III

1.2K 77 0
                                    

Nips Arcos

"Napaka-ganda mong dalaga, Ineng ano ang iyong pangalan?" tanong sa akin ng babaeng kausap ko na kamukhang kamukha ko para kaming pinag-biyak na bunga.

"Nips po, Kayo po? Ano pong name niyo? Bakit ko po kayo kamukha? Kakambal po ba tayo?" sunod-sunod kong tanong sa babaeng matanda. Hindi niya tuloy alam kung ano ang uunahin niya.

"Ako si Louie Vio, nagtataka kung bakit tayo magkamukhang-magkamukha?" bigla siyang may ibinulong sa tainga ko ngunit 'di ko maintindihan masyado.

"Dahil isa ako sa mga namatay nung February 14 alas dos ng hating-gabi! Kami ay hinalay at walang awang pinatay! At kaya tayo magkamukha dahil magbabayad ang lahat ng nagkasala sa akin sa aking mga kaibigan! Pinatay niyo sila! Pinatay niyo! Mamamatay ang maysala at madadamay ang mga mahal nito sa buhay!!!" Natakot ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Ang kanyang mala-anghel na mukha ay napalitan ng nakakasindak at nakaka-tindig balahibo niyang aura. Umaapoy ang kanyang katawan. Sunog na sunog ang kanyang mukha. Wakwak ang kanyang puso at ito'y kanyang hawak hawak.

"Huwag po! Maawa po kayo sa akin! Huwag niyo po akong sasaktan! Wala po akong ginagawang kasalanan sa inyo.." pagmamakaawa ko sa kanya..

"Nakakasigurado ka bang wala kang kasalanan, Nips? Hinango ang tao sa  kasalanan hindi ba? kaya 'wag na 'wag mo sa akin sasabihin na wala kang kasalanan dahil ang totoo ay Mayroon!" at mas lalo pa siya sa akin lumapit na halos isang dangkal na lamang ang agwat namin sa isa't isa.

Ramdam ko ang nakakasulasok na amoy ng kanyang hininga. Naglalagab na mga mata niya. At matutulis na kuko na dumadampi sa aking balat. "Aww, tama na po. Maawa po kayo sa akin. Alam ko po na hindi tayo perpekto nung tayo ay isinilang. Pero po puwede naman po tayong magbago at magbalik loob sa Panginoon.." nakita kong turan sa kanya.

" Diyos? Kung may Diyos bakit niya kami pinabayaan ng aking mga kaibigan? Bakit niya kami hinayaan na mapasa-kamay ng mga demonyo? Bakit niya hinayaan na mangyari sa amin ang karumaldumal na pangyayaring ito? Hindi namin ito gusto! Pero bakit? Bakit?" Pangalawang sugat ko ka ito sa aking kanang braso. Kanina sa kaliwa ngayon ay sa kanan naman.

"Panginoon, patawarin niyo po ako sa mga kasalanan ko. Alam ko pong tao lang ako nagkakamali at natutukso pero hindi iyon hadlang para mapatawad niyo po ako. Amen!"

"Ah—aah!" hingal na hingal akong bumangon sa kinahihigaan ko ngayon. Kaya pala ako binabangungot kasi yung higa ko pang-patay.Tagaktak ang pawis ko sa noo pati sa leeg. Para akong kabayong hinihingal sa pagod.

"Hoo! Napaka-samang panaginip naman no'n! February 14? Anong mayro'n bukod sa araw ng mga puso? Araw ni Kupido? Valentines Day? Aish! Nagugulumihanan talaga ako! Makainom na nga lang ng fresh milk.." at nagpasya na ako na tumungo sa kitchen namin..

"Nips!!" tawag sa akin ng babaeng naka-black na t-shirt at naka-jeans.

"Nips!!" hmm, baka magnanakaw 'to, 'di kaya?

"Sino 'yan? Kung magnanakaw ka well lumabas ka na sa lungga mo ng matiris kitang hinayupak ka!" kinilabutan ako sa babaeng nakatayo mismo sa harapan ko. Bali ang leeg at wala ang dalawang braso.

Gosh! Ngayon ko lang narealize na si Eliza Flores yun ang girlfriend ni Elmer Miga.

"Eliza? Is that you? What you're doing here? Paano ka nakapasok dito e nakalock na yung gate namin?" she didn't answer me. Lapit lang siya sa akin ng lapit habang ako naman ay layo ng layo sa kanya.

"Nips, magiingat ka! You know naman na kahit na hindi tayo magkapatid pero magkakilala na tayo since highschool parang kapatid na rin ang turing ko sa iyo. Kaya ayaw kong mapahamak ka. Paalam, susundan ko na kasi si Elmer e!" at naglaho na siya bilang itim na abo. Magiingat ako? Kanino? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Ang gulo nilang kausap.

Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon