Para sa mga Byuntae! *kagaya ko*

1.1K 31 8
                                    

A very very important note:

Supposedly Epilogue na ang iuupdate ko. Kaya lang may bigla akong naisip na idea. Haha. At ang ideyang iyon ay hindi kaaya-aya. Nakita nyo naman siguro sa title diba? Kaya wawarningan ko na kayo. ANG CHAPTER NA ITO HINDI ANGKOP SA MGA BATA! Lam na! Rated SPG to! Heto na! Heto na talaga! Ahaha.

Basta sa mga kids, stay away please. Skip nyo nalang to at dumako sa next chapter. Hindi naman importante tong chap na to eh. At sa lahat ng readers, BE OPEN-MINDED. Wag nyo akong isumpa kapag nabasa nyo to ah. Kaya kung hindi mo masikmura ang rated SPG ng BTOB, wag mo nalang basahin. ^_^v

*******

MIRA'S POV

Tumakbo ako para humanap ng masisilungan. Napakamalas ko naman oh! Ngayon pa talaga biglang bumuhos ang ulan kung kelan wala akong dalang payong. Nananadya ba?

Ipinandong ko ang kamay ko sa ibabaw ng ulo ko para sanggain ang tubig-ulan. Pero alam kong useless din naman kasi mababasa pa rin talaga ako.

Patuloy ako sa pagtakbo kasabay ang ibang tao. Ang iba ay nakapayong at ang iba naman ay tumatakbo din kagaya ko. Lahat ay nagmamadali para iwasang mabasa ng ulan. Hindi na rin ako tumitingin sa dinaraanan ko dahil sa sobrang pagmamadali ko.

BOOGSH!

"Ouch!" Muntik pa akong madapa dahil bigla nalang akong bumangga sa isang poste. Buti nalang at may nakahawak sa akin. Hinapit niya ang bewang ko kaya hindi ako tuluyang natumba.

Pero teka, kelan pa nagkaroon ng kamay ang poste?

Inangat ko ang tingin ko para makita ang nasa harapan ko. Napatingala talaga ako dahil sa sobrang tangkad niya. Ngayon ko lang din napansin na may hawak siyang payong na nagsisilbing silungan naming dalawa sa gitna ng ulan.

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang bumungad sa paningin ko ang mukha niya. Para akong nakakita ng multo. Totoo ba ito? Siya ba talaga tong nakikita ko ngayon?

Rumihistro din sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. Mukhang pareho kami ng reaksyon. Totoo bang nakikita namin ang isa't isa?

"M-Mira?" sambit niya. Kahit na malakas ang tunog ng patak ng ulan na tumatama sa ibabaw ng payong ay malinaw ko pa ring naririnig ang boses niya. Ang boses na to. Hindi ako pwedeng magkamali.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon