CHAPTER 20- The Real Him

14.8K 106 6
                                    

The Real Him

___•••___

HINDI alam ni Samantha kung paano niya ipapaliwanag kay Vincent ang nangyayari. Na isang palabas lang ang lahat at ang taong iyon ang responsable sa nangyaring ito. Nagising na lamang kasi siya na iba na ang katabi niyang lalaki at kapwa sila hubo't-hubad. Ang masaklap pa ay nakita pa talaga ni Vincent iyon. Pero paano naman nito nalaman kung nasaan siya? Naalala niya ang ginawa no'ng lalaki. Kinunan siya nito nang video habang may ginagawa itong kababuyan sa kanya. Baka si-nend nito ang video kay Vincent at pinalabas niyang hindi ito ang gumalaw sa kanya kundi 'yong lalaking katabi niya nang magising siya. Naalala niya kasi na tinurukan siya ng lalaking iyon nang pampatulog matapos siya nitong halayin.

Hindi pa rin siya makapagsalita sa mga nangyari. Galit na galit si Vincent sa kanya. Sino ba naman ang hindi magagalit kapag nahuli mong may ibang kasama ang girlfriend mo sa loob ng kwarto? Sinubukan naman niyang ipaliwanag dito ang totoong nangyari pero hindi ito nag-abala pa na pakinggan siya. Alam niya mas nangibabaw ang galit na nararamdaman nito sa kanya.

Nabaling ang tingin ni Samantha sa lalaking kasama niya sa kwartong iyon. Walang imik na sinamsam nito ang mga damit nito at isa-isa nito iyong isinuot. Natataranta pa ito habang ginagawa nito iyon. May hitsura ang lalaking iyon mukhang nakita na niya ito minsan pero hindi lang niya matandaan. Pilit niyang inaalala kung saan ba niya ito nakita. At bigla na lamang niya naalala na sa elevator niya pala ito nasalubong no'ng minsang pumunta siya sa condo ni Vincent.

Naagaw ang kanyang atensiyon nang isang babae sa may bungad ng pinto. Ang aliwalas ng mukha nito. Nakatayo lang ito doon at mukhang sinusubaybayan sila nito. Sino naman kaya ang babaeng iyon? At ano ang ginagawa nito rito?

"N-nathan?!" bulalas nito nang lumingon dito ang lalaking tinawag niyang Nathan. Gulat na gulat ang mukha nito na parang hindi ito makapaniwala sa mga nakikita nito.

"I-ikaw ang lalaki ni Samantha?" Nagulat si Samantha sa sinabi no'ng babae. Ano ang sinasabi nito? Paano nito nalaman ang pangalan niya? Ano ba nito ang lalaking kasama niya sa kwartong iyon?

"W-walang katotohanan 'tong nakikita mo, Loraine. Hayaan mo akong ipaliwanag ito." Nakita niyang dahan-dahan na lumalapit ang lalaking iyon dito. At nagulat na lamang si Samantha sa ginawa nito sa lalaki. Sinampal niya kasi ito.

"Walang hiya ka! Bakit sa dinami-rami ng babae ay ito pang babaeng ito?!" Anito at nagulat si Samantha nang iduro siya nito. Kilala ba siya ng babaeng iyon at mukhang isa siyang napakaduming babae na hindi pwedeng lapitan ng sino mang lalaki.

"I-i don't know her. Ngayon ko nga lang siya nakita." kunot-noo na sagot nito.

"Wag ka nang magpalusot pa! Huling-huli ka na! Tanggap ko na sanang hiwalayan ka pero ang hindi ko matanggap ay bakit ito pa! Ito pa ang babaeng ito ang dahilan kung bakit tayo nasira!"

Siya ba ang tinutukoy ng babaeng iyon ang sumira sa mga ito? Ano naman ang ginawa niya para sirain ang mga ito.

"S-sino ka ba at parang ang talas ng dila mo kong makapagsalita ka, a!" Hindi na niya kaya pang tiisin ang mga sinasabi nito

"Hoy! Malanding babae ka! Hindi mo ba alam na ako ang asawa ng lalaking inagaw mo! Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit kami hahantong sa hiwalayan!" Bulyaw niya rito at akma niya na sanang susugurin ito nang iharang no'ng lalaki ang braso nito. Subukan lang talaga nitong saktan siya. Hindi niya talaga ito aatrasan.

"Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari. Biktima rin lang naman siya kagaya ko. Frame up 'tong nangyayari. Sinadya kaming palabasin na nagsiping at kilala ko kung sino ang may kagagawan nito." Nakita niyang natigalan ang babae sa sinabi nito. Tama nga naman ang sinabi nito fri-name-up lang sila ng lalaking iyon.
___•••___

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon