030

181 18 14
                                    


( the continuation )

« yoona's pov

nang matapos kaming kumain ay nagbalak na kaagad kaming umalis.

oy. wag kayong ano diyan, ah. syempre nabayaran na na namin yung bill.

"alis na ta—"

"hey baby!" biglang may dumating na babae at lumingkis sa leeg atsaka humalik sa labi ni baekhyun.

and i was like, what the?

tinitigan ko ng masama yung babae. hindi ba nito napapansin na may kasama sila dito? like hello?

"i miss you baby! punta uli tayo sa house mo? please?" at ngumuso pa ito.

napaiwas naman ako ng tingin. yuck. kadiri. hindi ba siya aware na mukha siyang bibe kapag nagpa-pout siya?

"sure baby. next time nalang. kasama ko pa yung maid ko, e. hehe." ano kamo!? ako? maid!? putaena to'ng baekhyun na to ha. at may balak pa siyang lumandi!? kapal ng mukha nito!

tinulak ko iyong babae bago ko malakas na sinapak sa mukha si baekhyun. "hoy! gago ka, ha!? ako? maid? sa ganda ko'ng to? hoy!" dinuro ko siya. "baka nakakalimutan mo? girlfriend mo ko!"

nakita kong nakahawak sa kaniyang mukha si baekhyun habang dumadaing sa sakit.

bumaling naman ang tingin ko sa babae na ngayo'y nangagatog sa takot. "at ikaw! isa ka pa, ha! hindi mo ba alam na may girlfriend na itong lalaking nilalandi mo?"

nakita kong nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga tao sa paligid pero wala parin akong pakialam.

"i–ikaw? girlfriend ka niya? s–sige nga! sabihin mo nga sa akin k–kung bakit kahit may girlfriend na siya, nagtatalik p–parin kami?"

aba't! loko to ha! nakuha pang magsalita!? atsaka ano daw? nagse-s ex sila?

gulat na gulat akong napatingin sa kanilang dalawa. "totoo ba 'yon, ha!?" malakas na tanong ko kay baekhyun.

nakarinig ako ng mga bulung-bulungan sa paligid pero hindi ko parin yun pinapansin.

"oo. gulat ka ba?" sagot niya.

naramdaman ko nalang na may tumutulo na palang mga luha sa aking mga mata. "how dare you." malakas ko siyang sinampal sa mukha pati na iyong babae sa tabi niya. "mga walanghiya kayo!" sigaw ko bago ako umalis habang umiiyak.

lagi nalang ba ako ang talunan? bakit ba ako pa ang nakakaranas ng ganito? bakit hindi nalang sila!? mga walanghiya sila! akala ko pa naman may forever na kami kasi nga ngumingiti pa siya sa akin kanina! pero yun pala, hindi totoo ang lahat ng mga yun!

sinipa ko ang mga batong nadadaanan ko. "arghhh!" malakas na sigaw ko.

"p–pota! ang s–sakit!" rinig kong sigaw sa di kalayuan.

tinignan ko ito at dun ko nakita ang isang lalaki na dumadaing sa sakit.

napatakbo ako doon. "ayos ka lang?" tumingin ito sa akin habang dumadaing parin sa sakit.

"sa tingin mo? magiging okay ako kung matamaan ako ng bato sa ulo? ha?"

napahilamos naman ako ng mukha. nakupo. ano ba namang klaseng araw to. una, niloko ako ng lokong lalaking 'yon! tapos ngayon, nakatama pa ako ng tao! ano ba naman yan!

pinunasan ko ang mga luha ko. "sorry. mukhang ako ata ang nakatama." pagpapaumanhin ko.

gulat itong tumingin sa akin. "e bakit ka ba kasi nagbabato bigla ha? at sa public place pa talaga?"

inis naman akong tumingin sa kaniya. "e sa heartbroken ako ngayon e! atsaka nag-sorry na nga ako diba? sungit mo naman."

"aba? ako pa ngayon ang masungit? teka nga lang miss. pinapaalala ko lang sayo na ikaw tong naka-atraso sa akin ha. ang sakit kaya ng bato!"

"sorry na nga, okay? ako nga pala si yoona."

nagdalawang-isip pa siya kung sasagot ba siya o hindi. "luhan. luhan ang pangalan ko."

goal | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon