CHAPTER 03- Instinct

30.2K 203 6
                                    


Instinct

___•••___

   WALANG emosiyon ang mukha ni Samantha ng pagbuksan siya ng pinto ni Vincent. Hindi niya kasi magawang ngumiti dahil sa mga bumabagabag sa isip niya. May kutob kasi siyang niluluko lang siya ni Vincent. Agad naman niya hinawi ang katawan nito at dire-diretso lang siya pumasok sa loob ng unit nito. Iginala niya ang kanyang mga mata sa kabuhuan ng silid. Wala naman siyang nakikitang kahina-hinala sa unit ni Vincent. Pero malakas ang kutob niya na may ginagawa itong hindi maganda. Hindi pa naman niya napatunayan iyon pero hindi pa rin siyang dapat na makampante. Lalaki ito at tiyak maghahanap talaga ito ng ibang mapaglilibangan. Mayaman ito at saka gwapo. Imposibleng hindi ito nagluluko lalo na't hindi pa niya naiibigay ang gusto nito kahit na matagal na ang relasiyon na meron sila. Hindi niya naman kasi minamadali ang bagay na iyon. May tamang panahon at oras sa bagay na iyon. Sinabi niyang hindi niya ibibigay ang gusto nito hangga't hindi pa sila naikakasal.

Lumaki kasi siya sa isang respitadong pamilya. Isang pastor ang tatay niya at isa namang guro ang nanay niya kaya hindi nakapagtataka na sa edad niyang twenty-five ay birhen parin siya. Si Vincent ang kauna-unahan niyang nobyo. Mahigit isang buwan ding siyang niligawan ni Vincent dahil sinisigurado niyang sincere talaga ito sa nararamdaman nito para sa kanya. Niligawan din ni Vincent ang pamilya niya at nang masiguro niyang boto naman ang pamilya niya rito ay sinagot naman niya agad ito. Hanggang sa umabot na ang relasiyon nila ng tatlong taon. Hanggang sa halik lang ang kaya niyang ibigay kay Vincent dahil hindi pa nito kaya  na ipagkaloob ang sarili niya rito.

Malalaki ang hakbang na tinungo ni Samantha ay banyo ng unit ni Vincent. Hinawi niya ang kurtina na naging pagitan ng shower room at cubicle. Wala siyang may nakita roon. Siguro ay labis lang talaga siyang nadadala sa mga iniisip niyang may ibang babae si Vincent. Baka wala naman talagang katuturan ang mga kutob niya.

Paglabas niya sa banyo ay bumungad agad sa kanya ang gwapong mukha ng kanyang nobyo.

"May nakita ka ba?" Anito sa kanya. "Alam mo naman na hindi ko magagawang lukohin ka. Mahal kita Sam-- Akmang hahalikan sana siya nito nang iharang niya sa harap nito ang kanyang mga kamay.

"Wala. Pero pagsisihan mo talaga ang gagawin ko sa oras na mapatunayan kong may iba kang babae." Hindi ito nagsalita bagkus ay hinila nito ang kamay niya upang tuluyan siya makalapit dito. Nagdikit ang katawan nila. Niyakap siya ni Vincent at wala na siyang nagawa nang sunggaban siya nito nang halik. Marahas siya nitong hinahalikan. Agad naman siyang kumalas sa halik nito at agad na kinuha ang kamay nito na nakapulupot sa beywang niya. Nabastusan kasi siya sa paraan ng paghalik nito.

"Why? Masama ba na halikan kita? Hindi na nga ako namimilit sa'yo na angkinin kita tapos pagbabawalan mo rin akong halikan ka? Ano ba ako sa'yo, Samantha? Ano ba tayo?!" Naiinis na bulyaw nito sa kanya.

"Bakit? Iyan lang ba ang gusto mo sa akin?! Iyan lang ba, ha? Niligawan mo lang ba ako para sa ganyan!" pasigaw na turan niya rito.

"Kahit kailan ay hindi ko inisip iyon Samantha. Niligawan kita dahil mahal kita... Ang sa akin lang ay 'wag mo namang ipagkait sa akin ang mga bagay na iyon. May pangangailan din naman ako. May pangangailangan din ako bilang isang lalaki."

"Ayan! Lumabas din sa bibig mo! Niligawan mo lang ako dahil gusto mo akong maikama! Siguro nga ay nagkamali ako sa taong pinagkakatiwalaa ko!" Agad naman siyang tumalikod dito pagkasabi niya niyon at walang lingon siyang tumakbo palabas ng unit ni Vincent. Hinabol pa siya nito ngunit agad naman siyang pumasok sa loob ng elevator at wala na itong nagawa pa nang sumara na ito.

Napasandal na lamang si Samantha sa dingding ng elevator at hindi niya mapigilan ang mapaluha sa sama ng loob. Siguro nga ay nagkamali siya sa desisyon niyang sagutin ang taong katulad ni Vincent.

Napapitlag pa si Samantha nang pagbukas ng pinto elevator ay tumambad sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng formal na suit. Nagtatakang tinignan siya nito. Nang mapansin niya na nakatitig lang ito sa kanya ay agad naman niyang iniiwas ang tingin niya rito at dali-dali na siyang lumabas ng elevator.

___•••___

   WALA nang nagawa pa si Vincent nang sumarado na ang pinto ng elevator. Batid niyang matindi ang galit sa kanya ni Samantha. Hindi naman niya sinasadya na sabihin ang mga iyon dito. Nabigla lang siya ng bigla itong kumalas sa halikan nila. Sa tingin niya kasi ay wala thrill ang relasiyon na meron sila kapag wala ang mga ganoong bagay. Alam niyang kaunti na lang sa mundong ito ang mga katulad ni Samantha. Isang babaeng conservative. Hindi naman iyon big deal para sa kanya dahil nasisigurado naman niya na ipagkakaloob din naman ni Samantha ang sarili nito kapag nakasal na sila. Siya lang talaga itong nagmamadali sa bagay na iyon.

Mabigat ang loob na bumalik na ng unit si Vincent. Agad naman niya iyong isinarado nang makapasok siya. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot niyang kama. Napapikit pa siya sabay hilot ng kanyang sintido. Naiinis kasi siya sa kanyang ginawa. Naku-konsensiya siya sa ginawa niya kay Samantha.

Napamulat na lamang siya nang maramdaman niya ang paggalaw ng kama niya. Maya-maya pa ay lumabas sa ilalim niyon ang babae. Nakalimutan na niya na doon niya pala ipinatago ito. Tagaktak ang pawis na lumabas ito roon. Bakas sa mukha nito ang pagka-inis.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na umalis na pala ang jowa mo! Alam mo bang nahihirapan ako sa pagtatago sa ilalim ng kama mo!" Pinahiran nito ng tissue ang pawis sa kanyang mukha.

Dumukot ng limang libong pisong papel si Vincent sa kanyang pitaka sabay hagis sa babae.

"Umalis kana! I don't want to see you face again!" Naiinis na bulyaw niya rito.

"Wag mo sa aking ibunton ang galit mo sa jowa mong hindi ka kayang paligayahin sa kama!" Sagot nito.

Nilapitan siya ni Vincent at marahas niyang hinawakan ang magkabilang pisnge nito! Pumapalag pa ito. Halatang nasasaktan ito sa ginagawa niya.

"Don't you dare to say that you whore! Kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit sa kahit na sinong bayarang babae na kagaya niyo si Samantha!" bulyaw niya rito. Marahas naman niyang binitawan ang pisnge nito.

Bahagya pang nangilid ang mga luha nito sa mata ng bitawan siya ni Vincent.

"Fuck you!" bulyaw nito at sumenyas pa ito ng fuck sign sabay talikod sa kanya at patakbo na nitong nilisan ang unit niya.

Naiinis na ibinagsak na lamang ni Vincent ang katawan niya sa kama. Muntik na kasi siyang mahuli ni Samantha at masama rin ang loob nito sa mga sinabi niya. Hindi niya naman sinasadya iyon. Hindi naman niya minamadali na pagbigyan siya ni Samantha sa gusto niya. Ang sa kanya lang naman ay dapat naiintindihan siya nito. Gusto niyang intindihin naman siya ni Samantha.

Napatingin si Vincent sa cellphone niya na nasa ibabaw ng bedside table ng mag-alarm iyon. Nang damputin niya ay isang reminder iyon. Nakalagay sa reminder na ngayon ang ika-apat na taong anniversary nila. Sandaling natigilan si Vincent sa nabasa niya. Hindi niya naalala na ngayong araw pala ang 4th year anniversary nila. Kaya siguro pumunta ito rito sa unit niya ng hindi niya alam dahil baka gusto talaga siya nitong sorpresahin. Bakit hindi niya naiisip iyon? Bakit nakalimutan niya na anniversary pala nila ngayon? Dati ay siya pa ang unang bumabati rito tuwing anniversary nila pero ngayon ay nakalimutan na niya dahil inuna niya pa ng kalibugan niya. Mabilis na kumilos si Vincent. Agad siyang pumasok sa banyo at naligo. Pagkalabas niya roon ay agad din naman siyang nagbihis at naglagay ng pabango. Kailangan ay mabango siya kapag kaharap na niya ang kanyang nobya. Kailangan niyang puntahan si Samantha. Kailangan niya itong suyuin. Hindi siya papayag na matatapos lang ang araw na ito na hindi sila magkakabati ni Samantha.

TO BE CONTINUED...

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon