XIII

552 70 0
                                    

Nips Arcos

"Sa Tulay ng Baryo Kasalanan,
Ginahasa't pinatay ng walang laban.
Sabi nila kami ay makasalanan,
Alay kaming tatlo sa kanilang Satan.."

"Sa ika-labing apat ng Pebrero,
Hiling namin ay kamatayan ni Kupido.
Na siyang pumaslang sa'min tatlo,
Dinggin ang panalangin ko.."

"Sa ilalim ng tulay kami'y pinatay,
Mga katawang ginutay-gutay.
Mga halang na bitukang sanay,
Pumatay at Mag-alay ng isang buhay.."

Inialay? Bakit naman iaalay sila Margareth, Anne at Louie sa araw ng ika-labing apat ng pebrero? Nagisip lang ako ng maaring dahilan kung bakit sila kailangan ialay sa araw pa ng February 14. Nakita ko iyong picture nilang tatlo na may hawak-hawak na pusong lobo tapos tig-lilimang roses bawat isa sa kanila. Yung mukha nila na napaka-saya ng araw na iyon. Parang hindi mo maiisip na papatayin sila kinagabihan.

"Bakit ba kasi kayo pinatay?" Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang hitsura nilang tatlo. "Parang ansaya saya niyo naman diyan parang walang problema.." Dagdag ko pa sa kanila. Biglang umilaw ang talaarawan ni Anne na parang may kusa itong nagsusulat.. "Anong nangyayari? Bakit siya umiilaw ng kusa?" Bigla ko kaagad itong tinungo at binasa ang isang tula na nakasulat..

"Sa bawat ngiting ipinapakita,
Nagkukubli ang kasalanang nagawa.
Hindi sila marunong magpatawad,
Pagsasama'y huwad dahil may bayad.."

Juiceme! Hilig talaga nila idaan ang problema sa isang tula. Kailangan ko na atang mag-aral sa poetry subject namin para lang maintindihan ko sila. Nakakatuyo ng dugo at nakaka-pawis ang bawat katagang binibitawan nila.

"Hanapin mo si Susan,
Malapit sa tulay ang kanyang tahanan.
Siya ang magtuturo ng isang daan,
Na patutungo sa aming katahimikan.."

Ah—Gotcha! Thanks Anne sa clue mo sa akin. Ngayon hinahanap ko na lang ang tulay malapit sa Baryo kasalanan. Sa bawat pag-scroll ko sa Google ng nahanap kong resulta sa lugar ng Baryo kasalanan ay wala naman lumabas. Sinubukan ko pa sa ibang web site pero ganoon pa rin ang nangyayari sa resulta, Wala!

"Maiinit na balita; May namataan na patay na isang guwardiya sa tulay ng Baryo kasalanan malapit sa may paaralan ng Golden University.. Kalunos-lunos ang kanyang sinapit bukod sa hati-hati ang kanyang katawan may nakatatak pa sa kanya na; Iresponsable akong guwardiya.." Hindi ko na masyadong naintindihan ang balita dahil pinagmasdan ko ang hitsura ng lalaking nakikita ko ngayon sa balita. Itong guwardiyang ito, siya yung guard sa Golden University. Siya yung lalaking tulog ng tulog yung binulungan ko si Kisses na kung magnanakaw lang kami baka nanakawan na namin yung paaralan na binabantayan niya kasi tulog siya ng tulog hindi niya mina inaasikaso ang trabaho niya..

Kinuha ko na kaagad yung jacket ko at susi sa motor ko na regalo sa akin papa noong 17 years old pa ako. "Dad, may pupuntahan lang po ako. Babalik rin po ako kaagad dito sa bahay.." Paalam ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. Binitawan niya muna yung hawak niyang juice tapos tingin sa akin. "At saan ka naman pupunta young maiden?" tanong niya sa akin na may halong tigas ng boses.. "Papa, bibili lang po kasi ako ng props ko para sa project namin these weeks. So bye papa.." Parang hindi naman siya sa akin naniniwala pero tumingin ako sa kanya ng seryoso at sincere kaya sa wakas naniwala rin siya at pinayagan din akong lumabas..

"Hello, may good news ako sa iyo, Mckoy. Kailangan nating mahanap si Susan. Siya ang magtuturo sa atin kung bakit sila pinatay sa tulay ng Baryo Kasalanan. Sa tingin ko siya na ang sagot sa mga katanungan ko.." Pahayag ko sa kanya sa telepono pero may nadinig ako isang impit ungol ng isang babae..

"Okay.. Fetch me at my condo.." Tipid niya lang na sagot tapos ay binabaan na niya ako ng telepono. Isa pala siyang wh**e! Akala ko isang anghel na bumaba sa lupa. Napaka-amo kasi ng kanyang mukha tapos malalaman ko may babae pala itong dinadala sa condo niya..






Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon