YOOK SUNGJAE'S POV
Kaming dalawa nalang ni Sohyun ang naiwan sa table. Dapat talaga hindi na ako pumayag sa alok ni hyung na kumain kami ng ice cream ng sama-sama eh.
"Ano na ang plano mo? Kelangan ko na rin kasing umalis eh." sabi ni Sohyun.
"Okay lang. Dito na muna ako."
Nagpaalam na si Sohyun. Ngayon ay mag-isa nalang ako. Naisipan kong sundan si Mira papunta sa parking lot. Ibibigay nya daw kasi yung panyo na naiwan ni hyung.
"Ano ba?! Tatawag ako ng pulis!"
Hinanap ko ang boses na yun. At nakita ko si Mira na hawak-hawak ng isang lalaking nakasuot ng hood at shades na nakatalikod sa view ko. Si Mira naman ay patuloy sa pagpupumiglas sa pagkakahawak ng lalaki.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Hindi ako papayag na may manakit sa babaeng mahal ko!
Singbilis ng kidlat akong nakalapit at sinuntok sa mukha ang lalaking may binabalak na masama kay Mira. Tumalsik sya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.
"S-Sungjae? Bakit mo sinuntok si Minhyuk?" gulat na tanong ni Mira. Maging ako ay nagulat sa tanong nya. Si hyung?!
Natanggal ang shades ng lalaki at dahan-dahan syang bumangon. Dun ko lang narealize na si hyung nga yun.
"Yah! Ano bang problema mo?" tanong nya sakin habang bumabangon. May dugo ang labi nya dahil sa ginawa ko.
"H-Hyung...M-Mianhe. Hindi ko kasi alam na ikaw pala yun. Akala ko kung sino kasi nagpupumiglas si Mira." paumanhin ko. Nakakahiya. Ano bang gagawin ko? Sinuntok ko si hyung! Sa harapan pa ni Mira.
Bigla nalang syang ngumiti. "Gomawo maknae." sabi ni hyung na ikinagulat ko. Ang inaasahan ko ay magagalit sya sakin. Pero bakit sya ngumingiti? Masama ba ang bagsak ng ulo nya? Bakit sya nagpapasalamat eh samantalang nasaktan sya sa ginawa ko?
"Mwo?"
"Ngayon ko napatunayan na dapat nga kitang pagkatiwalaan. Handa kang iligtas si Mira. Kaya salamat." sabi nya. Pagkatiwalaan? Ako? Hay. Kung alam nya lang ang totoo kong nararamdaman.
Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang ng matipid.
"Sige, ikaw na munang bahala sa kanya. Aalis na ako." paalam nya. "Bye Mira. Magpakabait ka ah." sabi nya kay Mira at tinap ang ulo nito.
Sumakay na sya sa kotse at pinanood lang namin ang pag-alis nya palayo.
"Tara na. Ihahatid na kita." pagbasag ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Tumango naman sya.
Sumakay kami ng taxi papunta sa apartment. Masaya ako na kasama ko sya ngayon. Medyo kinakabahan ako dahil kaming dalawa lang pero mas nangingibabaw pa rin ang saya. Hanggang kelan ba ako makukuntento ng ganito lang? Natatakot ako na dumating ang araw na hindi ko na magawang pigilan ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa magiging resulta.
Bumaba kami sa taxi nang makarating na kami sa apartment.
"Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" tanong ni Mira.
"Hindi na. Magpahinga ka nalang." sagot ko. "Sige na pumasok ka na."
Tumango lang si Mira at tinalikuran ako. Pinanood ko lang syang humakbang sa three-step stair at hinintay na makapasok.
"Sungjae..." Lumingon sya sakin at humakbang pabalik para magkaharap kami. Nasa baba ako ng hagdan at sya naman ay nakatungtong sa 2nd step ng hagdan kaya magkapantay na ang height namin.
"Mm?"
"Ayos ka lang ba? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong nya na may pag-aalala sa mukha.
"Okay lang ako." sagot ko at nginitian sya para ipakita na maayos lang talaga ako.
"Kanina ko pa kasi napapansing malungkot ka eh. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam mo. Kung may problema ka--"
"Okay lang talaga ako." Pinutol ko na ang sasabihin nya. Alam kong tungkol na naman kay Sohyun yun.
"Yung tungkol kay Sohyun, akala ko kayo na. Akala ko gusto ka rin nya. Sinabi nya sakin na gusto ka nyang maging masaya kaya wag kang mawawalan ng pag-asa. Alam kong gusto ka rin nya."
Marahan akong tumango dahil sa sinabi nya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa kanya. Kelan nya ba marerealize na hindi talaga si Sohyun ang gusto ko? Hindi nya ba nakikita yun? Masyado ko nga siguro syang napaniwala tungkol sa bagay na yun.
"Sige na. Pumasok ka na." sabi ko.
"Sandali lang."
Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. Ilang segundo din yun kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
Nagulat nalang ako nang bigla nyang hawakan ang magkabila kong pisngi. Pumikit sya at inilapit ang mukha sa akin. Tapos ay naramdaman ko nalang ang pagdampi ng malambot nyang labi sa noo ko.
Hindi ko inaasahan yun. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya. Ramdam na ramdam ko din ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa nangyari o sadyang mainit lang talaga ang kamay ni Mira.
"Gomawo Sungjae-ah." sabi nya at binitawan na ang mukha ko. "Salamat sa lahat. Naging mabait ka sakin kaya ayokong nakikita kang malungkot. Gusto kong lagi kang nakikitang masaya. Gusto kong yun ang maiwan sa alaala ko. Gusto kong ako ang una mong maaalala sa tuwing may makikita kang scene na hinalikan sa noo. Remembrance ko na yan ah."
Hindi ko sya maintindihan. Parang naging mabagal ang pagproseso ng mga sinabi nya sa utak ko. Hindi ko sigurado kung epekto lang ba to ng ginawa nya o sadyang may hidden meaning sa mga salitang yun. Parang may gusto syang iparating.
Hindi ko na pinansin yun. Masyadong abnormal ang tibok ng puso ko ngayon kaya hindi ko na matatagalang makaharap pa si Mira ngayon. Baka kung ano pa ang magawa ko. Lahat ng lungkot ko ay nawala sa isang iglap lang. Kaya naman, umalis na rin ako nang nakangiti.
MIRA'S POV
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Anumang tanggi ang gawin ng isip ko, ang puso ko na ang nagpupumilit na harapin ang katotohanan at wag ng lokohin ang sarili ko.
Sigurado na ako. Hanggang ngayon ay si Sungjae pa rin talaga ang gusto ko.
Pero tumatakbo ang oras. Papalapit na nang papalapit ang araw ng pag-alis ko. Dapat bang itago ko nalang sa sarili ko ang nararamdaman kong ito?
Hinalikan ko sya sa noo. Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. Gusto kong mag-iwan ng alaala. Gusto ko ring may bauning alaala sa pag-alis ko. Matagal ko ng pangarap ang malapitan si Sungjae, mahawakan sya, at maipakita kung gaano ko sya kagusto. At ngayong nagawa ko na, hindi na ako dapat maghangad pa. Magiging masaya na ako dun. Masaya akong babalik sa Pilipinas.
**********
Author's Note:
Nararamdaman nyo na ba ang nalalapit na ending? Kapit na mga kaibigan at sama-sama nating subaybayan ang last week ni Mira kasama ang BTOB. Marami pang mangyayari kaya walang iwanan.
Anyway, gumawa nga pala ako ng promoting/plugging of stories. Pwede kayo magplug ng stories nyo dun. Just visit My Works. ^__^
BINABASA MO ANG
BTOB - Beep Beep [FANFIC]
FanficBEEP BEEP Isa yang nakakapangilabot na tunog kapag napunta ka sa gitna ng kalsada. Maninigas nalang ang mga paa mo, hindi ka makakagalaw, at hihintayin mo nalang ang pagkakalasog-lasog ng katawan mo. Pero paano kung ang tunog na yun ang pagmulan ng...