CHAPTER 23- Regret

12K 122 3
                                    

Regret

___•••___

   "GUMANA ang plano natin, Ryle." Masiglang pagbabalita ni Nathan kay Ryle sa kabilang linya. Kakaalis lang kasi ni Loraine sa bahay nila at may bitbit itong maleta. Inuha ni Nathan na totohanin talaga nito ang mga sinabi nito sa kanya na hihiwalayan na siya nito.

"Mabuti naman kung gano'n. So, tuloy ang plano?"  Anito sa kanya.

"Oo naman. Handa na ako, Ryle. Handa na akong lumayo kasama ka..."  Nakangiting saad ni Nathan. Walang pagsidlan ang nararamdaman niyang saya ng mga oras na iyon. Tuluyan na kasing magkakatotoo ang lahat ng pangarap niya. Ang makasama ang lalaking mahal niya. Kapag gumana kasi ang mga plano niya na si Loraine na mismo ang makikipaghiwalay sa kanya ay aalis na sila sa pilipinas. Sa ibang bansa na sila maninirahan. Doon sila bubuo ng pamilya. Plano nilang mag-ampon na lamang.

"Nakahanda na ba ang lahat?"  seryosong tanong nito sa kanya.

"Oo naman. Trinansfer ko na sa account mo ang pera..." bwelta nito.

"Good." Tipid na sagot nito.

"O, mukhang hindi ka yata masaya, a. May problema ba?" Napansin ni Nathan ang pagkaseryoso ng boses ni Ryle. Naninibago siya dahil hindi naman iyon ang nakasanayan niyang boses nito.

"Masaya ako. Hihintayin kita rito sa resthouse. Bye!" Pagkasabi niyon ni Ryle ay agad naman nitong ibinaba ang tawag.

Ewan ni Nathan pero napansin niya na parang may kakaiba kay Ryle. Pero hindi na iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay ang maka-alis na sa pilipinas sa madaling panahon kasama si Ryle. Napapangiti pa si Nathan sa kawalan na parang nakikini-kinita na niya ang mangyayari.

___•••___

PAGDATING ni Nathan sa resthouse niya ay isang nakaparadang taxi agad ang tumambad sa kanya. Nasasabik na bumaba siya ng kanyang kotse at agad na tinungo ang main door ng resthouse.

"Ryle..." tawag niya kay Ryle nang buksan na niya ang pinto ng resthouse. Napangiti pa siya nang makita niya si Ryle na naka-upo sa salas habang umiinom. Nakatalikod ito sa gawi niya. Nilapitan niya ito at niyakap sa likod.

"Magsasama na tayo, Ryle..." anito at pinaghahalikan niya ang leeg ni Ryle. Iniiwas ni Ryle ang leeg nito at agad na tumayo na ikinagulat niya.

"What's wrong?" Usisa niya. Nagulat kasi siya sa ginawa nito. Bakit kung makaiwas naman ito sa ginawa niyang paghalik dito ay parang nandidiri ito sa kanya.

"Wala." Inabot nito ang pakete ng sigarilyo na nasa center table at kumuha ng isang stick at sinindihan iyon. Napabuntong hininga pa ito bago ito humarap sa kanya.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Kunot-noo na usisa niya. Nahahalata na niya kasi na parang may nagbago kay Ryle.

"Wala." Inabot nito ang basong may laman ng wine at saka lumagok.

"Ano'ng wala? Alam kung meron. Tapatin mo nga ako, Ryle. Gusto mo na bang umatras?" Halos panghinaan na ng loob si Nathan habang sinasabi niya iyon. Hinihintay na lamang niya na sabihin ni Ryle sa kanya na hindi nito kayang umalis kasama siya.

"Hindi. Hindi ko magagawa iyon." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya nito. Gumanti rin siya nang yakap dito. Mas mahigpit 'yong sa kanya.

"Akala ko kasi ay aatras kana, e." Parang bata na saad ni Nathan. Kumalas si Ryle sa yakapan nila at mataman siya nitong tinignan diretso sa kanyang mga mata.

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon