VI

700 64 1
                                    

Kisses Vicente

"Bakla! Nakakainis! Ginawa pa akong tour guide nitong dalawang ugok na transferee!" Pahayag ko sa phone na ngayon ay kausap ko ni Nips.

["Aww—ouch naman bakla! Napaka-saklaf! Kahit naman din ako e naging tutor ng dalawang ungas na transferee na ito! Nakakagigil 'di ba?"]

"Bakla, magiingat ka ah. Huwag kang papadaig sa impakto pa sa buwan a! Sige na bakla! Luv u!"

["Bakla, h'wag mong sabihin na type mo 'ko? Ayeeee! Kenekeleg eke, enebe nemen eh!"]

"Lols bakla! Baboo!!" Tapos end call na.

"Kisses!" tawag sa akin ni Art..

"Kisses antagal mo naman! Sino ba 'yang kausap mo, syota mo?" Paninita na sa akin ni Richard. 30 minutes ko na kasing kausap si Nips kaso laging busy.

"Nagmamadali ka ba? May taxi bang nagaantay sa iyo? Well kung oo e 'di mauna ka na i-tour mo sarili mo. Sumama ka na Art kung nagmamadali ka rin." Humalukipkip na lamang ako sa isang tabi.

"Bakit ba kasi ang tagal mo?" tanong ni Richard.

"Kasi yung friend ko tinawagan ko kaso laging busy buti na lang sa last try ko sumagot na siya. Kawawa nga rin ginawa siyang tutor ng dalawang transferee. Hays!" bumuntong hininga na lamang ako ng napaka-bigat

"Oh hayan na boss Richard narinig mo na yung side niya kung bakit siya natagalan sa pagtawag a. So say sorry na para ganahan naman tayo habang nag-ttour hindi yung tour guide ay nakabusangot. Smile naman diyan.." nagsorry naman si Richard kaya ngumiti na rin ako ng tipid.

"Ayan ayos na! Lets take a pic." tapos kinuha niya yung cellphone niya kaya ayun todo smile silang dalawa habang ako naman ilang na ilang sa kanilang dalawa kasi sobrang dikit nila sa akin. Ramdam na ramdam ko na yung matitigas at matitipuno nilang pangangatawan. Aych! Erase! Scratch that crap!







Nips Arcos

"Ganito 'yan makinig ka..." Pahayag ko kay Chase. Ako 'tong pagod na pagod na sa kaka-explain sa kanya sa math siya naman 'tong hindi nakikinig. Lutang na lutang siya. Tanging titig na titig siya sa pagmumukha ko parang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Hmmm babalewalain ko na lang 'to. Siguro nagiging paranoid na naman ako kasi gutom na gutom na ako I could eat a horse! Just kidding.

"Ano ba Chase nakikinig ka ba o hindi? Sabihin mo lang Kasi uuwi na ako at nagugutom na rin ng makapagpahinga na 'no. Hindi naman ako ipinanganak ng nanay ko at ginawa ng tatay ko para maging kalabaw 'no! Kailangan ko rin magpahinga.." Tumawa lang siya ng mahina. Ano kayang nakakatawa sa sinasabi ko? Baliw ba 'to? Takas sa mental?

"Wait ka lang diyan magpapahanda ako kay Yaya.." Tumayo naman si Chase at tinawag ang yaya niya na nakasuot ng black. Lahat ng suot niya black. panty at bra din kaya niya black? Ooh—nevermind!

Tumango naman yung yaya at nagbulungan silang dalawa. Ngumisi naman ng makahulugan ang matandang yaya habang si Chase naman ay wala lang naka poker face lang.

"Sino 'yon?" tanong ko n'ong nakaalis na yung matandang yaya nila.

"Ahh y'on ba? Si Manang Mildred y'on dalawampung taon na y'on nagta-trabaho sa amin. Simula nung sanggol ako hanggang ngayon ay siya ang kumakalinga at nakakakilala sa akin lubos bukod kay dad na ngayon ay nasa cebu. Super Close ko si dad mamatay na lahat ng kamag-anak namin huwag lang ang dad ko. He is my best buddy ever kaya kung anong ipinaguutos niya gagawin ko para sa kanya." Halata nga sa mga mata  niya na mahal na mahal niya ang kanyang ama.

"How 'bout your mom? Where is she? If you don't mind lang. Bakit sa lahat ng ikinuwento mo sa akin ni minsan hindi mo nabanggit ang nanay mo?" I look into his eyes. He is pissed off with me. Ooh—men! Wrong move Nips! Very very wrong! Sana kasi itinikom mo na lang 'yang napakadaldal mo bibig.

"Aah—hmm my mom.... Was.... Dead.... when i was i kid." he said. Pero feeling ko hindi ako sa kanya naniniwala. Parang hindi pa rin ako satisfied. Hindi kaya nagsisinungaling 'tong lalaking 'to?

"Aah—hmm, I—better—go—now. Maybe we can meet this weekends? Sabihin mo kay yaya huwag na siyang mag-abala na maghanda ng foods." Dumating si yaya na may dalang tray na puro...

Ulo ng tao na nakatahi ang mga mata nito at naliligo sa sariling dugo.
Mata,tainga,ilong,bibig at dila ng tao na ipinirito.
At ang huling serving ay puso ng tao na tumitibok tibok pa.

"I... I.... I... I.... I should leave.... N—now!" Tumayo na ako at pumunta sa kanilang gate ng hinawakan niya yung wrist ko at tinignan mata sa mata.

"Stay. Eat the food that serves to you. Pinaghirapan 'yan ni yaya tapos hindi ka kakain. Ang bad bad mo naman." ngumuso pa siya sa akin na parang bata.

"Pagkain?! Sigurado ka bang pagkain yung sinerve sa akin ni yaya kanina?! Are you really really really really really sure?! Paki check nga ulit?!" Kinuha ko na 'yong chance na y'on para maka-alis na ako sa bahay nila Chase na puro katatakutan..

"NNNNNiiiiipppppsssss!" sigaw ng sigaw si Chase pero hindi na ako lumingon tanging lakad-takbo ang ginawa ko para hindi niya ako mahabol... Sana

Hingang malalim na ang pinakawalan ko sa sarili ko. Tuyo't na tuyot na ang lalamunan ko at nagugutom na rin. Pero dahil nga sa dayo lang ako dito sa bahay nila Chase ayon na nga naligaw na ako! Paano ba 'yan? Hindi ko na alam kung ano ang next plan ang gagawin ko.

[*Booogsshh*]

"Aww—ouch! Ano ba kuya? Kita mong naliligaw na nga yung tao haharang harang ka pa sa daan! Hindi mo ba alam kuya na dayo lang ako dito. Pero dahil sa nakita narin kita magtatanong na rin ako. Saan ba palabas dito sa subdivision na ito? Gusto ko na kasing umuwi sa amin. Hinahanap na ako ng pamilya ko. Nagugutom at nauuhaw na rin ako." Agad niyang inilahad ang kamay niya sa akin na ngayon ko lang na-realiza na si.... CHASE! Ang lalaking nakabanggaan ko.

"Ang sabi ko naman kasi sa iyo hindi ba kainin mo ang inihanda ni yaya pero anong ginawa mo pinag-antay mo pa yung grasya. Pagkatapos mo ng kumain ihahatid na kita sa bahay niyo, I promise." paano niya ako nasundan dito? Anlayo layo na ng tinakbo ko? Pero puwede rin niya ako mahabol kahit na nasa dead end na kami kasi dito siya nakatira. Kaya alam niya kung saan ang pasikot sikot dito sa subdivision.

"Ooh—kay.." wala na akong nagawa dahil hinawakan na niya yung kanang kamay ko at ipinag-intwine niya. napaka higpit ng pagkakapit niya rito kaya mahirap maalis.

"Good girl.." he treat me like his favorite dog..Ehh—eww!






3rd Pov

"Nagkita-kita na rin ang mga mamatay tao, aking kaibigan.."

"Oo nga tapos na ang kasamaan ng kanilang lahi.. Hahahahaha!"

"Sa Ilog ng Baryo Kasalanan nagumpisa ang lahat doon din magtatapos.."






©AllRightsReserved






@SEA_GM






PLEASE VOTE AND SHARE!





"BECAUSE OF YOU I AM INSPIRED WITHOUT YOU I AM EXPIRED!"—@SEA_GM

Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon