CHAPTER 14- Met Again

17.4K 134 2
                                    


Met Again

___•••___

   "SIGURADO ka na ba diyan sa kutob mo?" Napatingin si Loraine sa maamong mukha ni Vincent ng bigla itong magsalita. Nasa isang bar sila ngayon. Matapos kasi nilang mag-usap ni Nathan ay agad naman niyang tinawagan si Vincent. Mabuti na lang pala at hindi pa niya nabubura ang number nito. Agad naman itong pumayag na makipagkita sa kanya. Wala na siyang choice. Kahit nahihiya siyang lumapit dito dahil sa mga sinabi niya rito ay nilunok na lamang niya ang hiyang iyon. Wala na rin naman siyang ibang matatakbuhan maliban dito. Alam niya kasing pakikinggan talaga siya ni Vincent.

"Sigurado ako, Vincent. M-may nakita akong tuyong dugo sa underwear niya. Isa iyong matibay na ebidensiya na nangangaliwa nga sa akin si Nathan..." Naiiyak na turan niya.

"Hindi mo pa naman napapatunayan iyon. Baka hindi naman iyon ang totoong nangyari--

"Sigurado akong pinagtataksilan ako ni Nathan! Kahit hindi ko pa naman napapatunayan iyon ay malakas ang kutob kong pinagtataksilan niya ako." Dinaluhan na siya ni Vincent ng humagolhol na siya ng iyak. Akala niya ay nagbago na ito at hindi na ito maghahanap pa ng ibang babae. Pero halata sa inaasal nito na nawawalan na ito ng gana sa kanya. Nagsasawa na ito sa kanya.

"Ano ba ang kulang sa akin, Vincent? Ano pa ba ang dapat kung gawin para hindi na siya maghanap ng iba? I'm willing to give anything he wants para lamang lumigaya lamang ang pagsasama namin pero binalewala lang niya iyon." Pagkasabi niya niyon ay agad naman siyang lumagok ng beer. Umaapaw pa iyon sa kanyang bibig. Halatang lasing na lasing na talaga ito.

"That's enough! Nakakarami kana." Inagaw ni Vincent ang bote ng beer na iniinom niya.

"Let me drunk, Vincent. Gusto kong malasing!"

"Akala mo ba ay may magagawa 'yang paglalasing mo para mawala 'yang problema mo?! Kapag nawala ang epekto ng alak sa'yo ay babalik at babalik ka parin sa normal. Kaya tara na. Ihahatid na kita pauwi sa inyo. Pagpahinga ka at subukan mong kausapin ng maayos bukas ang asawa mo. Alam kong magkakabati rin kayo no'n." Hinawakan ni Vincent ang braso niya at inalalayan siya nitong makatayo.

"N-no, Vincent. G-gusto ko pang uminom!" Pilit siyang kumakalas mula sa pagkakahawak ni Vincent sa braso niya.

"No! Tama na iyan. Lasing kana at kailangan mo nang umuwi!" May diin ang pagkakasabi niyon sa kanya ni Vincent na naging dahilan para mapatitig siya sa mukha nito. Ngayon lang niya napagtanto na gwapo pala ito sa malapitan. Mukha seryoso ito pero alam niyang malambing ito sa loob. Hindi niya ito nakitaan ng galit sa mga sinabi niya rito noon ng may mangyari sa kanila bagkus ay hindi ito nagdalawang isip na samahan siya at daluhan sa problema nito. At napagtanto rin niya na concern ito sa kanya.

"We have to go. Ihahatid kita sa inyo. And please... 'wag ka nang tumutol pa." Pagkasabi niyon ni Vincent ay agad naman niyang iniwas ang tingin niya rito. Hindi niya alam kung gaano ba siya katagal na nakatitig sa mukha nito.

Kahit hindi pa nga siya sumang-ayon sa sinabi nito ay inalalayan na siya nito palabas ng bar. May pagkakataon na natatapilok pa siya pero agad naman siyang nasasalo ni Vincent sa tuwing akma siyang matutumba. Para itong knight and shining armor niya na handa siyang sagipin at hindi hinahayaan na masaktan siya.

___•••___

Binuksan ni Vincent ang sasakyan niya at inalayan niya si Loraine na makapasok sa loob ng sasakyan niya. Ipinwesto niya ito sa tabi ng driver seat. Inayos muna ni Vincent ang pagkakaupo nito bago siya umikot para pumwesto na sa driver seat. Hindi niya talaga inaasahan na magkikita silang muli ni Loraine. Akala niya ay wala na talagang pag-asa na makita pa niyang muli ang mala-anghel na mukha ni Loraine. Hindi niya alam pero mukhang hindi pa rin nawawala ang paghanga niya rito. Humahanga lang ba talaga siya o gusto niya talaga ito?

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon