CHAPTER 19- Caught On Act

15.3K 142 10
                                    

Caught On Act

___•••___

   INAASAHAN ni Vincent na madadatnan niya si Samantha sa unit niya nang dumating siya pero wala ito roon. Ang sabi kasi sa kanya ni Samantha ay dito raw ito matutulog sa unit niya dahil ipagluluto raw siya nito ng mga paborito niyang ulam. Kinuha ni Vincent ang cellphone niya na nakalagay sa side table at agad niyang tinawagan si Samantha. Sigurado siyang naka-out na ito sa trabaho dahil pasado alas syete na. Tatlong beses na niyang tinawagan ito pero nagri-ring lang ang cellphone nito. Hindi nito iyon sinasagot. Ibinalik na lamang muna niya ang cellphone niya sa side table at nagbihis na muna ng pambahay na damit. Isang puting sando at board shorts ang kinuha niya sa kanyang closet. Pumunta siya ng kusina at kumuha ng maiinom sa may ref. May nakita siyang canned beer. Binuksan niya iyon at saka lumagok. Bumalik na siya sa kanyang kama. In-open niya ang messenger niya. Nakita niya na may si-nend na mga pictures si Loraine sa kanya. Hindi niya sana papansinin iyon baka kasi pakulo na naman iyon ni Loraine para kausapin niya ito. Pero nagulat na lamang siya sa nakita niya. Nanlaki ang mga mata na tinitigan niya nang husto ang nasa litrato.

Hindi mo ba alam na niloloko ka lang ng magaling mong girlfriend. Nakikipagkita ang babaeng 'yan sa ibang lalaki.

Basa niya sa message na pinadala sa kanya ni Loraine. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Totoo ba na si Samantha ang nasa litratong iyon? Totoo bang niloloko talaga siya nito? Pero paano kung gawa-gawa lang ni Loraine iyon. Alam niya kasing galit ito nang nagkabalikan sila Samantha. Di-nial niya ang number ni Loraine at tinawagan niya ito. Gusto kasi talaga niyang malaman kung totoo nga ba na si Samantha 'yong nasa litratro.

Agad namang sinagot ni Loraine ang tawag niya.

"Paano ka nakakasigurado na si Samantha nga 'yan nasa picture? Alam kong gawa-gawa mo lang iyan." Untag ni Vincent nang sagutin nito ang tawag niya.

"Niloloko mo lang ang sarili mo, Vincent. Nakikita mo naman siguro ang ibedensiya. Nakikipagkita ang babaeng 'yan sa ibang lalaki."

"Kung totoo nga 'yang sinasabi mo... Dalhin mo ako sa lugar na iyan."

"Sure! Kung iyan ang gusto mo. Magkita tayo ngayon na. Dadalhin kita sa lugar na iyan."

Matapos niyang kausapin si Loraine ay agad naman siyang nagbihis para makipagkita rito. Gusto niya talagang malaman kung totoo ba ang sinasabi nito. Pero humanda talaga ito sa kanya kapag niloloko lang siya nito.

Nagkita sila sa isang fast food at nang gabi ring iyon ay tinungo nila ang lugar na sinasabi ni Loraine sa kanya.

"Kamusta ka?" Nag-aalangan na tanong nito sa kanya.

"Wala akong panahon na makipagkamustahan sa iyo, Loraine." Walang emosyon na sagot nito na hindi man lang siya tumitingin dito. Naka-fucos kasi ang atensiyon niya sa pagda-drive.

"Ano ba ang nakita mo sa babaeng iyon at bakit patay na patay ka sa kanya?!" Pagkwa'y tanong nito.

"Pwede bang itikom mo 'yang bibig mo. Sabihin mo na kung saan mo nakuha ang mga pictures na si-nend mo sa messenger ko."

Wala nang nagawa pa Loraine kundi ang igiya na lamang si Vincent sa resthouse na napuntahan nila. Maya-maya lang ay narating na agad nila iyon. Tumambad sa paningin ni Vincent ang bahay sa hindi kalayuan. Napansin din niya ang nakaparadang taxi roon.

"Ito na ba ang sinasabi mong bahay?" Tanong nito sa kanya.

"Iyan na nga. Diyan ko mismo nakita sa bahay na iyan na pumasok si Samantha at ang taxi driver na kasama niya."

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon