CHAPTER 27- Payment

10.1K 102 4
                                    


Payment

___•••___

"O, ETO, balato mo." Napatingin si Ryle sa kamay ni Vincent na may hawak na sobre nang akmang nitong iaabot sa kanya.

"Naku, wag na! Okay na ako na nilibre mo ako ng dinner." Pagtatanggi niya sabay balik ng kamay ni Vincent.

"Iba naman iyon. Saka bilang pasasalamat ko rin ito dahil sinamahan mo akong mag-Casino. Feeling ko nga ikaw ang swerte sa akin, e." Natatawang turan nito. Palabas na sila ng restaurant ng gabing iyon kung saan siya nilibre ni Vincent ng dinner. Inaya kasi siya ni Vincent mag-Casino. Gusto kasi nito na may kasama ito habang naglalaro. At nang manalo ito at nilibre siya nitong nang dinner.

Matagal ng libangan ni Vincent ang pagka-Casino. Dahil sa adik ito sa sugal ay halos linggo-linggo ay nagtutungo ito sa Casino para magsugal. Sakto naman na weekends naman kinabukasan kaya inaya siya ni Vincent na mag-Casino. Hindi naman niya nagawang tumanggi dahil utang niya ang trabaho niya kay Vincent. Ito kasi ang nagpapasok sa kanya sa kumpanya nito. Magkababata sila ni Vincent. Laking probensiya sila pero no'ng makapagtapos sila ng high school ay inilipat na ito ng pamilya nito sa maynila. Naki-kwento rin sa kanya noon ni Vincent ang tungkol sa mga negosyo ng pamilya nito. Pinangako rin nito sa kanya na kapag nakapagtapos na siya ng kolehiyo ay hanapin lang daw niya ito at siya na mismo ang magre-rekumenda sa kanya para ipasok sa kumpanya ng pamilya nito.

"Sige na tanggapin mo na ito." Wala nang nagawa pa si Ryle nang kunin ni Vincent ang kamay nito at inilagay nito sa palad niya ang puting sobre na sigurado siyang pera ang laman niyon. Binuksan niya iyon at sinilip ang laman.

"Malaki 'to, Vincent. Nakakahiya naman sayo." Nahiyayang turan niya.

"Wag ka na kasing mahiya. Ganito na lang. Kung gusto mong maglaro sa susunod ay pahihiramin kita. Para naman sarili mo na talagang pera ang mapapanalunan mo."

"Wag na. Hindi rin naman ako nagsusugal, e. At isa pa ay wala naman akong alam sa mga sugal sa Casino."

"Don't worry. Tuturuan kita." Inakbayan siya ni Vincent. Hindi na niya nagawa pang tumanggi sa sinabi nito. Ang totoo niyan ay mukhang nae-enganyo rin siyang maglaro sa Casino. Ewan niya pero mukhang may nag-uudyok sa kanya na maglaro. Parang napakasayang maglaro sa Casino at ang dali pang manalo.

___•••___

"ANG dami naman niyang dala mo, kuya. Nanalo ka ba sa lotto?!" Bulalas ng kapatid niyang si Shanyl nang pagbuksan siya nito ng pinto at agad naman siyang pumasok sa kanilang apartment. Tuloy-tuloy lang siyang pumasok at inilapag ang mga dala niyang paper bags at mga eco bags sa mesa sa may salas. Kagagaling lang niya kasi ng mall at nag-shopping. Malaki-laki rin kasi ang napanalunan niya sa Casino kung saan sila naglalaro ni Vincent. Isang linggo na ang nakakalipas ng isama ulit siya ni Vincent sa Casino. Pina-utang siya nito ng pera para naman may magamit siya sa paglalaro. Tinuruan naman siya ni Vincent kung paano maglaro at sa kabutihang palad ay medyo naaaral na niya iyon at hindi naglaon ay marunong na siya.

"Wow! Ang dami nito kuya, a! Saan ka naman kumuha ng pera? hindi ba't sa susunod na araw pa ang sweldo mo?" Anito habang isa-isang nitong inilalabas ang mga dala niya sa loob ng mga eco bags.

"Nag-o-online selling kasi ako. Pinahiram kasi ako ng puhunan ni Vincent. Iyon ang ginamit ko para makapagsimula ng online business." Aniya rito. Hindi niya kasi pwedeng sabihin sa kapatid niya kung saan siya nagkakapera. Paniguradong pagagalitan siya nito sa oras na malaman nito na nagsusugal siya sa Casino.

"Ano'ng online business ba 'yan, kuya at para naman matulungan naman kita. Kung hindi mo naitatanong ay marami akong mga kakilala--"

"Hindi na importante kung ano iyon. Ang mahalaga ay nagkakaroon ako ng ibang raket. Tamang-tama lang kasi ang sini-sweldo ko sa araw-araw natin na pangangailangan at pati na rin sa pag-aaral mo."

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon