Chapter 37

642 38 5
                                    

"At dahil mahal na mahal kita, tatapusin ko na to. Magbreak na tayo, Mira."

Ito na ata ang pinakahindi ko inaasahang sasabihin nya. Sobra akong nagulat.

"Mahal na mahal kita, Mira. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang maging masaya ka. At alam ko kung saan ka magiging masaya."

Hindi ako makapagsalita. Hindi pa rin ako makahuma sa pagkabigla.

"Nung una palang alam ko ng si Sungjae talaga ang gusto mo. Pakiramdam ko napakasama ko dahil kung hindi dahil sakin hindi kayo mahihirapan ng ganito."

"Hindi. Hindi ka masama, Minhyuk." saka lang ako nakapagsalita.

Umiling sya. "Masama ako, Mira. Napakasama ko."

Hinawakan ko ang balikat nya. "Hindi totoo yan. Kasi napakabuti mo sakin."

"Kung alam mo lang." Bumuntong-hininga sya. "Nagsimula ang lahat sa isang dare. Laro lang para sa amin ni Kikwang-sunbae ang lahat nung umpisa. Tinutukso nya ako dahil napapansin nyang hindi ako ang bias mo. Sabi nya, humihina na daw ako sa mga fans. Na hindi na daw bagay sakin ang title na 'face of the group' dahil si Sungjae na daw ang deserving nun. Kaya nagkaroon kami ng dare."

Mula nung magkwento sya sakin ay nakakunot na ang noo ko. Biglang nagkaroon ng malaking question mark sa utak ko.

"'Patunayan mo sakin na deserving ka pa rin na maging face of the group.' yan ang sinabi nya sakin. At para mangyari yun dapat ay maging girlfriend daw kita. At dahil ayaw kong bumaba ang tingin nya sakin, pumayag ako. Pinilit kong mapalapit sayo. Ginawa ko ang lahat para makuha ang atensyon mo. Gusto kong mapalayo ang loob mo kay Sungjae para magustuhan mo ko...

"Naging tayo nang magconfess ako. Sobra akong natuwa. Akala ko dahil lang yun sa mapapatunayan ko nang mali si Kikwang-sunbae. Hindi pala. Natuwa ako dahil mahal na pala talaga kita. Napakadaling nahulog ng loob ko sayo. Sa tuwing magkasama tayo lalo kitang nagugustuhan. Lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo...

"Para kang mantsa sa damit na napakahirap tanggalin once na nakadikit na. Matagal na dapat akong nakipagbreak sayo. Gabi-gabi kong pinag-iisipan yun. At sa tuwing iisipin kong makikipaghiwalay ako sayo, sumasakit ang dibdib ko. Habang tumatagal lalo kong narerealize na hindi ko pala kaya. Hanggang sa napagdesisyunan kong hindi na ako makikipaghiwalay sayo. Na paninindigan ko na to. Dahil mahal na kita. At ayokong mawala ka sakin...

"Pero sa kabila ng sayang nararamdaman ko pag kasama kita ay ang matinding guilt sa tuwing makikita ko ang pagbabago ni Sungjae. Madalas syang tumawa pero nakikita kong sobra na syang nahihirapan dahil satin. Alam kong interesado na sya sayo noon pa. Alam kong mahal ka nya higit pa sa pagmamahal ko sayo. Pero nagbulag-bulagan ako at hinayaan syang masaktan...

"Lalo akong naguilty nung wala syang ginawang aksyon para ipaglaban ka. Nagsakripisyo sya. Mas pinahalagahan nya ang pagkakaibigan namin. Mas inisip nya ang kapakanan ng BtoB kesa sa nararamdaman nya. Kahit na sobra na syang nasasaktan, nanatili pa rin syang tahimik at kinikimkim sa sarili nya yun...

"Nung makita ko kayo kahapon na handang iligtas ang isa't isa, doon na ako natauhan. Na kung meron mang dapat na maging masaya, kayo yun, hindi ako. Dahil nung una palang kayo na talaga ang para sa isa't isa. Nakigulo lang ako. Kaya ngayon pinapakawalan na kita. Gusto kong maging masaya ka, kayong dalawa. Pero hindi ibig sabihin nun nabura na agad ang nararamdaman ko sayo. Dahil sa totoo lang mahal talaga kita. Patawarin mo sana ako."

Pumatak na ang luha ko. Niloko nya ako. Pinaglaruan. Ginawang kumplikado ang lahat. Pero hindi ko mahanap sa puso ko ang galit. Sa halip ay lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Kung sa ibang pagkakataon lang siguro nagalit na ako sayo. Pero sa sitwasyon ngayon, gusto kong magpasalamat. Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sakin ang makipagbreak sa isang taong gaya mo na almost perfect. Pero ngayon hindi ko na kelangang mag-isip. I'm sorry, Minhyuk. At salamat." sabi ko.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon