Chapter 24

868 44 8
                                    

Nagsalin ako ng mainit na soup sa bowl. Saglit ko lang niluto yun para makakain na si Sungjae. Nilagay ko yun sa tray kasama ang tubig at slice ng orange.

Huminga ako ng malalim bago buhatin ang tray. Kahit papano ay kumalma na ang puso ko mula sa insidenteng nangyari. Parang nararamdaman ko pa yung mainit na katawan ni Sungjae. Yung mga braso nya na nakahawak sa bewang ko nang matumba kami. Yung sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Yung nagawa kong pagmasdan ng malapitan ang perpekto nyang mukha. Yung maganda nyang mata. Yung mapula nyang labi. Yung--WAAAAH!

Nasampal ko ang sarili ko. Erase erase erase! Bakit ko ba naiisip yun? Ang sama-sama ko na ba? Pinagtataksilan ko na ba si Minhyuk? Hindi pwede ang ganito. Kalimutan mo na ang lahat Mira. Kalimutan mo na si Sungjae. Si Minhyuk ang dapat na iniisip mo.

Lumabas na ako sa kusina dala ang tray ng pagkain ni Sungjae. Nadatnan ko sya sa sala. Nakaupo lang sya sa sofa at nakapikit ang mga mata. Tulog kaya sya?

Inilapag ko ang tray sa mesa at saka naupo sa tabi ni Sungjae. Nakapikit pa rin sya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tingnan ang mukha nya. Medyo maputla sya pero gwapo pa rin. Nakakunot ang noo nya at magkasalubong ang kilay kaya alam kong hindi sya kumportable. Tulog ba talaga sya? Nakatulog siguro sya kakahintay ng pagkain.

"Sungjae-ah..." mahina kong tawag sa kanya. Pero hindi sya sumagot, ni hindi kumilos at walang senyales na narinig nya ako. Kung ganun tulog nga sya. Kawawa naman tong si Sungjae. Eh pano na yung pagkain? Lalamig na to. Gisingin ko na kaya?

Umangat ang kamay ko para sana gisingin na sya pero ikinatigil ko ang salitang lumabas sa bibig nya.

"Saranghae..."

Para akong naiputan ng ibong adarna dahil nagmistula akong bato sa kinauupuan ko. Nakaangat pa ang kamay ko at hindi kumukurap ang mga mata. Tila nagkaroon din ng karera sa puso ko. Sobrang bilis! Tama ba ang narinig ko? Saranghae? Sinabi nya ba talagang saranghae?

Ilang sandali ang lumipas bago ako natauhan. Nakapikit pa rin si Sungjae. Ibig sabihin tulog pa sya? Kung ganun nanaginip lang sya.

Napabuntong-hininga ako at binatukan ang sarili ko. Napakaassuming talaga nitong utak ko. Nakakainis. Siguro napapaniginipan nya si Sohyun. Tapos nagsasaranghae sya. Pabo Mira! Pabo!

LEE MINHYUK'S POV

"Kunin mo na kasi."

"Ayoko nga. Since ikaw yung leader, ba't di nalang ikaw ang bumalik sa dorm para kunin yung envelop?"

"Yun nga eh. Ako yung leader kaya okay lang na mag-utos ako no. At isa pa, sino ba ang nag-iwan nun? Ikaw diba?"

"Yah! Tama na nga yan mga hyung! Ang ingay nyo." saway ni Changsub sa amin ni Eunkwang-hyung na kanina pa nagtatalo. Naiwan kasi yung envelop na may lamang important papers na ipepresent namin kay CEO Hong. Kaya ngayon ay nagtatalo kami kung sino sa amin ang babalik sa dorm para kunin yun. Ayoko naman kasing bumalik kasi magsisimula na yung meeting. Baka ako pa ang mapagalitan kapag na-late ako. Ayokong masira ang image ko kay CEO Hong no.

"Hyunsik, ikaw nalang ang bumalik sa dorm." utos ni hyung kay Hyunsik.

"Ayoko nga. Mapapagod lang ako eh." sagot nya.

"Peniel." Tiningnan nya naman si Peniel. Pero tumanggi lang din sya pati na rin si Ilhoon.

"Hyung, wag ka na kasi mag-utos. Ikaw nalang ang bumalik sa dorm." nakangisi kong sabi habang tinatapik sya sa balikat. Halata mong naiinis na sya eh.

"Ah ganun?! Ayaw mong bumalik ah. Pwes, si Mira nalang ang uutusan ko." sabi nya at inilabas ang cellphone nya.

"Yah! Wag mo naman syang idamay." sabi ko habang pinipigilan syang tumawag.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon