CHAPTER 17- Insecurities

14.5K 132 2
                                    


NOTE: Pasensiya na po dahil minsan lang po ako nakakapag-update. Busy din po kasi ako sa work kaya kapag free time lang po ako nakakapagsulat. Salamat na rin po sa naghihintay ng update at sa mga bomoto :)

Salamat ng todo !

Insecurities

___•••___

   NASA salas si Nathan ng umagang iyong habang nagkakape nang mapansin niya si Loraine na pababa na ng hagdan. May bitbit itong maliit na maleta at alam na niya kung ano ang gagawin nito. Aalis na ito. Seryoso talaga ito sa mga sinabi nito kagabi. Ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa binabasa niyang magazine. Nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang pagdaan ni Loraine sa harapan niya. Pasimple naman niya itong tinitignan. Maya-maya pa ay narinig na lamang niya ang pagbukas ng pinto ng main door at pagsarado niyon. Tuluyan na talagang nilisan ni Loraine ang bahay nila. Ang bahay sana kung saan sila bubuo ng pamilya. Pero malabo na yatang mangyari iyon. Sira na ang relasyon nila ni Loraine. Sinira niya. Siya lang naman ang dapat sisihin sa paghihiwalay nila ni Loraine. Binibigyan niya ito ng dahilan para paghinalaan siya nito. Ginusto naman niya na mangyari iyon. Ang magduda sa kanya si Loraine. Alam niyang hindi na siya masaya sa pagsasama nila ni Loraine. Akala niya no'ng una ay mababago nito ang pananaw niya sa pag-ibig. Akala niya ay mababago nito ang pagkatao niya pero hindi. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi na yata mababago iyon.

Napabuntong hininga na lamang si Nathan matapos lumagok ng kape sa kanyang tasa. Napasandal siya sa sofa. Inaamin niya na nakaramdam siya ng kalungkutan ng kusa ngang nagdesisyon si Loraine na maghiwalay na sila pero sa kabila noon ay parang nakaramdam siya ng kalayaan.

___•••___

   PAGKASARA pa lamang ni Loraine ng pinto nang lumabas siya ng bahay ni Nathan ay agad namang naglandas sa kanyang pisnge ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Ayaw niya kasing makita ni Nathan na nasasaktan siya sa gagawin niyang desisyon. Hindi sana mangyayari ito sa kanila kung pinahalagahan lang sana nito ang relasyon nila. Ang relasyon na akala niya ay panghambuhay na.

Bago tuluyan lisanin ni Loraine ang bahay nila ni Nathan ay sandali niya muna itong sinulyapan. Mami-miss niya kasi ang bahay na ito at ang mga nangyari sa loob ng limang buwan na pagsasama nila ni Nathan. Pinalis ni Loraine ang luhang naglandas sa kanyang pisnge. Buo na ang desisyon niya. Aalisin na niya sa buhay niya si Nathan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Loraine bago niya tuluyang lisanin ang bahay nila ni Nathan.

   HINDI mapigilan ni Loraine ang mapahagulhol ng iyak ng pagbuksan siya ng pinto ng Mama niya. Matapos niyang umalis sa bahay nila ni Nathan ay doon na agad siya dumiretso sa bahay ng Mama niya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Nag-aalala na tanong nito sa kanya. Nakaupo na sila sa may salas. Hinawakan nito ang kamay niya at mahinang pinisil.

"Hihiwalayan ko na po si Nathan."

"Ano ba ang nangyari at bakit bigla-bigla na lamang ang desisyon mong hiwalayan siya? Hindi na ba ninyo pwedeng ayusin 'to?" Nag-alalang turan ng Mama niya.

"Sinubukan ko na po na ayusin 'to pero wala na siguro akong magagawa pa. Nararamdaman ko kasing nagsasawa na si Nathan sa pagsasama namin at iyon narin siguro ang dahilan kung bakit siya naghanap ng iba."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot-noo na bwelta ng Mama niya.

"Niloloko po ako ni Nathan. M-may iba po siya." Naluluhang saad niya.

"Paano kung nagkakamali ka lang?"

"Hindi po. I had a proof. Marami po akong ebidensiya na nagpapatunay na niluluko talaga ako ni Nathan." bwelta niya.

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon