029

170 19 5
                                    

« yoona's pov

"tara na?"

"okay." sabi niya atsaka siya pumasok na ng driver seat.

napanguso naman ako. hindi ba siya gentleman? hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan.

"hoy. tutunganga ka nalang ba diyan?" sabi niya mula sa loob.

"heh." sagot ko at binuksan na ang pintuan sa shotgun seat.

"saan tayo pupunta?" tanong ko.

sinuot niya na ang ang kaniyang seatbelt kaya gumaya narin ako.

"malay ko. ikaw nag-aya diba?" sagot niya.

"luh. o'sya sige punta tayo sa amusement park."

"yoko dun. masiyado nang cliche."

"e san mo ba gustong pumunta?" tanong ko. sayang naman. gusto ko pa naman sanang pumunta dun sa amusement park.

"ewan ko."

napatampal naman ako sa noo dahil sa sinagot niya. san naman kaya kami ngayon pupunta?

"sa restaurant na nga lang na malapit diyan." sabi ko.

"okay." sagot niya as he start the car.

habang nasa biyahe ay tahimik lang kami. walang kibuan sa isa't-isa kaya ako na ang unang bumasag sa katahimikan.

"boyfiee." tawag ko.

sumulyap siya sa akin pagkatapos ay binalik rin sa daan ang tingin. "oh?"

kinagat ko ang labi ko. nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba pero sa huli ay sinambit ko rin. "can i hold your hand?"

bigla siyang napahinto kaya tumama ang ulo ko sa bintana. "a–aray."

"sorry. masakit ba?" for a second, i saw that he cares for me.

"n–no okay lang. sige na mag-drive ka na."

"but—"

"bilis na."

napabuntong-hininga na lang siya at sinunod rin ang sinabi ko.

"hay nako, yoona. bakit ba kasi sinabi mo pa yun! tanga mo talaga." bulong ko sa sarili.

binaling ko nalang sa bintana ang tingin ko. pinapanood ang mga dinadaanan namin hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay ni baekhyun na nakahawak sa kamay ko.

gulat akong napatingin sa kaniya at dun ko siya nakitang nakatingin rin sa akin.

"what are you doing?" tanong ko.

muli niyang binalik ang tingin sa harap. "sabi mo gusto mo'ng hawakan ang kamay ko. edi ayan." i saw him smirked.

hinampas ko naman ang balikat niya. "baliw." sabi ko nalang, pilit na itinatago ang ngiti sa aking mukha.

nagkibit-balikat nalang siya at tinuloy na ang pagmamaneho habang hawak-hawak ang kamay ko.

nang makarating kami sa paroroonan namin, ako ang unang bumaba. alam ko naman kasing hindi niya ako pagbubuksan.

"let's go."

"okay."

pumasok kami sa restaurant. naghanap muna ako ng upuan at nang may makita na ako, hinawakan ko ang kaniyang kamay atsaka siya hinila papunta roon.

"waiter!" tawag ko. pumunta naman kaagad ang waiter sa pwesto namin at inabot sa amin ang menu.

"anong order mo?" tanong ko kay baekhyun.

"one roasted chicken and one ice tea for me." sabi niya na nilista rin nung waiter.

"sayo po, ma'am?"

"same nalang kami. thank you." nginitian ko ang waiter kaya nginitian niya rin ako pabalik.

nang makaalis siya, binaling ko ang aking tingin kay baekhyun na nasa tapat ko. nakita ko siyang nakasunod ang matatalim na tingin dun sa waiter kanina kaya tinapik ko siya.

"ayos ka lang?"

sumulyap siya sakin atsaka tumango.

nang makarating na ang order namin ay kaagad na akong kumain habang nakatitig sa kaniya.

hmm. ang saya palang makasama mo ang taong mahal mo na kumain nang magkasama kayo. siguro, masasabi ko na ito na ata ang pinaka-masayang araw ko.

"hey." tawag pansin niya.

napapitlag ako saglit. "yes?" tsaka ako ngumiti ng pagkalaki-laki.

kumunot ang noo niya. "you're weird."

"i'm just happy."

umiling nalang siya at hindi nakawala sa paningin ko ang lihim niyang pagngiti.

HAPPY BIRTHDAY YOOOOOOOONNNNNNNNAAAAAAAAA! 🎉🎈

goal | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon