"Nips, nagugutom ka ba? You know you could me if you want." He winked at me and "Grr.." Na parang akala mo nasa jungle lang siya.. "Lols! Magdrive ka na nga lang diyan! Puro ka kalokohan! Kaya ayaw kitang kasama e.." Biglang tumunog ang telepono ko ng makita ko na ang tumatawag ng makita ko si si Chase..
Chase..
Calling..
["Hello, Nips. Nasaan ka? Puwede bang pumunta sa inyo?"] Hala?! Bakit naman siya pupunta sa bahay namin?
"Huh? But why?" Tumawa naman siya sa boses kong parang naipit ng sasakyan sa sobrang traffic.
["Iimbitahan sana kita sa kita February 14.. Free ka ba no'n?"] Oo? Hindi? Ano bang isasagot ko?
"Ah—eh nasa biyahe kasi kami ng friend ko at saka na lamang tayo mag-usap kapag nasa school na lang tayo.. Okay bye I have to go.." Tapos nag-hung up ko na yung cellphone ko. Tumingin naman ako kay Mckoy na ngayon ay ang sama sama na ng tingin sa kalsada.
"Mckoy?" Nahihiyang tawag ko sa kanya. Pero kahit na anong mangyari hindi pa rin niya ako tinitignan.. Ano na naman bang problema ng isang 'to?
"Don't disturb me. I am driving." Iyan lang sinabi niya sa akin na bumalot ng katahimikan sa buong biyahe..
"Sigurado ka bang ito ang bahay nila Anne."
"Bakit dadalhin ba kita dito ng hindi ako sigurado kung ito ang bahay nila?" Mataray na pagtatanong niya sa akin.
"E sa nagtatanong lang naman ako sa iyo? Nagsusungit ka na kaagad.." Pagmamaktol ko sa kanya. Aba itong lalaking ito inirapan lang ako. Nakakabakla na ito a!
"Hoy intayin mo naman ako!" Habol ko sa kanya. Doorbell lang siya ng doorbell pero wala namang sumasagot sa kanya.. Ang yaman naman pala nila Anne..
"Ano po ang kailangan nila?" Pagtatanong sa amin ng isang yaya.
"Ah sila Mr&Ms. Salcedo. Gusto sana namin silang maka-usap.."
"May appointment po ba kayo sa kanila?" Pagtatanong niyang muli..
"Pina! Ang sabi ko sa iyo, huwag na huwag kang kakausap sa mga taong hindi mo kilala! Hala sige isarado mo na iyan! Mga nanghihingi lang iyan ng limos!" Matapobreng pang-aalipusta sa amin ni Mckoy..
"About lang naman ito sa apo niyong si Anne Quiambao. Yung isa sa tatlong babae na namatay sa tulay ng Baryo Kasalanan.." Natigilan naman yung lalaking matanda sa pagdidilig ng halaman.
"Pasok kayo.." Malamig niyang tugon sa amin..
"Tuloy po kayo.."
"Ano naman ang tungkol sa apo ko?" Malamig pa rin siyang nakikitungo sa amin habang sinisimsim ang kanyang tsaa.
"Paano po ba kayo paki-samahan ng inyong apo?" Tinignan niya muna ang kanyang tsaa na animo'y iniisip kung paano siya pakitunguhan ng kanya apo.
"Sa totoo lang mabait at masunurin siyang apo. Ngunit ng makilala niya si JM nagbago ang lahat. Naging masyado siyang malihim sa amin.." Juan Miguel A. Cabreras...
"Si Juan Miguel po ba ang tinutukoy niyo? yung lalaking naging kasintahan ni Anne?" Tumango naman siya sa amin..
"May iba pa ba kayong kailangan sa akin?"
"Nasaan po ba ang kuwarto ni Anne? Maari po ba namin makita?" Nag-aalinlangan yung lolo niya sa amin..
"May titignan lang po kami.." Tinungo naman niya kami sa isang kuwarto na malaki.. A.Q.
"Bakit ayaw mo sabihin sa lolo mo rin na apo ka niya?"Bulong na tanong ko sa kanya.
"No need..." Ayan lang ang sinabi niya at mas nauna pa siya sa akin umakyat.

BINABASA MO ANG
Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo Kasalanan
TerrorTatlong Dalagita ang napadpad sa Tulay ng Baryo Kasalanan at nabiktima ng limang kalalakihan.. May tatlong Dalagita pa kaya silang mabibiktima sa Tulay ng Baryo Kasalanan? Sa Ika-labing apat ng Pebrero mamatay si Kupido... "Sa bawat luhang pumatak...