XI

517 58 0
                                    

Kisses Vicente

"Sorry Nips, may Emergency kasi e. Tumawag sa akin si Papa sabi niya kailangan ko daw na pumunta sa bahay namin now na. I am sorry.." Nakakainis naman kasi si Papa wrong timing kahit kailan talaga.

"Okay lang Kisses. Tatawagan na lang kita kapag may iba na akong impormasyon na napag-alaman. Huwag kang mag-alala safe na safe sa akin yung mga gamit na ito na pagmamay-ari nila Margareth, Anne at Louie.." Inilagay niya ang tatlong gamit sa isang string bag tapos inilagay sa kanyang likod..

"May tiwala ako sa Nips. Kaya natin ito! Kaya mo ito kahit na ikaw lang magisa! Huwag lang mag-alala kahit nasa malayo ako i-uupdate pa rin kita. At saka kasama mo naman si JM e." Sabay turo ko JM pero ngayon ay hindi pa rin mapakali.

"Bakit?" Tumingin siya sa amin na kinakabahan at namumutla..

"Si M—Mom nasa h—hospital tumaas daw yung alteprasyon. I am sorry Nips at Kisses pero hindi ako makakasama sa inyo.." Paghingi niya ng paumanhin sa aming dalawa no Nips. Sinulyapan ko si Nips na hindi pa rin nagbabago ang kanyang expression gano'n pa rin siya simula nung umalis si Hershey kanina..

"Are you okay, Nips?"Hindi niya ako pinansin

"Sige puntahan mo na si Tita. Sabihin mo sa kanya na magpagaling siya. Huwag siyang magpapatagal sa hospital. Mahal ang bills. Haha.." Pilit niyang pagtawa sa aming harapan..

"Sige Kisses umalis ka na rin. Babalitaan na lang kita sa mga impormasyon na nakalap ko.." Huwag ka Kisses iiyak. Kaya mo iyan. Kaya mo iyan. Kailangan mo na talagang harapin na hindi ka makakasama kay Nips.

"Okay ka lang?" Tumango naman siya sabay kagat sa ng kanyang labi sa ilalim.

"Oo naman 'no. Kaya ko 'to. Ako pa ba! Si Nips Luis Arcos ang babaeng matapang walang inaatrasan na anumang bagay." Sabay pakita niya ng kuno muscles niya sa kaya medyo natawa ako sa kanya..

"Sige aalis na ako mag-iingat ka..." Paalala ko sa kanya at bumaba na ako ng sasakyan. Tapos sumunod din siya at nagpara na ng taxi.

"Ah—hmm Kisses.." Tawag sa akin ni JM lumingon lang ako sa kanya at tipid na ngumiti...

"Its okay JM. Ikamusta mo na lang kami kay Tita. Take care.. Bye.." Ayan lang nasabi ko sa kanya..At saka pumara ng fx pauwi sa bahay namin..



"Mom? Dad? Nay Sabel.." Sabay lapag ko ng gamit ko sa sofa namin. Nilibot ko na ang buong bahay pero wala akong nakita na bakas nila. Huwag nitong sabihin sa akin na magpapakita muli yung sila Margareth, Anne at Louie..

Alam ko naman na lagi ganito yung sitwasyon. Makikita ko ang pamilya ko na patay tapos makikita ko silang tatlo tapos ipapaalala nila sa akin na pinatay sila ni Kupido noong ika-labing apat ng Pebrero.

Jusme! Ginagawa naman namin yung makakaya namin para mahanap kung sino talaga ang pumatay sa kanila sa Tulay ng Baryo Kasalanan. Simula nung nagpapakita sila sa amin hindi na nila kami tinigil-tigilan araw-araw. Hindi nga namin alam kung bakit sa dinami-rami na puwede sila magpakita sa ami pa.. Sa aming tatlong dalagita pa. Wala naman kaming kinalaman sa pagkamatay nila. Hindi rin namin alam kung bakit sila pinatay? As in Clueless kami.




"Kisses.."



"Kisses!"



Huwag mong sabihin sa akin na tama nga yung hula ko na magpapakita muli sila sa akin. Huwag niyong sabihin na sila iyan. Huwag niyong sabihin na tatakutin nila akong muli para lang hanapin si Kupido.. Gagamitin na naman nila yung pamilya ko. Jusme! Pati pamilya kong nanahimik nadadamay!



"Kung kayo muli iyan please lang tigilan na niyo po ako. Ginagawa naman namin ng mga kaibigan ko ang lahat lahat para lang mahanap kung sino ang pumatay sa inyo. Kaya please tigilan na niyo na po kami. Hindi nga po namin alam kung bakit po kayo sa amin nagpapakita?"



Tatlong Dalagita Sa Tulay Ng Baryo KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon