Chapter 29

839 46 25
                                    

Author's Note:

OST ng chapter na to ang nasa media. I-play nyo habng nagbabasa. Pakinggan nyo ng ilang beses para feel na feel. Actually mga ganyang songs talaga ang tipo ko. Kaya kung gusto nyong magrecommend ng mga ganyang kanta, sobra kong maaappreciate. Enjoy reading!

MIRA'S POV

Isa-isa kong nilagay sa paper bag ang mga lunch box na inihanda ko para sa BtoB. Masaya lang talaga ako na dalhan sila ng pagkain. Ayokong nagugutom sila lalo pa't puspusan ang practice nila dahil sa nalalapit na Dream Concert.

Kumusta na kaya si Hyunsik? Sigurado akong inaabala nya ang sarili nya dahil sa nangyari. Kawawa naman. Sana kahit papano ay macomfort sya nitong pagkain na inihanda ko.

Pagdating ko sa Cube Ent building ay dumiretso agad ako sa practice room. Binuksan ko ang pintuan para surpresahin sana sila pero wala akong nadatnang sinuman maliban sa isang locker na nakadikit sa may dingding, isang ref na may iba't ibang inumin sa loob at isang malaking salamin sa dingding ng silid.

Isinarado ko ang pintuan at dahan-dahang humakbang papasok sa loob. Tahimik. Walang tao. Parang kelan lang ay sa videos ko lang nakikita ang lugar na ito. Pero nang makarating ako dito sa Korea ay hindi ko akalaing makakapasok ako sa lugar na ito at makikita mismo ng dalawa kong mata hindi lang ang practice room na ito kundi pati na ang mga taong hinahangaan ko ng sobra.

Nilibot ko ang paningin ko habang iniimagine na nandito ang BtoB at nagpapractice ng sayaw nila. Hindi man sila perpekto sa paningin ng iba pero para sakin sila ang the best. Hindi ko alam kung anong meron sa grupong to at ganun nalang yung pagmamahal ko sa kanila.

Napaupo ako sa sahig at tumingin sa kawalan. Parang biglang nagfaflashback sa isip ko ang lahat ng mga pangyayari sa practice room na to. Si Changsub na mahilig sa kape pero antukin naman lagi. Si Hyunsik na wagas makatawa na halos hindi na makita ang mata. Si Eunkwang na may pagkaabnormal na leader. Si Peniel na mabagal magsalita pero makadiyos at sweet. Si Ilhoon na nagtatantrums kapag nadidiktan ang balat nya. Si Minhyuk na talaga namang napakasweet. Si Sungjae na napakakulit. At ang buong BtoB na napakasarap kasama.

Napangiti ako nang maalala ko ang mga yun. At ngayong mag-isa lang ako rito ay patuloy pa rin ang pagdagsa mga memories ko sa lugar na to.

Sa isang banda ay nakaramdam na naman ako ng matinding kalungkutan. Dapat ko na bang sabihin sa kanila na ilang araw nalang akong mananatili dito? Kakayanin ko bang magpaalam? Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Malulungkot din kaya sila?

Napayuko ako at itinago ang mukha ko sa ibabaw ng tuhod ko. Ayokong umiyak. Ayoko.

Bakit parang napakahirap ng kalooban ko ngayon? Alam naman nila na isang buwan lang ako dito eh pero hindi nila alam na ilang araw nalang ang natitira bago ako umalis. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila lalong-lalo na kay Minhyuk.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulgol na ako habang nakaupo sa gitna ng practice room. Tanging mga hikbi ko ang naririnig ko. Nasasaktan ako. Nalulungkot. Parang hindi ko kayang umalis. Ang hirap...

"Bakit ka umiiyak?"

Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig iyon. Nag-angat ako ng tingin. Medyo blurd pa dahil sa luha sa mga mata ko pero nakilala ko pa rin ang lalaking nakatayo sa harapan ko.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon