Kisses Vicente
"May sasabihin ako sa inyo..." Sabay sabay naming tatlo ang nagsalita. Namuo ng katahimikan sa paligid namin.
"Importanteng malaman niyo ito.." Sabay sabay muli naming pagsasalita..
"Bato bato pik na lang tayo. Kung sino ang matalo siyang unang magsasalita at yung nanalo naman siya ang huli.." Nag-bato bato pik kami pero pare-pareho kaming tatlo na bato, gunting at papel. Ilang beses kaming naglaro ng parang mga bata lang. Hanggang sa unang natalo si Nips tapos sunod si Hershey at huling huli ako.
"Si JM, Kisses. Si Juan Miguel na crush mo Kisses ay ang dating kasintahan ni Anne. At ito pa, Hershey, ang mapapangasawa mong si Dalvin ay naging kasintahan din ni Anne habang sila pa ni JM. Napag-isip-isip ko na siguro nga makasalanan talaga silang tatlo kaya naman sila pinatay sa Baryo Kasalanan. May mga bagay talaga silang hindi sa atin sinasabi.." Napaluha na lamang si Hershey ng malaman niya ang mga iyon. Kinuha ko ang bag ko na naglalaman ng maseselan na kuha nila Dalvin at Anne sa kuwarto..
"Itong mga picture na ito. Ito yung mga panahon na nasa ibang bansa siya. Yung mga text na hindi niya ako nire-reply-an. Yung mga tawag ko na hindi niya sinasagot. Kaya pala inaasar siya ng mga barkada niya sa kasi may Ate George na nga siya may Anne pa. Tapos sinabi niya sa akin nasasakal na siya kay Ate George. Tapos ngayon ako naman ang target niya.." Hinawakan namin ni Nips ang kanyang mga kamay na nanlalamig na. Mga labi niyang nanginginig sa galit kay kuya Dalvin. Mga mata niya niyang namumula na dahil sa kakaiyak..
"Ay ako na pala ang susunod na magku-kwento sa nangyari sa paghahanap namin kay Louie. Nips huwag kang masyadong papalapit sa kapatid ni Anne. Kasi Nips, may anak si Mckoy kay Louie pero hindi pinanagutan ni Mckoy dahil may nangyari rin sa kanilang dalawa ni JM habang sila pa ni Mckoy. Tapos ang babaeng katalik ni Mckoy ay si Jamee. Ang nanay mismo ni Louie. Dahil nga sa nakita niya minura at sinabunutan niya ang kanyang ina hanggang sa atakihin ito sa puso at namatay. Naawa ako sa bata na pina-abort niya. Pinalaglag niya ang bata dahil hindi siya pinagutan ni Mckoy.." Nakatulala lang si Nips sa kawalan na parang animo'y nahipan ng masamang hangin at hindi na siya gumagalaw tanging masasaganang luha lang ang pumapatak sa semento...
"Nips, tahan na. Huwag ka ng umiyak. Maayos rin ang lahat ng ito. Hindi ba kayo nagtataka. Yung tatlong lalaki na nakilala natin ay may koneksyon kina Margareth, Anne at Louie.." Pahayag ko sa kanila. Inilabas ko muna ang madami kong tissue baka kasi bumaha ng luha rito. Anurin kaming tatlo..
"Ikaw, Anong balita sa paghahanap mo ng impormasyon kay Margareth?" Huminga ako ng malalim bago nagsalita..
"Si Margareth or Marga, iniwan siya ng papa niya noong bata pa lamang siya. Dahil daw simula noong ipinanganak siya bumagsak ang parmasya ng kanyang ama at nasira ang career nito. Kaya isinisisi niya ang lahat ng ito kay Marga. Lumipas ang mga taon, nalaman ni Marga na patay na ang kanyang ama sa cancer at natuwa siya dahil namatay na ang lalaking nangsisi sa kanya. Naging kasintahan ni Marga si Dalvin, Hershey. Sa totoo lang dala ko nga yung sculpture na gawa niya pati isang manyika.." Natakot naman si Hershey sa manyika dahil pugot ulo nito at nakatahi ang mga labi. Ganitong ganito rin pinatay si Marga..
"Dalvin!!!" Sigaw ni Hershey sa hangin.. Bigla naman bumangon si Marga ang manyika ni Margareth.. Hawak hawak nito ang matalim at matulis na kutsilyo..
"Hi I am Marga daughter of Margareth. I liked warm hugs and kisses. Can you give it to me?" Sabay lapit sa amin tatlo. Na hawak hawak ang puso ni Louie. Ang pugot na ulo ni Margareth. At ang plastik na malaki na naglalaman ng pira-pirasong katawan ni Anne.
Tinitigan niya muna kaming tatlo. Bago tumingin sa pintuan. Nandoon si Art at Si Richard. "Anong ginagawa mo rito?" Pero hindi niya ako sinagot bagkus ay tumitig siya sa manyika na ngayon ay nakahiga sa semento..

BINABASA MO ANG
Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo Kasalanan
HorrorTatlong Dalagita ang napadpad sa Tulay ng Baryo Kasalanan at nabiktima ng limang kalalakihan.. May tatlong Dalagita pa kaya silang mabibiktima sa Tulay ng Baryo Kasalanan? Sa Ika-labing apat ng Pebrero mamatay si Kupido... "Sa bawat luhang pumatak...