CHAPTER 28- Justice

10.6K 116 13
                                    

Justice

___•••___

NAPAPITLAG si Ryle nang makarinig siya nang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng apartment niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at nanginginig ang kamay na pinihit niya ang seradura ng pinto.

"Handa na ba ang lahat?" Bungad sa kanya ni Vincent nang buksan nito ang pinto. Hindi niya ito sinagot bagkus ay nilakihan na lamang niya ang bukas ng pinto para makapasok ito.

"Nasa loob siya ng kwarto." Walang emosyon na sabi nito.

"Mabuti naman kung gano'n." Pagkasabi nito niyon ay naglakad na si Vincent papunta loob kwarto ng kanilang apartment.

Habang papalit si Vincent sa naturang silid ay hindi maiwasan ni Ryle ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali lang ay naglandas na iyon sa kanyang pisngi. Sana lang pagkatapos nito ay mapatawad pa siya ng kapatid niya sa ginawa niya. Sana lang ay maintindihan nito kung bakit niya ito gagawin.

Nang tuluyan nang makapasok si Vincent sa nasabing silid ay agad namang lumabas ng apartment si Ryle. Ayaw niyang marinig ang gagawin ni Vincnent sa kapatid niya.

Lumabas na siya ng apartment at agad na nagtungo sa isang bar. Para naman kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Ang sakit ng gagawin niyang desisyon.

Umiiyak habang nag-iinom si Ryle sa isang bar. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag na ang kapatid niya ang magiging kabayaran sa utang niya kay Vincent! Naging duwag siya para harapin ang problemang ginawa niya. Naging makasarili rin siya dahil nagawa niyang ipambayad utang ang kapatid niya.

"Ahhh!" Umalingawngaw ang sigaw na iyon ni Ryle sa loob ng bar. Nagtatakang nagsitinginan naman ang mga taong naroon sa gawi niya. Hindi na niya kasi mapigilan ang sarili niya. Sa tuwing maalala pa lang niya ang posibleng gagawin ni Vincent sa kapatid niya ay inu-usig na siya ng kanyang konsensiya. Naalala niya kasi ang masayang alaala nilang magkapatid. Nang dahil sa kanya ay masisira na ang kinabukasan nito.

"Boss, Okay lang ba kayo?" Isang waiter ang lumapit sa kanya.

Hindi niya pinansin ang waiter at dali-dali siyang tumayo. Dumukot siya ng pera sa wallet niya at inilagay sa mesa niya. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng bar. Kailangan niyang pigilan si Vincent sa gagawin nito sa kapatid niya. Ngayon ay napag-isipan na niya. Hindi dapat ang kapatid niya ang nagbabayad ng mga utang niya. Siya dapat ang humarap niyon.

Pagkarating niya sa kanilang apartment ay agad naman niya binuksan ang pinto niyon. Pagpasok pa lamang niya ay si Vincent agad ang bumungad sa paningin niya. Naka-upo ito sa may salas at naninigarilyo. Napansin niyang pawisan ito at walang suot na pantaas na saplot. Nainuha niya na nagtagumpay itong halayin ang kapatid niya.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na birhen pa pala ang kapatid mo. Nahirapan tuloy ako." Nakangising sabi nito sabay hithit ng sigarilyo.

"Hayop ka, Vincent!" Agad naman niyang sinugod si Vincent sa kinaroroonan nito at agad na sinuntok. Hindi niya ito natamaan dahil nailagan nito ang kamao niya.

"Ikaw pa ang may ganang magsabi sa akin niyan? Sino ba sa atin ang hayop, Ryle! Sino ba sa atin ang ginawang pambayad ang kapatid sa utang?! Siningil lang naman kita sa utang mo at hindi ko naman hakalain na papayag ka sa gusto kong maging kabayaran mo sa utang mo! Ngayon ikaw pa 'tong magagalit!"

"Inaamin ko na nadala lang ako. Naging duwag ako na harapin ang problema ko! Ngayon ay nagsisisi ako sa naging desisyon ko."

"Wala na tayong magagawa, Ryle. Dapat ka na rin namang magpasalamat dahil abswelto kana sa utang mo sa akin!" Lumabas na ng apartment niya si Vincent.   Wala na siyang magagawa pa! Nagtagumpay itong halayin ang kapatid niya.

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon