Napabuntong-hininga ako nang makita kong wala sya rito sa practice room nila. Ilang beses na akong kumurap at hinanap sya sa bawat sulok ng kwartong to pero hindi ko sya nakita.
'Iniiwasan nya kaya ako?' tanong ko sa sarili ko.
Isang araw na ang nakakalipas. Isang araw ko na ring hindi nakikita si Sungjae matapos ang gabing umamin ako ng nararamdaman ko para sa kanya. Nakasama ko kahapon ang BtoB pero sya lang ang wala. Hindi naman sila busy kahapon pero bakit wala sya? Dahil nga kaya to sa nangyari?
"Wow! Ang sarap naman nito!" tuwang-tuwang sabi ni Minhyuk habang kumakain ng dala kong pagkain.
"Oo nga! The best talaga to!" puri naman ni Changsub sa pagkain. Halata namang gustong-gusto nila yung dala kong pagkain kaya natutuwa ako. Pero hindi pa rin ganun kalubos ang kasiyahan ko dahil wala ang taong gusto kong magbigay sakin ng compliment. Hindi na ako mapakali pero pinilit ko nalang munang manahimik dito. Gustong-gusto ko na silang tanungin kung nasan si Sungjae pero hindi ko alam kung paano. Ayokong mag-isip sila ng kakaiba. Pero siguro normal lang naman na magtanong ako since kulang sila ngayon diba?
"Umm, parang sobrang busy ata ni maknae ngayon ah." sabi ko.
"Naku! Ewan ko ba dun. Ang alam ko wala naman syang schedule ngayon eh." sagot ni Peniel.
"Tawagan ko nga sya. Sayang naman kung hindi nya matitikman tong pagkaing dinala mo eh." sabi ni Ilhoon at inilabas ang kanyang cellphone at nagdial.
Kaba at excitement ang naramdaman ko. Pero masaya rin ako na naisipan ni Ilhoon na tawagan si Sungjae. Gusto ko na kasi syang makita eh. Kung kinakailangang humingi ako ng sorry gagawin ko kung yun ang paraan para hindi maging awkward para sa kanya ang sitwasyon.
"Yeoboseyo...Yah Sungjae-yah!" Nakatingin lang ako ng maigi kay Ilhoon habang kausap sa kabilang linya si Sungjae. "Nasan ka ba?...Heto kumakain kami...Sayang at wala ka...Hindi mo tuloy matitikman ang once in a lifetime na pagkaing to...Sobrang sarap...Ano? Tirahan ka nalang namin?...Imposible yun dahil uubusin na namin to...Pupunta ka na dito? Jeongmal? Sige humabol ka para makatikim ka..."
Halo-halo talaga ang naramdaman ko nang marinig kong pupunta dito si Sungjae. Kung ganun makikita ko na talaga sya ngayon!
Patuloy silang nag-usap habang ako at ang BtoB ay patuloy sa pagkain. "Tinatanong pa ba yan? Sino pa ba ang nagdadala ng masarap na pagkain dito satin? Edi si Mira!...Mwo?!...Hindi ka na pupunta?...Wae?!..."
Parang sinaksak ang dibdib ko nang marinig na hindi na pupunta si Sungjae dito. Dahil ba yun sa nalaman nyang nandito ako? Kung ganun iniiwasan nya nga talaga ako?
"Nae...Arasso arasso."
Napayuko nalang ako nang matapos ang usapan nila.
"Oh anong sabi?" tanong ni Eunkwang.
"Susubukan nya nalang daw humabol."
"Ganun ba talaga kabusy yang si Sungjae ngayon? Nakakapanibago na sya nitong mga nakaraang araw ah." Hyunsik.
"Nae. Pansin ko nga din eh. Dati bigla nalang syang tumahimik at laging matamlay. Pero ngayon parang lumala." dagdag ni Peniel.
"Tama na yan. Wag na kayong magtaka sa kanya. Busy lang sya kaya ganun. " saad ni Minhyuk.
Pinili ko nalang na manahimik dito sa kinauupuan ko. Baka mapunta pa sakin ang usapan eh. Mahirap makipag-usap ng normal lalo na sa mga ganitong pagkakataon lalo pa't alam ko kung bakit nagkakaganyan si Sungjae. Kasalanan ko to. Dahil sa kagustuhan nyang iwasan ako nadadamay tuloy ang iba.
"Jagi-ya! Ba't ang tahimik mo?" tanong ni Minhyuk na pumukaw sa atensyon ko.
"U-Uh w-wala to." tapos ay ngumiti ako pero pinilit kong gawing natural at hindi fake.
BINABASA MO ANG
BTOB - Beep Beep [FANFIC]
FanfictionBEEP BEEP Isa yang nakakapangilabot na tunog kapag napunta ka sa gitna ng kalsada. Maninigas nalang ang mga paa mo, hindi ka makakagalaw, at hihintayin mo nalang ang pagkakalasog-lasog ng katawan mo. Pero paano kung ang tunog na yun ang pagmulan ng...