« yoona's pov
"hala! anong ginagawa mo dito?" tanong 'ko.
"malamang, ako kaya ang manager dito. ikaw? sinong kasama mo? wag mo'ng sabihing mag-isa ka lang?"
"luh. siyempre may kasama ako, no." sabi 'ko.
"okay." sagot niya at aalis na sana ng biglang may magsalita sa likuran 'ko kaya't parehas kaming napalingon.
"siya na ba ang bago mo?" malamig na boses at tiim bagang wika niya.
"teka bro. walang kami nitong girlfriend mo ha." wika ni luhan. "makaalis na nga. baka madamay pa 'ko dito." kakamot-kamot na sambit niya atsaka siya lumihis ng daan.
pagkatapos niyang umalis, ako nama'y kunot-noong tinignan si baekhyun.
ano ba'ng problema nito? hindi naman sa nagpapaka-assuming pero i can sense something in his actions right now.
"what? bakit ganiyan ka makatingin?" ani nito at nag-iwas tingin.
i sighed. "look. baekhyun, ano ba talagang nangyayari sayo? why are you acting so weird lately?" hindi 'ko napigilang tanungin ito sa kaniya.
malamig na bumaling ito sa akin. "this is not the right place to talk about it. tara, lumabas tayo kung gusto mo talagang malaman." tsaka ito naunang naglakad papaalis.
"wait up! nabayaran mo na ba—" he cut me off.
"already." he said.
"okay." sagot 'ko at tahimik nalang na sumunod sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa parking lot.
"talk, now." i said.
unti-unti siyang humarap sa akin. nasalubong 'ko agad ang kaniyang mga mapupungay na mga mata that sent me goosebumps. "i love you. a lot." walang paligoy-ligoy na wika nito.
"what the?" gulat na sambit 'ko.
bumuntong-hininga siya at dahan-dahang inabot ang mga kamay 'ko at kaniyang hinagkan. "mahal kita yoona and i'm fcking jealous sa lahat ng mga lalaking nakakasama mo."
tulala ako'ng napatitig sa kaniya at hindi kaagad nakapagsalita.
"wait wait! seriously?"
"oo nga. ikaw? mahal mo rin ba ako?"
napaisip ako saglit habang tinitignan siya. sasabihin 'ko ba ang totoo or nah? "well, about that, mahal rin naman kita—"
"yes!" sigaw niya at kaagad ako'ng hinalikan ng mabilis sa aking labi at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.
"you don't how happy i am today yoona. thank you. thank you so much." then he buried himself in my neck.
hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan hanggang sa maproseso na ang lahat sa utak 'ko at ngiting-ngiti ako'ng ginantihan siya ng yakap.
"tayo na ba?" napasinghap ako dahil sa tanong niya.
"aarte pa ba ako? e alam mo namang patay na patay na ako sayo, matagal na." humagikgik ako.
naramdaman ko'ng napangiti rin siya sa aking leeg. "thank you. i love you."
"i love you too."
BINABASA MO ANG
goal | completed
Short Story【 ↬ byun baekhyun x im yoona 】 ❝Hoy Kuyang Hot! Pag umabot ng 50 thousand likes, 50 thousand comments at 50 thousand shares ang ipo-post ko, tayo na, ha?❞ © Ice_Princesssssssss 2018.