XV

518 77 0
                                    

Kisses Vicente..

Tondo Manila..

"Ito ba iyong Tondo? Bakit andaming tao? Piyesta ba rito?" Pagtatanong ko kay JM na ngayon ay share lang kami ng earphone. "Siguro, mukhang may patron silang ipinagdiriwang ngayon.." Pahayag niya saka binuksan ang pintuan ng sasakyan..

"JM ang Kisses, kung maari lang sana ay huwag tayong magkakahiwa-hiwalay maraming tao dito lalo na ngayon piyesta pa naman nila. Mas mahihirapan tayong masulusyunan ang problema kapag magkakalayo tayo.." Pahayag ni Hershey sa akin..

"Alam mo boo, mas maganda ngang hiwa-hiwalay tayo. Para mas mapabilis ang paghahanap natin doon sa namatay sa tulay. Mas lalo tayong mahihirapan kapag sama sama at sa inyo na rin mismo galing na isang linggo na lang ang mayroon tayo bago sumapit ang ika-labing apat ng Pebrero. So we need to be hurry. Wala na tayong panahon, ganito na lang. Magkita-kita na lamang tayo sa tulay kung saan namatay ang tatlong dalagita.. Deal?" May point naman si Kuya Dalvin kahit papa-ano..

"Ur right dude. Ur not akteng leyk a ked. And besides malalaki na tayo hindi na natin kailangan ang gabay ng bawat isa. May kanya kanya na tayong pagiisip. Wala talaga tayong matatapos nito kung magkakasama lang tayo sa iisang sitwasyon. We only have one week! So everything we could do is to be rush. Right now we're wasting so many hours!" Dagdag pa ni Mckoy na kung maka-lingkis kay Nips ay parang sawa lang. For sure gusto lang nito maka-tsansing kay Nips.

"So, kaming dalawa ni Kisses ay dito na lang sa Tondo. Kasi may kamag-anak din naman akong nakatira dito sa Tondo
Puwede naman kami magpalipas ng gabi doon. Tapos tatawagan na lamang namin kayo kapag may nakuha kaming info about them.." Hinila na ako ni JM papalabas ng sasakyan dala-dala ang backpack ko habang siya sarili niya lang ang dala niya at hawak hawak ang kamay ko..

"Ingat kayo!" Paalala ni Nips sa akin..

"Be good.. Siguraduhin niyong si Margareth ang uunahin niyo!" Pahabol sa akin ni Hershey. Umirap na lang ako sa kanya tapos umiwas ng tingin kay Jm na nakatingin rin sa akin.




"Ito na ba iyong address nila? Bakit parang mukhang abandonadong mansyon na ito?" Tanong ko kay JM. Pinindot niya yung bell. Tapos biglang bumukas yung gate na wala naman taong nasa harapan namin. Humakbang papunta si JM habang ako naman ay paatras na ng paatras.

"JM, sigurado ka bang tutuloy pa tayo diyan? E sa mukhang wala ng nakatira dito. Haunted house na ata ito.." Hinarap niya ako kasabay ng paglakas ng hangin kaya tumama ang mga bangs ko sa mata ko. "Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan.." Sabay hawi no'n at nakita ko ang mga cute na malalim ng dimples niya kabilaan ng pisngi..

"Kisses, you should face your fear." Matapang niyang pahayag sa akin.

"Okay.." Tuluyan na talagang nanghina ang tuhod ko nung pagpasok palang namin sa bahay at nagsitaasab na ang mga balahibo ko sa katawan ko.. Kasabay mo pa ng napaka-luma ng mansyon na ito baka may nakatira ritong white lady.. Tapos yung pintuan sa labas kanina nung nakapasok na kami hindi pa rin siya nagsasara ngayong nasa hagdanan na kami at nilibot ang buong kabahayan biglang sumara ito ng malakas...

"J—M! Ayoko na! Uuwi na lang ako sa amin! Nips! Hershey! Guys may multo rito! Nako naman helped me! Ha—aah! I promise that i'll tried to be a good girl kahit na tamad talaga ako at sinusuway ko mga parents ko..." Pinakalma naman ako ni JM..

"Tao po? Tao po?! May tao po ba? Hello?!" Dahan dahan naming tinungo ang sala sa itaas. Pina-upo niya muna ako sa sofa tapos siya naman ay aalis sa tabi ko. "Saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"May titignan lang ako tapos babalik rin ako kaagad.." Ayaw ko pa rin bitawan ang kamay niya. Parang sinasabi ko na sama ako look..

"Eh 'di sasama na lang ako. Ayoko maiwan dito magisa. Nakakatakot, baka mamaya may the Grudge dito." Natatakot na pahayag ko sa kanya..

Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon