027

169 16 2
                                    

« yoona's pov

pinagbuksan ako ni ana ng pintuan at kaagad naman akong pumasok.

"nasan si boyfie?" tanong ko tsaka lumingon-lingon sa paligid.

"grabe prend ah. nakakatampo ka na. siya nalang lagi hanap mo."

natawa naman ako. "baliw. eto na nga, e. kaya nga pumunta na ako dito kase dala ko na ang mga pasalubong ko sayo."

"talaga!? yehey!" niyakap niya ako. "thank you prend!"

binigay ko na sa kaniya ang mga pasalubong ko na isa-isa naman niyang tinignan.

"nasan siya?" tanong ko uli.

"nasa kuwarto niya." sagot niya habang abala sa mga pasalubong ko.

"okay." sabi ko at nagpunta na sa kuwarto ni baekhyun. hindi naman na ako nahirapan pang maghanap dahil sa mismong pinto ay may mga nakasulat na mga pangalan.

dahan-dahan akong kumatok. "hello? boyfie? tulog ka pa ba? hello?"

nang walang sumagot ay pinihit ko na ang doorknob. buti nga hindi naka-lock kaya agad akong nakapasok.

nakita ko siyang nakadapa sa kama. at base sa itsura nito, mukha siyang nakainom.

lumapit ako sa kaniyang kama at pinihit ko siya paharap sa akin. ano ba yan! ang bigat ng lalaking 'to.

tinapik-tapik ko siya sa kaniyang pisngi. "huy gising!"

tinapik ko pa siya ng dalawang beses bago siya inis na nagising.

napasabunot siya sa kaniyang buhok. "ano ba! magpatulog ka naman! ikaw kaya to'ng makatulog sa sahig makakaya mo ba?"

"ha? nakatulog ka sa sahig?"

"oo. lumipat lang ako kanina dito kaya naman pwede ba? umalis ka na? matutulog pa ako." bumalik siya sa higa at tumalikod mula sa akin.

napabuntong hininga nalang ako at binigyan uli siya ng isang tingin bago pa mang tuluyan ng tumayo para umalis.

goal | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon