Finale

857 41 5
                                    

MIRA'S POV

"AAAAAAAAAAAAAAHHHH! FISHTEA! FISHTEA! FISHTEA! PAPATAYIN KITA!!! HUMANDA KA SAKIN PAG NAKITA KITA!!! KAKALBUHIN KITA!!!"

Wala akong tigil sa pagsigaw habang hinahampas ng unan ang laptop ko. Nanginginig ako sa inis. Wala akong pakialam kung masira man yung laptop basta ang mahalaga ay masira ko rin ang pagmumukha ni Chorong!

"ARGHHHHHH!" Isang malakas na hampas pa ang ginawa ko. Nang mapagod ako ay saka lang ako tumigil. Kinuha ko yung laptop at saka chineck kung may sira. Buti wala naman. Nasa kama ko rin kasi eh kaya kahit hampasin ko ng unan ay hindi naman masisira.

"I'm sorry lappy." Hinaplos-haplos ko ito na parang baby. May sticker kasi ng BtoB na nakadikit doon kaya naguilty ako sa ginawa ko. Kasalanan to ni Chorong!

Okay. Brokenhearted ako dahil sa napanood kong kissing scene nina Sungjae at Chorong. Ang sakit! Fishtea! Matagal na yun pinalabas pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na panoorin yun. Alam ko kasing masasaktan lang ako eh. Pero kahit na ilang buwan na ang nakakaraan ay hindi ko pa rin talaga pinapanood. Pero hindi rin ako nakatiis. Akala ko kaya ko na. Akala ko tanggap ko na. Pero hindi pala.

Actually Apink ang UB ko sa girl groups. Eunji bias. Pangalawa si Chorong. Pero nung makita ko yung kissing scene nila parang gusto kong sabunutan si Chorong! Nakakairita! Nakakaiyak! Argh!

"Ajujuju. Ang sakit-sakit Sungjae! Ang sakit-sakit!" Para na akong baliw na naglulumpasay sa sahig. "Akala ko ba ako lang ang mahal mo? Pero bakit mo ko pinagtaksilan? Pano mo nagawa sakin to? Bakit?"

Chos! Ang drama ko na. Inuntog ko ang sarili ko sa pader para matauhan ako. Hay naku Mira! Itigil na ang kadramahan. Trabaho lang yun no. Para sa future nyo ni Sungjae.

Napangiti ako sa isiping iyon. Binuksan ko ang cabinet ko at saka kinuha yung color blue na notebook. Ito yung napulot ko bago ako umalis noon sa Korea. Akala ko kung ano lang. Parang diary pala yun ni Sungjae.

Binuksan ko ito at binuklat-buklat ang bawat pahina. Sa muli ay binasa ko ito. Ilang beses ko na itong nabasa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawang ulit-ulitin ito. Pakiramdam ko kasi nasa tabi ko lang si Sungjae kapag binabasa ko ito.

Noong una ay hindi ko inaasahan na ganito ang laman nito. Hindi ko akalain na ako pala ang nandito. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni Sungjae noon pa man. Na kung meron mang nasasaktan noon pa man, siya yun. Hindi ko man lang naisip ang pinagdadaanan niya. Akala ko ako lang ang nahihirapan. Pero mas nahihirapan pala siya. Kaya ganun na lang ang pagsisisi ko noong natuklasan ko ang mga bagay na yun. Kung sana inamin ko ng mas maaga ang nararamdaman ko sa kanya, kung sana ipinaglaban ko na noon pa man ang nararamdaman ko, kung sana hindi ko sinagot si Minhyuk, edi sana masaya na kami ngayon. Sana wala ng nasaktan ng sobra.

Doon ko lang narealize na hindi totoo ang destiny. Kasi tayo mismo ang gumagawa ng kapalaran natin. Sa desisyon natin nakasalalay ang magiging future natin. Kaya kung anuman ang gusto nating mangyari, hindi tayo dapat na maupo lang at maghintay na dumating ang bagay na iyon. Sa halip ay dapat tayong kumilos at pagsikapang abutin ang gusto nating maabot.

Ilang buwan na ang nakalipas mula nung umuwi ako dito sa Pilipinas mula sa Korea. Ang dami ng nangyari sa buhay ng BtoB. Ako naman ay ipinagpatuloy lang ang pag-aaral ng Photography and Filmography. Konting panahon nalang makakatapos na ako ng pag-aaral. Konting panahon nalang ay makakabalik na ako sa Korea.

Isa lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Yun ay yung nabasa kong diary ni Sungjae. Kahit na wala kaming communication ngayon, at least alam kong may babalikan ako.

Tiniis kong huwag makipagcommunicate sa kanila mula nung umalis ako. Alam kong wala silang balita sa akin. Pero ako ay lagi namang updated sa kanila dahil sa mga info sa internet. Ayoko kasing maulit na naman yung dati. Mahirap ang umasa. Gusto ko makipag-interact uli sa kanila kapag sigurado na akong makakasama ko sila ng pangmatagalan. Hindi yung makakasalamuha ko lang sila ng pansamantala. Ang hirap kasi ng feeling na nangungulila eh. Kaya mabuti na yung masanay ka na wala sila.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon