VIII

627 58 1
                                    

Hershey Lomibao

"Nips! Kisses! Ah—hmm How could I start this? Ah—hmm may babaeng nagpakita sa akin kagabi. Girls she is so scary! I felt goosebumps rush to my veins. Tapos sabi niya sa akin ang pumatay daw sa kanya ay si Kupido tapos pinatay siya nung February 14.."

"Hershey, nagpapakita rin siya sa akin. Si Kupido rin daw ang pumatay sa kanya February 14 din ang araw ng kamatayan nila.." Pahayag sa akin ni Kisses na mukhang natatakot rin sa mga bagay na nangyayari sa amin ngayon.. Napabuntong hininga na lang ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kung bakit siya sa akin nagpapakita sa amin..

"Pare-pareho lang tayo ng nangyari sa isa't-isa. Bakit kaya hindi natin subukan na halughugin sila isa isa para naman malaman natin kung sino talaga si Kupido at bakit sila pinatay ng araw ng mga puso?" Habang hinihigop ni Nips ang kanyang kape..

"Alam niyo tama nga si Nips. Dapat tayong mag-research about them. Ah—hmm wait.." sabay tingin ni Kisses sa calendar niya sa may tagiliran niya.."May one week pa tayo para makahagilap pa tayo ng mga importanteng impormasyon about sa kanila. Kailangan natin umpisahan sa babaeng nakatahi ang bibig at pira-piraso ang katawan.." Dagdag pa niya..

"Right, bukas is Saturday so puwede na natin simulan bukas rin. Agahan natin para marami tayong impormasyon na makuha..." sumang-ayon naman kaming dalawa sa plano ni Nips..

"Magpa-alam na ako kay dad na aalis tayo bukas. Hershey at Nips magpa-alam na rin kayo sa mga parents niyo para hindi nila tayo pagalitan in case na ma-late tayo.." Humihikab na sabi ni Kisses sa harapan ko..

"Paano iyan one week nalang ang mayroon tayo. Makakaya ba natin iyon?" Pag-aalinlangan ko sa kanila..

"Hershey, walang imposible sa taong positibo kung mag-isip.. Hershey stay strong kaya natin 'to. Think positive lang..." Tama si Kisses dapat ipanatag ko lang ang loob ko.. Kailangan kong maging positibo bukas at sa susunod pang araw sa bawat impormasyon na malalaman namin..

"So girls matulog na kayo ng maaga para maaga rin kayo magising. Bawal ang ma-late dahil kung sino ang mahuli magco-commute siya mag-isa.."

Biglang may pumasok sa isipan kong isang alala nilang tatlo







Flashbacks

"I am warning you Ms.Margareth don't be late. Dahil hinding hindi ka namin aantayin ni Anne ng isang oras sa café."

"Oo nga, sabi pa naman sa balita na uulan na bukas ng hapon. Kaya kailangan na natin makapunta ng maaga sa Baryo nila Louie. You know naman na sobrang traffic sa Edsa."

"Opo Ms. Louie and Ms. Anne. Alam ko naman po na magco-commute ako mag-isa kapag hindi ko inagahan ang pag-gising ko. Kaya don't worry mag-aalarm na po ako. Baka nga kayo po yung ma-late diyan e.."

"Kami pa talaga Ms. Margareth Diaz, kami pa talaga. Osiya 'di bale hindi ka namin bibiguin..."

"Basta sagot mo accomodation namin ni Anne, Louie a. Pati sasakyan papunta at pauwi at saka pagkain na rin. Parang sabihin na lang natin Louie na ikaw ang magiging magulang namin for one week ni Anne. Tutal malapit na yung Valentines Day do'n puwede akong mang-hunt-ing ng Oppa.. Aye!"

"Aish, araw na pala ng puso sa susunod na linggo. Wala pa rin akong jowa! [*Sob*] maganda naman ako and sexy! Bakit gano'n? Papanain ko talaga si Kupido sa araw ng mga puso.."

"Haha! Dapat si Eros na lang. Siya kaya yung Greek god of erotic love haha! Ambabata pa natin para sa isang relasyon mga ineng. Hindi pa nga tayo nakakapag-debut jowa-jowa na kaagad. Kapag nalaman 'to ng mga parents natin baka pagalitan tayo ng mga no'n.."

Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon