CHAPTER 07- Unplanned

23K 151 2
                                    

Unplanned

___•••___

   MAHIGIT trenta minutos nang naghihintay si Vincent sa isang restaurant. Manaka-naka kasi ay tumitingin siya sa kanyang wrist watch. eight pm kasi ang usapan nila ni Loraine pero hanggang ngayon ay wala pa ito. Siguro ay umatras na ito sa usapan nila. Siguro ay narealized na nito na mali itong pagkikita nila. Tinatawagan naman niya ang phone nito pero naka-off iyon. Ngayong gabi kasi ang pagkikita nila ni Loraine. Sa tatlong araw na pakikipag-chat niya rito ay gustong-gusto na niya makita ito nang personal. Alam niyang maganda ito ayon sa nakikita niya sa profile nito pero gusto pa rin niya na makita ito sa personal.

Sa lahat ng mga babaeng nakikilala niya sa dating website na sinasalihan niya ay ngayon lang siya nakakilala ng babaeng katulad ni Loraine. Iba kasing babae si Loraine para sa kanya. Hindi ito katulad ng ibang babae na nakaka-chat niya roon.

Alam niyang mali ang pakikipagkita sa babaeng may asawa na pero hindi parin niya mapigilan ang sarili na makita si Loraine. Palagi na niya kasing naiisip si Loraine. Nang malaman niya mula rito na wala sa bahay nito ang asawa nito ay doon na siya nagkaroon ng pagkakataon na ayain itong kumain sa labas. Sakto din naman na nagbabakasiyon ngayon si Samantha sa lola niya kaya hindi nito malalaman na makikipagkita siya kay Loraine. Alam niyang mali sa mata ni Samantha ang gagawin niya pero may magagawa ba siya? Parang may nag-uudyok kasi sa sarili niya na makipagkita kay Loraine.

Natigil ang pagmumuni niya ng mabaling ang tingin niya sa isang babaeng kakapasok lang sa loob ng restaurant. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makilala niya ang babaeng iyon. Ang ganda kasi nito. Nakasuot ito ng hapit na hapit na damit kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Hindi nga mahahalata sa tindig nito na meron na itong asawa. Hindi siya maaring magkamali. Si Loraine na nga iyon.

Palinga-linga ang babaeng iyon bago mapako ang tingin nito sa gawi niya. Ningitian niya ito at agad naman itong lumapit sa table na kinaroroonan niya. 

Agad naman tumayo si Vincent sa pagkaka-upo at humila ng upuan. Iginiya niya si Loraine roon. At nang makaupo na ito ay umupo na rin siya.

"Thanks for accepting my invitations." nakangiting turan ni Vincent.

"May isang salita naman ako. Medyo na traffic lang ako kaya medyo natagalan ang pagdating ko. Pasensiya na." naiilang na sagot nito.

"Walang problema iyon. Ang importante ay nakarating ka. Wait lang." tinawag ni Vincent ang waiter at inabot naman nito ang menu sa kanya.

"Eto, umorder kana." Iniabot niya ang menu rito.

"Hindi ba magagalit ang girlfriend mo na nakikipagkita ka sa ibang babae?" pagkwan ay tanong nito.

"Hindi naman niya alam ito, e. At isa pa ay nagbabakasiyon iyon sa lola niya." sagot niya.

Hindi na nagsalita si Loraine dahil mukhang abala ito na ito sa paghahanap ng pagkain sa menu.

Halos gumabi na nang lumabas sila ni Loraine sa restaurant. Medyo napasarap din kasi ang kwentuhan nila kaya hindi na nila namalayan ang oras. Nangako naman siya rito na ihahatid niya ito sa bahay nito.

"Salamat." nakangiting turan ni Vincent at saglit na sinulyapan si Loraine at agad na binalik ang tingin sa kanilang dinaraanan. Nasa biyahe na sila ngayon. Naka-upo si Loraine sa tabi ng driver seat.

"Salamat saan?" kunot-noo na tanong nito sa kanya.

"For this. Sa pagpayag mo na makipagkita sa akin."

"Alam mo kanina mo pa sinasabi iyan." natatawang turan nito.

"Sorry. Hindi lang talaga ako makapaniwala na makikipagkita ka sa akin."

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon