XX

586 75 0
                                    

Nips Arcos..

"Kisses? Hershey? Nasaan kayo? Nasaan tayo? Margareth? Anne? Louie? Nandiyan ba kayo? Ano ba ito? Bakit ako nakatali?" Pilit akong kumakawala sa lubid na nakatali sa kamay ko ng mahigpit..

"Ah—haah!" Sigaw lang ako ng sigaw dahil may mga dagang ngumangatngat sa pantalon ko. "Ah—haah!" Sinipa sipa ko ito papalayo sa akin pero ayaw nilang maalis. Patuloy lang sila sa pagsugod sa akin!


"Ah—huh! Buti panaginip lang!" Nagising ako sa isang kama na nababalutan ng pulang bedsheet. Mga unan na pula. Lampshade ay pula. Nilibot ko ang mata ko at puro pula lang ang nakikita ko.

"Tulong! Tulungan niyo po ako!" Paghingi ko ng tulongbkung may tao man dito sa abandonadong kwarto. "Nips! Isang mamatay tao! Inggiterang Ampon!" Boses iyong ng aking kapatid na namatay na tatlong taon na nakakalipas. Si Amber. "Amber? Ikaw ba iyan?" Lalabas na sana ako ng kuwarto ng napag-alaman ko na naka-kadena ang mga paa ko. Tapos may nakatatak na ❌.. Mga tatlong ❌❌❌!

"Pakawalan niyo ako rito! Palabasin niyo ako!" Pinilit kong makaratingvsa pintuan kahit na masakit sa paa. Dahil masyado mahigpit ang pagkaka-kadena sa akin. Kinalampag-kalampag ko lang iyon pero wala pa rin nangyari..

Hinila ko ang kama papalapit sa may pintuan para hindi sumakit ang paa ko dahil hindi iyon abot.. Nakita kong nakabukas ang bintana. Umisip ako ng paraan kung paano makakatakas rito. Humanap ako ng bagay na puwedeng makaputol dito sa kadena na ito. Hindi naman puwedeng ilagay nila rito ang susi nitong kadena masyado naman silang tanga..

"Hoy! Bakit ba ang ingay mo?! Kita mong mananalo na ako sa madjong sinisira mo pa! Ano bang kailangan mo?!" Alam ko na! Sana effective siya..

"Natatae ako! Dalian mo sasabog na ito!" Umarte pa ako na sobrang masakit talaga ang tiyan ko..

"Ayoko nga. Hindi ako tumatanggap ng serbisyo na walang kapalit. Kaya bahala ka diyan tumae!" Lalabas na siya ng kuwarto pero hinawakan ko ang kamay niya..

"Pakawalan mo ako. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan mo. Pakawalan mo lang ako. I'll make you the happiest man in the world." Pilit kong ginagawang babae ang boses ko. Pilit ko siyang nilalandi para lang makatakas ako.

"Ayoko pa rin. Baka takasan mo ako. Ayoko talaga. Ako pa mapapagalitan nila Boss Medusa!" Tumingin naman ako sa kanya na nagmamakaawa. Pilit ko pa rin siyang nilalandi kahit na nandidiri na ako sa pagmumukha niya at sa amoy niya..

"E 'di kapag tumakas ako. Patayin mo na lang ako.." Matapang na paghahamon ko sa kanya. Inilabas naman niya ang baril niya at kinasa ito. "Sige pumapayag na ako! Pero gusto habang ginagawa natin iyon kinukunan ko ng video. Para masaya. Tapos ikakalat ko iyon. Kita mo na patay ka na at saka ka lang sumikat! Haha!" Pinulot ko ang baril niya at itinutok sa kanya. Sabay kuha ng unan at doon ipinaputok.. "Goodbye.."

Kinapkapan ko siya na baka sakaling may duplicate siya ng susi ng kadena ko. Tama nga ako. Meron nga siya. Agad ko itong binuksan. Tutal nasa kuwarto naman ako ay nagpalit na rin ako ng damit. Pulang damit!


"Magbigay galang kay Boss Medusa!" Sabay sabay nila akong niyukuran. Hindi ko kilala si Boss Medusa? Hindi ko rin alam kung bakit nila kailangan magbigay puri kay Medusa? Pero wala akong nagawa kundi ang magpanggap lang. Inayos ko ang aking mask sa mata ng makita ko sila JM, Dalvin at Mckoy na nakayuko rin..

"Tumayo kayo.." Matigas na utos ko sa kanila. Agad naman silang nagsitayuan na parang mga sundalo lang.. "May gusto akong sabihin sa inyo... Bakit nakawala si Nips?! Saan siya nagpunta?! Binisita ko ang kuwarto na pinagkulungan niya at natagpuan ko na patay ang isa sa mga tauhan ko! Hanapin niyo siya at dakpin! Baka ginaya niya lang ako para makagala rito sa atin kuta at maisalba ang kanya pang dalawang kaibigan.." Agad naman silang nawala na parang bula. At kaming apat na lang ang natira. Si JM na hindi tumitingin sa akin. Si Dalvin na nakayuko lang at si Mckoy na wala lang imik at parang may malalim na iniisip..

Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon