023

165 19 3
                                    

« yoona's pov

"surprise!" napapikit naman dahil sa gulat si ana.

"anong ginagawa mo dito!?" napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya. ayaw niya ba'ng nandito ako?

"ano pa ba? edi mangsusurprise! teka asan na ba yung kuya mo?" tsaka sumilip ako sa loob.

"ah. wala pa dito, e. h–hindi ko alam kung saan nagpunta." tsaka siya mabilis na nag-iwas ng tingin.

"ganun ba?" nanghinayang ako. "sayang naman itong mga 'to. marami pa naman akong mga pasalubong sa kaniya." nginuso ko iyong mga dala ko na kaagad niya namang kinuha.

"ako nalang magbibigay kay kuya!"

"e–eh? ako nalang!" tsaka ko hinatak pabalik iyong bag. "hahanapin ko nalang siya tsaka ko ibibigay ito ng personal sa kaniya."

para naman siyang namutla dahil doon. "ano ba, prend! ako nalang kasi! sige ka baka mahirapan ka pang maghanap! sabihin ko nalang na galing 'to sa kaniyang napakagandang girlfriend!"

"haha! ikaw, ah! nambola ka pa! o sige na nga. basta sabihin mo nalang sa akin kung natanggap na niya 'yan." turo ko sa bag na naglalaman ng mga pasalubong.

"okay! noted!" sagot niya kaya matapos non ay umalis na ako.

goal | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon