CHAPTER 04- Forgiveness

26.1K 173 3
                                    


Forgiveness

___•••___

HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Vincent at agad naman niyang pinuntahan ang jewelry shop na pinagtatrabahuhan ni Samantha na nasa isang mall. Bumili muna siya ng isang bouquet ng red roses sa nadaanan niyang flower shop kanina. Ang plano niya kasi na su-sorpresahin niya si Samantha ng isang dinner date. Alam niyang maganda ang planong naisip niya. Alam niyang masu-sopresa talaga ito sa gagawin niya. Parang peace offering na rin iyon para sa mga sinabi niya kanina rito. Hindi kasi siya makakatulog hangga't may tampuhan silang dalawang mag-nobya. Kailangan niyang suyuin ito at humingi ng tawad sa mga sinabi niya.

Nabigo si Vincent na makita roon si Samantha. Ang sabi ng katrabaho niya ay hindi raw ito pumasok dahil masama ang pakiramdaman. Alam ni Vincent na hindi iyon ang dahilan ni Samantha. Alam niyang hindi ito pumasok dahil sa galit ito sa kanya.

Agad din naman umalis si Vincent. Kung wala ito sa trabaho niya ay malamang ay nasa bahay nila ito. Agad din naman niyang pinuntahan ang bahay ni Samantha. Sigurado siyang nandoon iyon. Wala pang kinse minutos ay narating na agad ni Vincent ang bahay nila ni Samantha nasa isang subdivision iyon. Agad din naman siyang bumaba ng kotse niya. Pinindot niya ang door bell at ilang sandali lang ay bumukas iyon. Bumungad sa paningin niya ang mama ni Samantha.

"Magandang araw po, tita. Nandiyan po ba si Sam sa loob?" Agad na tanong niya sa nanay nito.

"Nandito nga siya sa loob pero ayaw ka muna niyang makita, Vincent. Hayaan mo na munang humupa ang galit ni Sam sa'yo bago mo siya kausapin, Vincent." Iyon lang ang sinabi sa kanya ng mama nito at agad na isinarado ang pinto. Lupaypay naman siyang pumasok sa sasakyan niya. Nakaupo lang siya sa driver's seat habang malungkot na nakatingin sa bintana ng bahay ni Samantha. Hindi muna siya aalis doon. Baka kasi lumabas din si Samantha at hindi siya nito matiis. Alam niyang ayaw siya nitong kausapin pero maghihintay pa muna siya ng ilang minuto. Hindi naman pwede na hindi magpakita sa kanya si Samantha. Kailangang may gawin siya para harapin at kausapin siya nito.

Napangiti na lamang si Vincent sa kanyang naiisip.
Meron pa pala siyang ibang paraan para magpakita ss kanya si Samantha. Nasasabik siyang lumabas ng kanyang kotse at tinungo ang compartment ng kanyang sasakyan. Pagbukas niya niyon ay agad naman niyang nakita ang kanyang hinahanap. Isinarado na niya ang pinto ng compartment matapos niyang kunin ang bagay na gagamitin niya. Agad siyang pumwesto sa tapat ng gate ng bahay ni Samantha at sinimulan na niya ang plano niya. Haharanahin niya ito gamit ang gitara na nakuha niya sa kanyang compartment. Palagi kasi niyang dala-dala iyon sa kanyang kotse. Mahilig kasing mag-gitara si Vincent at magaling din siyang kumanta. Sa katunayan nga ay sa pamamagitan ng panghaharana niya ay napasagot niya si Samantha noong nanliligaw pa siya rito kaya pwede niya rin sigurong gawin ulit ito bilang peace offering niya rito.

Inaayos na ni Vincent ang kanyang sarili at agad naman niyang sinimulan ang pagtugtog ng gitara na hawak niya. No'ng una ay nag-aalangan pa siya sa ginagawa niya baka kasi hindi naman iyon tatalab sa pagsusuyo niya rito. Nagsimula na siyang kumanta ng paboritong kanta ni Samantha. Iyon kasi ang palaging pinapakanta sa kanya ni Samantha. Itinuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagkanta ng bigla siyang nakarinig ng pagbukas ng gate. Agad din naman siyang napatingin doon dahil nagbabasakali siyang si Samantha iyon at gusto nang makipagbati sa kanya. Hindi nga siya nagkamali. Si Samantha ang nakita niyang iniluha ng gate ng bumukas iyon. Nakataas ang isa nitong kilay na para bang hindi nito nagustohan ang ginawa niya.

"Sam..." Iyon lang ang nasambit niya nang dahan-dahan nang lumalapit si Samantha sa kanya.

___•••___

   AGAD namang nilisan ni Samantha ang building kung saan naroon ang condo ni Vincent.  Masama kasi ang loob niya sa mga sinabi nito. Balak pa sana niya itong sorpresahin dahil ngayong araw ang ika-apat na taon ng aniversary nila. Gusto niyang siya naman ang gagawa ng sorpresa. Gusto niyang ayain ito na mag-dinner sa labas. May naipon din naman siya at mukhang kasya naman iyon sa dinner nilang dalawa. Pero ang lahat ng plano niyang iyon ay mukhang hindi na yata matutuloy dahil sa mga sinabi ni Vincent.  Kahit hindi pa siya nito diretsahin ay alam na niya na sex lang ang habol sa kanya ni Vincent kaya nga natatakot siya na ipagkaloob ang sarili niya rito. Natatakot siya na baka bigla na lamang siyang iwanan ni Vincent kapag nabuntis siya nito. Iyon ang ayaw niyang mangyari. Malaki ang tiwala ng pamilya niya sa kanya kaya ayaw niyang mabigo ang mga ito.

Dumiretso na agad si Samantha sa kanilang bahay. Nawala na ang gana niya na pumasok sa trabaho niya nang dahil sa mga nangyari.

"Ano'ng nangyari't umuwi ka? Wala ka bang pasok, anak?" bungad sa kanya ng mama niya nang pagbuksan siya nito ng pinto.

"Nag-away po kami ni Vincent. Alam kung pupunta iyon dito sa bahay. Ikaw na ang bahala sa kanya, ma. Sabihin mong ayaw ko siyang maka-usap." Pagkasabi niya niyon ay agad din naman siyang dumiretso sa loob ng kanyang kwarto. Masama ang loob na ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama niya. Nakatingin lang siya sa kisame ng kwarto niya. Hindi mapigilan ni Samantha ang pag-agos ng mga luha niya sa kanya mga mata. Mahal na mahal niya si Vincent. Bakit hindi nito kayang maghintay ng tamang panahon. Ibibigay din naman niya ang mga bagay na iyon dito sa takdang panahon. Kapag naikasal na sila.

Natigil ang pagmumuni ni Samantha nang makarinig siya ingay. Parang ingay iyon na nangagaling sa gate ng bahay nila. Agad din naman siyang tumayo at lumapit sa may bintana. Sumilip siya roon. Nakita niyang pinagbuksan ng gate ng mama niya si Vincent nasa labas ito ng kanilang bahay. Ilang sandali lang ay agad naman isinarado ng mama niya ang gate ng bahay niya. Sinabi niya yata rito ang ibinilin niya kapag pumunta rito sa bahay nila si Vincent. Nakasilip pa rin siya may bintana. Akala niya ay aalis na si Vincent nang pumasok na ito sa loob ng kotse niya pero nagkakamali siya. Umikot ito sa bandang likod ng kotse nito at parang may kinuha ito roon. Nang mapansin niya ang bagay na kinuha roon ni Vincent ay mukhang alam na niya ang gagawin nito. Susuyuin siya nito sa pamamagitan nang panghaharana nito sa kanya.

Ilang sandali pa ay pumwesto na ito sa harap ng gate ng kanilang bahay. Maya-maya pa ay sinimulan na nitong tumugtog ng gitara. Sinimulan na rin nito ang pagkanta. Napaluha na lamang si Samantha dahil paborito niyang kanta ang kinakanta ni Vincent. Alam talaga nito kung paano palalambutin ang kanyang puso. Hindi na natiis pa ni Samantha na hindi harapin si Vincent. Mamalaki ang hakbang na lumabas siya ng kanyang kwarto at tinungo ang gate ng kanilang bahay para pagbuksan si Vincent. Pinahiran niya muna ang luha sa kanyang mga mata bago niya ito pagbuksan.

Agad naman napatingin si Vincent sa gawi niya ng buksan niya ang gate. Napahinto ito sa ginagawa nito. Bahagya pa niyang itinaas ang kanyang kilay na animo'y galit pa rin siya rito pero ang totoo ay gusto niya itong bigyan ng isa pang pagkakataon. Gusto na niyang makipagbati rito. Nangingibabaw parin ang pagmamahal niya kay Vincent.

"Sam..." Narinig niyang sabi nito. Dahan-dahan niyang nilapitan ito at agad na niyakap. Napansin niya na nagulat ito sa ginawa niya naramdaman niya iyon dahil hindi agad ito gumanti ng yakap sa kanya.

"Patawarin mo ako, Vincent..." Sa sinabi niya ay doon na siya niyakap ni Vincent ng mahigpit.

TO BE CONTINUED...

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon