CHAPTER 31- The Final Chapter

16.7K 155 20
                                    

ITO NA PO ANG HULING KABANATA!

SINO KAYA ANG BABAENG NAGLIGTAS KAY RYLE SA BINGIT NG KAMATAYAN? ANO ANG MOTIBO NITO SA PAGLIGTAS SA KANYA?

The Final Chapter

___•••___

MALALAKI ang hakbang at parang sabik na sabik si Ryle habang naglalakad sa isang corridor. Nasasabik na siya na mapuntahan ang silid kung saan niya muling makikita ang kapatid niya na matagal na niyang hindi nakikita. Nakasunod lang siya sa isang nurse habang iginigiya siya sa silid kung saan naroon ang kapatid niya. Ngayon ay magkikita na silang muli at wala nang rasun para maghiwalay pa sila.

Sa tagal ng panahon ay parang nabaon na rin sa limot ng mga tao ang paghahanap sa kanya. Matagal din siyang nagtago sa puder ng babaeng kumupkop sa kanya at ang naging dahilan kung bakit siya nabuhay. Nalaman niya na ang babaeng iyon ay isa palang transgender. Hindi rin siya makapaniwala nang sabihin nito ang totoong katauhan nito bago ito naging isang ganap na babae. Ito pala ang baklang prof niya dati na unang nakagalaw sa kanya. Ang unang lumapastangan sa dangal niya. Nalaman din niya na matagal na raw siya nitong hinahanap. At parang biro naman na muli silang nagkita. Inamin nito sa kanya na mahal daw siya nito. Sa katunayan nga ay siya pa nga raw ang dahilan kung bakit nagdesisyon itong ipabago ang pisikal nitong anyo. Dahil baka sa ganoong paraan daw ay magustuhan niya ito. Pumunta pa nga raw ito ng abroad para isagawa ang pagbabago na gagawin nito sa katawan nito. Kahit nandidiri ay pinakisamahan na lamang niya ito. Magagamit niya kasi ito para makapagtago sa mga taong naghahanap sa kanya. Lahat ng gusto niya ay ibinigay nito sa kanya kapalit lamang ng pagmamahal na hinihingi nito sa kanya. Nagsama sila sa iisang bubong at kahit labag sa loob niya ay nakikipagtalik siya rito. Hanggang sa lumipas ang limang taon ay handa na siya sa mga plano niya. Hindi naman panghabambuhay na pakikisamahan niya ito. May kapatid pa siyang naghihintay sa kanya. Ang totoong pamilya niya. Kagabi lang niya isinagawa ang kanyang mga plano. Pinatay niya ito at inilibing ang bangkay sa lugar na malabo na itong mahahanap. Kinuha nito ang lahat ng yaman na meron ito. Iyon ang gagamitin niya para makapagsimulang muli. Magbabagong buhay na siya kasama ang kapatid niya. Nabalitaan na rin niya kasi na namatay si Vincent sa nangyaring sunog sa basement ni Nathan. Wala na siyang iisipin pa. Nakaganti na siya sa mga taong sumira ng buhay nila ng kapatid niya!

Dahan-dahan nang binuksan ng nurse ang kwarto kung saan naroon ang kapatid niya. May dinukot siyang puting sobre na naglalaman ng pera. Inilagay niya iyon sa bulsa ng damit ng babaeng nurse. Nagpasalamat naman ito at agad nang umalis. Binayaran niya ang nurse na iyon para makapasok siya sa mental institution kung saan niya dinala si Shanyl nang tuluyan na itong mabaliw. Kailangan niyang magbayad dahil kailangan niyang proteksyonan ang sarili niya baka kasi may makakahalata at may makakakilala sa kanaya.

Ipinangako niya sa sarili niya na babalikan niya ang kapatid niya kahit ano man ang mangyari.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto at bahagyang lumapit sa kinaroroonan ng kapatid niya. Nakaharap ito sa may bintana at parang may nakikita ito sa labas na naging dahilan ng pagngiti nito.

"Shanyl..." Nangingilid ang luha na tawag niya. Marahan naman itong lumingon sa gawi niya. Agad naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Animo'y parang natatakot. Ang layo na nang hitsura nito kung ikumapara noon. Gulong-gulo na ang buhok nito na dati ay tuwid na tuwid. Medyo pumayat na rin ito at nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito. Kapansin-pasin din na parang hindi ito mapakali at parang may ikinakatakutan.

"Kamusta kana, Shanyl?" Nilapitan niya ito at bahagyang niyakap. Naamoy na rin niya ang hindi kaaya-ayang amoy nito pero hindi niya alitana iyon. Nangingibabaw sa kanya ang pagka-missed niya rito.

Nararamdaman niya na bahagyang pumapalag si Shanyl sa pagkakayakap niya. Pero hindi parin niya binibitiwan ito. Bakit parang lumala na ang kondesiyon ng kapatid niya? Mukhang pinabayaan na ito ng naturang institution.

"Wag kang mag-aalala, Shanyl... Babalik ka sa dati. Ipapagamot kita sa ibang bansa. Magagaling ang mga doktor doon. Kahit maubos pa ang lahat ng pera na meron ako ay wala akong pakialam. Ang importante ay gumaling ka." Bumuhos na ang masaganang luha sa mga mata ni Ryle. Naaawa siya sa tuwing nakikita niya ang kondesiyon ng kapatid niya.

___•••___

FIVE MONTHS LATER...

"AYAN! Sige pa, Shanyl. Kumain kapa. Marami pa ritong pagkain." Nakangiting turan ni Ryle habang nakikita niya si Shanyl habang magana itong kumakain. Masaya siya dahil unti-unti nang bumabalik sa dati ang kapatid niya. Nang kunin niya ito sa mental institution ay agad naman niyang inayos ang mga papeles nila para makalipad na sa ibang bansa. Dala na rin ng pera ay napeke nila ang lahat ng papeles na kinailangan nila para makapang ibang bansa. Ipinagamot niya si Shanyl sa mga espisyalista sa sakit ng kapatid niya. Sa tulong ng medikasyon at proper rehabilation ay unti-unti nang bumabalik sa dating katinuan ang kapatid niya. Kahit hindi pa ito fully recovered ay nagpapasalamat parin siya dahil malaki ang tiyansa na gumaling pa ang kapatid niya. Matapos kumain ay dinala na niya si Shanyl sa may salas. Manonood sila ng paborito nitong panoorin dati. 'Yong mga K-drama. Napansin niya na tahimik lang na nanonood si Shanyl. Walang ekspresiyon ang mukha nito. Maya-maya lang ay unti-unti nang nakaramdam ng antok ang kapatid niya at natagpuan na lamang niya na nakatulog na ito sa balikat niya. Dahan-dahan niyang binuhat ito at buong ingat na inilipat sa kwarto. Kinumutan niya ito at tinabihan niya ito. Ilang sandali lang ay nakaramdam na siya ng antok at unti-unti na rin siyang napapikit.

Naalimpungatan si Ryle nang gabing iyon. Napansin niya kasi na parang wala sa tabi niya si Shanyl. Kinakabahan na napatayo siya sa kanilang kama.

"Shanyl..." Tawag niya rito pero wala siyang narinig na tugon mula rito. Mabilis ang hakbang na hinanap niya sa si Shanyl sa buong bahay. Wala ito roon. Naisipan niya na puntahan ito sa banyo. Baka kasi nagising ito at pumunta ng banyo nang makaramdam ito ng tawag ng kalikasan.

Humahangos na tinungo niya ang banyo. Katahimikan ang bumungad sa kanya roon. Pag-angat niya ng tingin ay nahintakutan siya sa nakita niya. Napaatras siya at muntik nang matumba kung wala itong may nasandalan. Nakikita niya na nakabigti ang kapatid niya at parang wala na itong buhay.

"S-shanyl?" Nauutal na sabi niya. Hindi pa rin maalis ang mga mata niya sa nakikita niya. Ni hindi rin nga niya iyon maikisap. Napako siya sa kinatatayuan niya. Totoo ba ang nakikita niya? Bakit magpapakamatay si Shanyl? Bakit nito binigti ang sarili nito? Iyan ang mga tanong sa isipan ni Ryle. Akala niya okay na ang lahat? Bakit ito nangyayari sa kanya? Kabayaran ba ito sa lahat nang nagawa niyang kasalanan?

Dahan-dahan na napalingon si Ryle sa likuran niya nang may maramdaman siyang tao na nakatayo sa likuran niya. Nang tuluyan na niya itong maharap ay nagulat na lamang siya ng bigla siyang undayan ng saksak ng taong iyon. Nakamaskara ito kaya hindi niya ito nakikilala. Paano ito nakapasok sa loob ng bahay nila? Mukhang wala itong ganang tumigil hangga't huminga pa siya. Nahihintakutan si Ryle habang nasasaksihan niya ang pagbulwak ng masaganang dugo sa dibdib niya. Dahil sa sakit na naramdaman niya ay napaluhod na lamang siya. Doon lang tumigil ang taong iyon sa pagsaksak sa kanya. Napahawak na lamang siya sa beywang ng taong iyon. Hindi sinasadya na nahawakan niya ang nakasbit na ID sa leeg nito. Hinawakan niya iyon at hiniklas. Nang makuha niya iyon ay agad niyang binasa ang nakalagay doon.

Lindsay Montero
Psychiatrist

Ang taong nasa harap niya ay ang babaeng doktor ng kapatid niya. Pero bakit? Bakit naman nito gagawin iyon sa kanila?

"B-bakit..." Kahit nahihirapan na ay pilit pa rin niyang tinanong iyon.

"Nagtatanong kapa kung bakit?! Kilala mo naman siguro si Rica Montero! Ang kapatid kong transgender! Matagal na kitang sinusundan! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko kaya buhay din ang kapalit sa buhay na kinuha mo!"

Hindi makapaniwala si Ryle sa mga nalaman niya! Sa kabila ng lahat ng ginawa niya ay hahantong lang ang lahat sa ganito! Gusto lang naman niya na makasama ang kapatid niya. Gusto lang naman niyang mamuhay ng normal! Pero wala talagang kasalanan na hindi pinagbabayaran.

"P-patawad..." Iyon ang huling salita na nasambit niya bago tuluyang sumalubong sa kanya ang walang hanggang kadiliman!

WAKAS!

___•••___

Salamat sa mga sumoporta ng todo sa kwentong ito hanggang sa huli! Kayo ang lakas ko para matapos ko ang kwentong ito. Naa-appreciate ko ang bawat comments at boto niyo! Sa uulitin!

Alrights Reserved 2018


The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon