« yoona's pov
"ana. feeling ko talaga parang may nakatingin sa atin." sambit ko habang nasa restaurant kami.
"ang creepy naman nun, yoona! teka, may stalker ka ba?"
"i don't know?"
"hmm.. posible naman yun kasi nga, ang ganda-ganda mo! manang-mana ka talaga sa akin, e! buwahaha!"
kunwari'y nandidiri ko siyang tinignan. "mahiya ka nga, ana!" tsaka ko siya binato ng tissue.
binato niya pabalik sa akin yung tissue. "aba! totoo naman, e! haha!"
"uhm excuse me girls?" napatigil kami sa tawanan ng biglang may lumapit sa aming lalaki.
"bakit?" tanong ko.
"can i get your number?" nagulat naman ako sa sinabi nito.
"o–okay?" binigay nito sa akin ang cellphone niya kaya ang ginawa ko, nagtype ako ng kung ano-anong 11 numbers tsaka ko binalik sa kaniya. hello? hindi ako tanga 'no. bakit ko naman basta-basta nalang ibibigay sa isang estranghero ang number ko? duh.
"thank you miss!" malawak ang ngiti niya na umalis.
"uy prend! binigay mo talaga yung number mo!?" gulat na sambit sa akin ni ana.
"siyempre hindi! kung ano-ano lang kaya ang
tinaype ko dun! haha!" sagot ko.tumawa rin ito. "loka-loka ka talaga!"
"siyempre!"
dumating na iyong order kaya nagsimula na kaming kumain.
"so? ano na prend? wala na ba talaga kayong pag-asa ni kuya? sayang talaga kayo, e!"
natawa ako. "para ka'ng sirang plaka. paulit-ulit ka! haha."
nag-make face siya. "e hindi ko talaga mapigilan e! sayang! sayang!" tsaka niya pinagpatuloy ang kaniyang pagkain.
ako naman ay humalakhak nalang at sumubo na ng pagkain.
well, i admit. may lugar parin siya sa puso ko. ang kaso, hindi ko alam kung mangyayari parin ba talaga ang ipinagpipilitan ni ana.
hay!

BINABASA MO ANG
goal | completed
Short Story【 ↬ byun baekhyun x im yoona 】 ❝Hoy Kuyang Hot! Pag umabot ng 50 thousand likes, 50 thousand comments at 50 thousand shares ang ipo-post ko, tayo na, ha?❞ © Ice_Princesssssssss 2018.