobra akong nabigla sa sinabi ni Minhyuk. Hindi na rin umimik ang iba at tila naghihintay nalang sa sasabihin ko.

"U-Uh...Y-Yung..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Parang nanlalambot ang tuhod ko. Pinangungunahan na rin ako ng emosyon ko kaya parang hindi ko na magawang magbigkas ng kahit isang salita.

Biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kaming lahat sa pumasok. Sina Hyunsik at Sungjae. Mukhang masaya si Hyunsik pero natigilan sila nang makita ang sitwasyon namin. Hindi pa rin umimik ang iba at hindi na pinansin ang pagdating ng dalawa.

"Mianhe. Jinjja mianhe." Napaluhod ako sa sahig. Nagsimula na rin ang mga luha ko. Kung alam lang nila kung gaano kahirap to para sakin. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ang tungkol dito. Hindi ko alam kung kelan ang magandang pagkakataon para sabihin sa inyong malapit na akong umalis dahil sa totoo lang hindi ko kayang bigkasin ang salitang paalam. Dahil sa tuwing iisipin ko yun, nalulungkot ako ng sobra. Nasasaktan ako. Kasi napamahal na kayo sakin. Ayokong umalis sa totoo lang. Nasanay na ako na kasama ko kayo. At hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag dumating ang araw na sasakay na ako sa eroplano at aalis sa lugar na to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag isang araw ay gigising nalang ako na hindi na  sa kwartong to gigising. Hindi ko rin alam kung magagawa ko pa ba kayong panoorin sa youtube kasi alam kong maiiyak lang ako sa tuwing maalala ko ang mga araw na kasama ko kayo."

Huminto ako saglit. Nakita ko na umiiyak na rin sila. Pero kahit na sobrang sikip na ng dibdib ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita.

"Hangga't maari ay gusto ko pa kayong makasama hindi lang dahil sa idol ko kayo kundi dahil pamilya na ang turing ko sa inyo. Ayokong sabihin ang mga salitang 'aalis na ako' kasi gusto kong paniwalain ang sarili ko na normal pa rin ang lahat. Na kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising. Dahil mas gugustuhin ko pang matulog habang-buhay at manatili nalang sa panaginip na yun kesa gumising at harapin ang masakit na realidad. Gusto kong malaman nyo na napakaimportante nyo sakin. Noon pa man ay napapasaya nyo na ako. Kayo ang inspirasyon ko. Kayo ang dahilan kung bakit namomotivate ako. Kapag may problema ako, tingnan ko lang kayo parang nagkakaroon na ako ng lakas para lumaban. Ganun ang epekto nyo sakin. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo. Recently, naisip ko na pano kaya kung hindi ko nalang kayo nakilala? Siguro hindi sana ako nahihirapan ng ganito. Pero wala akong pinagsisihan sa lahat ng nangyari. Dahil kahit panandalian lang to, naranasan ko pa rin ang totoong kasiyahan. Dahil para sakin, ang chapter na to sa buhay ko ang pinakahindi ko malilimutan. Palagi ko tong babalikan para bisitahin ang mga alaala natin. Pangako ko sa inyo, kahit na hindi nyo na ako makita lagi nyo pa ring iisiping nandito lang ako. Gusto kong maalala nyo ko kapag narinig nyo ang busina ng mga sasakyan. Ang tunog na beep beep. Dahil dun ko rin kayo aalalahanin. At kahit na tumanda na kayo, kahit na malaos na kayo, at kahit na magkaroon na kayo ng kanya-kanyang buhay pagdating ng panahon, tandaan nyong para sakin kayo pa rin ang Born to Beat. At ako ay mananatiling number one fan nyo."

Ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito ang BtoB. Pakiramdam ko mahina kaming lahat sa mga sandaling ito.

Pumalibot silang lahat sa akin. Tapos ay naggroup hug kami habang umiiyak. Lalo lang tumindi ang pag-iyak ko. Ngayon palang ay sobra na akong nalulungkot. Pano pa kaya pag umalis na ako?

"Gagawin nating memorable ang mga huling araw mo dito Mira. Pangako yan." pangako nila. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil sa sinabi nila. Dapat ba akong maging masaya dahil mag-eeffort sila na maging memorable ang natitirang araw ko dito o maging malungkot dahil alam kong mas mahihirapan lamg kaming lahat  dahil mas mamimiss lang namin ang isa't isa? Dapat ko nga bang sulitin na ang mga natitirang araw ko kasama sila o dapat bang ngayon palang ay sanayin ko na ang sariling hindi sila makita at makasama ng sa gayon ay masanay na ako na wala sila?









BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon