note; whoosh! this is my longest story so far.
---
« yoona's pov
"okay! ingat ka, ha?"
kumaway naman ito. "sige. bye yoona!" sagot nito bago tuluyang sumakay sa taxi.
hinintay ko munang makawala sa paningin ko ang taxi'ng sinasakyan niya bago ako tumalikod para sana pumasok na sa loob ng bahay.
"hay nako. nakakapagod— hmph!" biglang may naramdaman akong matulis na bagay sa leeg ko. agad akong kinabahan ng ma-gets ko ang mga nangyayari.
magnanakaw!
"miss! akin na ang bag mo para hindi ka na masaktan."
"pero manong—"
"bitiwan mo siya!" nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan namin si baekhyun at kaagad na sinuntok ang lalaking may hawak ng patalim.
gumanti naman iyong magnanakaw kaso sadyang mas malakas nga lang si baekhyun dahilan para matumba ito sa sahig.
lumingon sa direksyon ko si baekhyun at kaagad na hinatak ako papunta sa loob ng bahay namin.
"call the police." utos nito sa akin.
tumango naman ako at agad na tinawagan ang hotline ng police station. inireport ko ang nangyari at sinabi naman nilang pupunta na sila kaagad.
"pano siya?" turo ko dun sa magnanakaw na nahimatay na sa sahig.
"ipaubaya nalang natin sa mga pulis." sagot niya sa akin.
tumango naman ako pero may bigla akong naaalala kaya tinanong ko siya.
"bakit ka nga pala nandito?"
"uhmm.. n–napadaan lang." sagot niya saka siya nag-iwas ng tingin.
"huh?"
"hay. n–napadaan nga lang kasi ako." may bahid na inis na usal niya.
tumango nalang ako para matapos na ang problema. "sige. salamat nga pala." kahit galit ako sa kaniya, marunong parin naman akong magpasalamat dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin.
tumango ito at bahagyang ngumiti. tatalikod na sana ako ng bigla niya akong tinawag. "yoona."
lumingon ako at nagtaka ako ng makitang seryoso ang kaniyang mukha. "can we be friends?"
ha? ano??

BINABASA MO ANG
goal | completed
Kurzgeschichten【 ↬ byun baekhyun x im yoona 】 ❝Hoy Kuyang Hot! Pag umabot ng 50 thousand likes, 50 thousand comments at 50 thousand shares ang ipo-post ko, tayo na, ha?❞ © Ice_Princesssssssss 2018.