CHAPTER 36
BEEEEEEP BEEEEEEP
Mariin akong napapikit habang nakayakap sa likuran ni Sungjae. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa semento.
Maya-maya ay idinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sa paningin ko si Sungjae na mariin ding nakapikit habang nasa ibabaw ko pero hindi ko naman maramdaman ang bigat nya dahil nakasuporta ang dalawa nyang braso sa gilid ko. Naguguluhan ako sa mga nakikita ko. Hindi naman ganito ang inaasahan ko ah. Anong nangyari?
YOOK SUNGJAE'S POV
Nang maramdaman ko ang pagyakap mula sa likuran ko, sobra akong nabigla. Lilingunin ko na sana para malaman kung sino yun pero nang pagtingin ko sa kanan ko ay nakita ko ang isang truck na papalapit sa amin. Agad kong hinila si Mira para maiwasan namin ang truck. Bigla itong pumreno pakanan at sakto namang tinamaan ang isang hindi ganoon kalaking poste na naging dahilan para tumumba ito.
Napakabilis ng pangyayari. Nakita ko nalang na papunta ito sa direksyon namin. Kaya bago pa man nito mabagsakan si Mira, humarang na ako para protektahan sya. Tumama sa likod ko ang poste pero tiniis ko ang sakit. Ang mahalaga ay nailigtas ko sya.
MIRA'S POV
Nanlaki ang mata ko nang makita ang bagay na tumama sa likuran ni Sungjae. Hindi rin ako makahuma sa mga nangyari. Sobrang bilis. Hindi ba ako dapat ang magliligtas kay Sungjae? Pero bakit ako pa ata ang iniligtas nya?
*****
"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ulet ni Eunkwang.
"Oo nga naman Mira. Doon ka na kaya muna sa dorm para may kasama ka." si Hyunsik
"Tama sila. Sobra kaming mag-aalala sayo pag iniwan ka naming mag-isa eh." si Peniel.
Ngunitian ko ang BtoB para ipakita na okay lang ako. "Wag kayong mag-alala. Wala namang nangyaring malala sa kin eh. Kung may dapat man kayong ipag-alala, kay Sungjae yun. Sya yung nasaktan eh."
Tiningnan ko si Sungjae. Mukha naman na syang maayos. Nandito silang lahat sa apartment kasi hinatid nila ako. Lahat sila ay mukhang nag-aalala. Ayokong binibigyan sila ng problema. Lalo na si Minhyuk na ngayon ay tulala lang habang nakatingin sa kawalan. Sobra ko ba syang pinag-alala?
"Magpahinga na kayo. Okay lang talaga ako. At saka mag-iimpake pa ako ng mga gamit ko eh." sabi ko. Nalungkot na naman ako pagkabanggit ko nun. Bukas na kasi ang alis ko pabalik sa Pilipinas. Mukhang hindi ko na yata talaga mapipigilan ang oras.
Rumihistro din sa mga mukha nila ang pagkalungkot. Dapat pala hindi ko nalang binanggit.
"Sige. Tawagan mo nalang kami pag may kelangan ka ah." sabi ni Minhyuk.
"Nae." Matapos yun ay umalis na nga sila. Ako naman ay nagsimula nang ayusin ang mga gamit ko.
Sinimulan ko na ang pag-iimpake. Lahat ng importanteng gamit ay nilagay ko na sa bag ko.
Mga ilang saglit pa ang nakalipas ay kitang-kita ang pagbabago sa loob ng apartment. Nakakapanibago sa paningin. Karamihan na pala sa mga nandito ay mga gamit ko. At ngayong natanggal na pakiramdam ko napakalawak na ng apartment. Nakakalungkot talaga.
Bukas na ang concert. Bukas na rin ang alis ko. 5:00 pm ang simula ng concert samantalang 6:00pm dapat nasa airport na ako. Pwede pa naman akong makanood yun nga lang hindi ko matatapos at kalahati lang ng concert ang mapapanood ko. Hindi ko pa sigurado kung maabutan ko ang BtoB.
BINABASA MO ANG
BTOB - Beep Beep [FANFIC]
FanfictionBEEP BEEP Isa yang nakakapangilabot na tunog kapag napunta ka sa gitna ng kalsada. Maninigas nalang ang mga paa mo, hindi ka makakagalaw, at hihintayin mo nalang ang pagkakalasog-lasog ng katawan mo. Pero paano kung ang tunog na yun ang pagmulan ng...