XIV

505 76 0
                                    

Hershey Lomibao

["Hershey, May bago na kaming nalaman ni Mckoy.. Kilala na namin ang mga magulang nila Margareth, Anne at Louie. Ang pangalan ng nanay ni Margareth ay si Theresita Diaz nakatira siya ngayon sa bago niyang pamilya sa Tondo, Maynila. Tapos ang pangalan naman ng nanay at tatay ni Anne ay sila Corazon at Phillip Quiambao nakatira sila ngayon sa Vito Cruz, Maynila. At ang huli ay si Louie Vio, ang ama naman niyang si Paul Vio ay mayroon ng bagong kinakasama at may tatlo ng supling. Nakatira sila sa may Cavite.."]

Ang galing-galing talaga ni Nips kaya bilib na bilib ako sa kanya. Kasi kahit anong mangyari sa kanya lagi mo siyang maasahan. Pero sino naman si Mckoy?

"Who is Mckoy?" I asked her. Pero ilang beses siyang umubo bago niya ako nasagot.

["Ah—hmm, Si Mckoy De Jesus ang kapatid ni Anne Quiambao sa Ina. Gusto niya rin tayong tulungan, Hershey. Gusto na niya matapos ang pagpatay sa tulay ng Baryo Kasalanan. Gusto na rin niyang matahimik ang kanyang ate sa pagkakahimlay nito.."] Parang may lalaki akong nadinig na kasama niya ngayon. Hindi kaya iyon si Mckoy na sinasabi niya? Parang kinikiliti ni Mckoy si Nips kaya pigil na pigil itong tumatawa..

"Hello Nips, Are you still with me? Nips?" Bigla naman siyang nagsabi sa katabi niya na. Huwag kang makulit, sasapakin kita. Napa-iling na lang talaga ako, may jowa lang si Kisses naghanap din siya..

["Oo, haha. Epal kasi itong si Mckoy. Puro kalokohan amputek! Haha!"] Bigla na niyang h—in—ung up kaya hindi na ako nakatanong pang muli. "Saan niya kaya nakilala si Mckoy?" Natapos na ako sa ginagawa kong pagda-drawing ng dress na susuotin ko sa isang bukas dahil daw mamanhikan sa amin ang pamilya ni Dalvin. Oh Ghost! Hindi pa ako ready maging Mrs. Montess. Hindi pa ako handa magka-anak. Hindi pa ako ready mag-alaga ng mga bata at gawin ang responsibilidad bilang may bahay niya..

"Anak, may sasabihin sana ako sa iyo sana huwag kang magagalit.." Ibinaba ko muna ang hawak kong lapis at tinago ang papel na may drawing ng isang damit na tatahiin ko pa mamaya. Dinala ako ni Mama sa aking kama at doon pina-upo..

"Anak ibibigay ko sa iyong bracelet na ito. Pakaka-ingatan mo iyan dahil bigay pa sa akin ng yumao mong lolo pangontra daw sa masasamang espiritu.." Tinignan ko naman ang pulseras na gawa sa bigas at sa gitna nito ay may nakalagay na krus ni Hesus.

"Anak, kaya dito muna tumira si Dalvin dahil aalis ako papuntang Europe. Pinapadala kasi ako ng boss ko roon dahil daw mas kailangan daw nila doon ang mga fashion designer. Gusto kong sabihin sa iyo na kaya ko ginagawa ito para sa ikagaganda ng kinabukasan mo. Alam mo naman na mahal na mahal kita kaya kahit ano ay gagawin ko para lang sa iyo.." Bigla akong tumingin sa kanya at malawak na ngumiti.

"Eh 'di Mom papayagan mo ako na huwag maipakasal kay Dalvin?" Seryoso kong pag tatanong ko sa kanya. Nagbago naman ang kanyang expression..

"Bakit anak, hindi mo ba siya mahal? Ang akala ko ba nagkakaintindihan na kayo?" Sabay hinawi ni Mama ang bangs ko sa mukha..

"Mom, hindi pa kasi ako ready.." Tumingin ako sa ilalim ng aking semento.

"Alam ko anak. Pero lahat naman ng bagay ay natutunan. Alam ko na mahirap ito pero wala naman mawawala sa iyo kung susubukan mo anak. May isa lang akong tanong sa iyo, may iba ka bang mahal anak? Kaya ka nagkakaganyan?" Hinawakan na ni Mom ang dalawa kong pisngi..

"Wala mom. Mahal ko si kuya boo. Siguro nga nabigla lang talaga ako." Hinalikan naman niya ang aking noo.

"Manang mana ka sa akin anak. Ganyan rin ako sa ama mo noon pero kita mo naman ngayon ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan naming dalawa kahit na panandalian lang." Malungkot niyang pahayag at saka tumayo at inayos ang sarili..

Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon