Not an update. It's fine if you will not read this.

545 36 4
                                    

So, this is not an update. I just wrote this to express my feelings now. I am suffering from a mild depression, I think. I just wanted to let this pain out of my chest. So it's up to you kung babasahin nyo to. Wala akong mapagkwentuhan kaya I will use this page to express my sentiments.

I am broken. I really am.

Yesterday kasi, November 14, nagpost ako sa facebook. Kung friend tayo malamang nakita mo na yun. It was all about Taehyung(V) of BTS and Sungjae. Ito yung nakalagay sa post ko.

UTANG NA LOOB V! WAG KANG MANG-AKIT! MAGAGALIT SI SUNGJAE!

Dear Melodies,

Hindi ko na alam ang gagawin ko. :( Ginawa ko na ang lahat para pigilan yung feels para sa kanya pero everytime na makikita ko sya, ayaw talaga papigil eh. Pakiramdam ko nagtataksil ako kay Sungjae at sa BTOB. May rule kasi ako sa sarili ko na stick-to-one lang dapat. Kelangan may paninindigan. Pero, I swear, pinigilan ko talaga. Kaya lang I lost. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko kay Sungjae. Nakakaiyak. I promised to love ONLY him. But I failed.

(With attached photo of Taehyung and Sungjae)

But then, my melody friends misunderstood it. Hindi ko alam kung paano napunta sa puntong iiwan ko ang BTOB at hindi na ako magiging Melody. Nagulat nalang ako sa naging flow ng mga pangyayari. They concluded that I am leaving the fandom!

I was shocked, really shocked.

I am writing this to clear things up. Hindi ko iiwanan ang BTOB. Never ever.

Naiyak ako kanina. I cried hard. Kaibigan ko sila. Bestfriend ang turing ko sa kanila. At alam kong biro lang yung nangyari. Alam kong hindi seryoso yung mga convos na yun---na iiwanan ko ang BTOB. Pero napaiyak pa rin ako. Sobra akong nalungkot. Ang point ko lang naman dun sa post ko ay naging fan ako ng BTS. Wala akong sinabing iiwanan ko na ang mga Melodies, lalo na ang BTOB. Hindi ibig sabihin na naging fan nila ako ay kakalimutan ko na ang pinagmulan ko. No! Hinding-hindi mangyayari yun. Maaaring nadagdagan ang bias ko pero hindi ibig sabihin may kailangang mabawas.

Kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko para lang pigilan ang feels ko. As much as possible ayokong maging multi fandom. Gusto kong magfocus lang sa isa. Pero hindi ko talaga napigilan. Nagpost ako nun sa fb para mailabas ko yun dahil feeling ko sasabog na ako kapag hindi ko nailabas. Hindi ako nageexpect ng mga comments nun. Gusto ko lang talagang ilabas.

But unfortunately, it ended up like this. Sobrang guilt ang naramdaman ko mula pa kagabi. Hindi ako makatulog sa kakaisip na baka nagtampo na ang mga Melodies. Alam ko kasi yung feeling ng ganun eh. Yung tipong magseselos ka dahil yung inaakala mong kakampi mo ay sumapi sa iba. Alam ko yung ganung feeling. Pakiramdam mo natraydor ka. At ayoko sanang maramdaman nila yun, nyo.

Kaya sobra akong nagi-guilty ngayon. Sobra kong pinagsisihan yung post ko na yun. Kung hindi dahil dun hindi sila masasaktan. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Kasi sinaktan ko yung mga taong umaasa sa akin.

Hindi ako yung tipo ng fan na bumibili ng albums para suportahan ang BTOB. Hindi rin ako nakakapunta sa mga events nila. Hindi ko sila nasusuportahan gaya ng ginagawa ng mga fans. Pero deep inside number one fan nila ako. Mahal na mahal ko sila. Sila ang number one para sa akin. Kaya nga ginawa ko tong fanfic para kahit sa ganitong paraan man lang ay may magawa ako para sa kanila at para sa mga Melodies.

Kaya nung nabasa ko yung mga conclusions na aalis ako, na iiwan ko na ang BTOB, na nagmamakaawa sila na wag ko silang iwan, sobra akong nalungkot. Sobra akong nasaktan. I was hurt by the thought that they were doubting my love for BTOB. I was like "Hey! Ganyan ba kababaw ang tingin nyo sa akin? Na dahil lang sa may nakilala akong bago ay iiwanan ko na kayo?" Masakit para sa akin yun. Feeling ko pinagkaitan ako ng trust. Kung alam nyo lang gaano kalalim ang love ko sa BTOB. Na kapag dumarating ang mga times na nawawalan ako ng feels para sa kanila ay umiiyak ako. Kasi natatakot ako na baka tuluyang mawala ang feels ko para sa kanila. At ayokong mangyari yun. Dahil para ko na ring pinagtaksilan ang family ko pag nangyari yun.

Ang OA ko nga siguro para idaan pa to dito. Next time na maging okay na ang lahat at mabasa ko to, alam kong sobra akong mahihiya. Pag dumating ang araw na yun baka burahin ko na to. Basta sa ngayon kelangan ko lang ng mga taong uunawa sa mga salita ako. Magiging okay lang ako once na napindot ko na ang publish. Kaya pagbigyan nyo na ako.

Mark my words. I will never leave. Hindi ako yung tipo ng taong nang-iiwan. Mas gugustuhin ko pang ako ang maiwan.

In a convo, as much as possible, I wanted to be the receiver than being a sender of a goodbye.

PS. Hindi ako galit. Gusto ko lang magpaliwanag. Sorry guys. I love you all.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon