CHAPTER 21- Confirmed

13.7K 111 1
                                    


Confirmed

___•••___

   "SIR Nathan!" Napapitlag si Nathan ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Ang secretary niyang si Lyka ang agad na bumungad sa paningin niya. Nakatayo ito sa tapat ng mesa niya. May hawak itong puting folder. Doon lang bumalik ang isip ni Nathan sa realidad. Napapatulala na naman siya.

Tumikhim muna siya bago niya sinagot ang secretary niya. "A-ano ba iyon, Lyka?"

"Ito na po ang pinapahanap niyong files sa akin. Nandiyan na po ang lahat ng kailangan niyo." Inilapag nito sa mesa niya ang folder na hawak nito.

"Salamat, Lyka." Nakangiting turan niya.

"Maiba lang po ako, Sir. Wag niyo po sanang mamasamain ang itatanong ko. Bakit parati na lamang po kayong nakatulala. Ilang araw na po kayong ganyan. Minsan nahuhuli ko rin po kayong nakangiti. May problema po ba?"

Nagulat siya sa sinabi ni Lyka. Ganoon na pala ang ginagawa niya? Meron na palang nakakapansin ng mga inaasal niya? Nakakahiya naman iyon. Baka hindi lang si Lyka ang nakakapansin sa mga inaasal niya.

"W-wala. May naiisip lang ako. Salamat dahil pina-alam mo iyon."

"Concern lang po naman ako sa inyo. Baka kasi may problema po kayo. Pwede niyo po akong maka-usap. Handa po akong makinig." Nag-aalala na turan ng secretary niya. Hindi na rin kasi iba si Lyka sa kanya. Matagal na niya itong secretary. Matagal na rin kasi itong nagtatrabaho sa kumpanya ng pamilya niya. Tumanda na nga yata itong dalaga sa kumpanya nila.

"Salamat sa concern, Lyka. Wala 'to. May naiisip lang ako. Alam mo naman na marami nang mga competetors ang kumpanya. Minsan nag-iisip ako kung paano pa natin mapapa-unlad ang kumpanya." Pagsisinungaling niya. Kahit alam niyang mapagkakatiwalaan naman si Lyka ay hindi pa rin niya magawang sabihin dito ang totoong dahilan ng inaasal niya. Alam niyang magtataka ito. At isa pa ay isang napakalaking kahibangan ang naiisip niya. Hindi pwedeng malaman ng kahit na sino ang dahilan ng pagkakatulala niya at pagngiti niya minsan.

Buhat kasi nang gabing iyon ay hindi na siya tinatantanan nang kakaisip sa lalaking tumulong sa kanya roon sa bar. Isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari iyon pero parang kagabi lang para sa kanya. Hindi niya alam pero parang tinamaan na yata siya sa lalaking iyon. Palagi niya kasing nai-imagine ang nakangiti nitong mukha habang nakatitig ito sa kanya. Iyon siguro ang pagkakataon na napapangiti siya. Hindi niya kasi mapigilan ang kiligin sa tuwing maalala niya ito. Wala nang ibang laman ang utak niya kundi ito lang. Minsan nga ay hindi na siya nakakapagtrabaho ng maayos dahil doon. Totoo ba 'tong nararamdaman niya? Nai-inlove na ba siya sa kapwa niya lalaki?

"Basta kapag may problema po kayo ay 'wag po kayong mahiyang sabihin iyon sa akin. Ano ba naman ang pagiging secretary ko po sa inyo." Nakangiting saad nito.

"Salamat, Lyka."

"Wala po iyon. Maiwan ko na po muna kayo. May gagawin pa po kasi ako, e." Pagkasabi niyon ni Lyka ay agad naman nitong nilisan ang opisina nito.

Stress na napasandal si Nathan sa sandalan ng swivel chair niya. Hindi yata ang trabaho sa opisina niya ang nakaka-stress kundi ang lalaking sa bar na iyon.

Napa-ayos siya ng upo ng bigla niyang maalala ang pangalan nito. Binuksan niya ang laptop niya at si-nearch nito sa facebook ang pangalan ng lalaking iyon. Mabilis niya ti-nayp ang pangalan nito sa keyboard ng laptop niya. Marami siyang nakitang kapangalan nito. Pero ang lubos na naka-agaw ng pansin niya ay 'yong account na merong half body naked na profile picture. Agad naman niyang cli-nick iyon at ganoon na lamang ang pagbangon ng saya niya nang tumambad sa kanya ang litrato ng taong iyon. Naka board shorts lang ito sa litrato nito kaya lantad ang kakisigan ng katawan nito. Beach ang background ng photo. Halos manlaki rin ang mga mata niya sa mga nakikita niyang abs nito. In-add niya ito sa facebook friends niya.

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon