CHAPTER 25- Facing Him

11.7K 112 3
                                    


Facing Him

___•••___

NAPABUNTONG hininga si Ryle matapos niyang maihiga si Nathan sa loob ng kwarto ng resthouse kung saan naroon si Samantha-- Ang nobya ni Vincent. Kaninang umaga kasi ay tinawagan siya ni Nathan upang ibalita sa kanya na gumana ang mga plano nila. Hiniwalayan na raw ito ng asawa nito. At isa lang ang ibig sabihin niyon, tutuloy na sila sa susunod nilang plano ang umalis sa pilipinas at pumunta ng ibang bansa para doon na mamuhay.

Lingid sa kaalaman ni Nathan na ginagamit lang niya ito. Ginamit niya ito dahil alam niyang marami itong pera. Pumayag lang siyang maging sila para perahan ito. Wala naman talaga siyang nararamdam dito. May mga nakakarelasyon naman siyang mga bakla pero hanggang libog lang iyon. Walang pagmamahal na namamagitan. Piniperahan lang niya ang mga ganoon klaseng tao. Minsan na rin kasi siyang pinagsamantalahan ng bakla. Noong siya ang haysul pa lamang ay pinagsamantalahan siya ng propesor nilang bakla. Bli-nack mail siya nito na ibabagsak sa klase kapag hindi siya pumayag sa gusto nito. Wala siya nagawa kundi ang magpaubaya na lamang sa gusto ng kanyang guro. Kahit labag sa loob niya ay wala siyang magawa. Kailangan niyang gawin iyon kapalit ng kinabukasan niya. Buhat ng mangyari iyon ay pinangako na niya sa kanyang sarili na hindi na siya pwedeng lamangan ng bakla. Kung manggagamit ang mga ito ay iyon din ang gagawin niya. Kailangan na niyang maging matalino. Hinding-hindi na siya kailang man maloloko ng mga bakla.

Nang tumuntong siya ng kolehiyo ay doon lang niya naisipang gamitin ang akin niyang kagwapuhan para magkapera. Ang kailangan lang niya ay utuin ang mga makikilala niyang bakla. Inaral niya talaga kung paano niya gagawin iyon. Hindi naglaon ay naging bihasa na si Ryle sa ganoong bagay. Mas nagiging wais na siya. Minsan nga ay ninanakawan pa niya ang mga bakla na nakakarelasyon niya.

Napapangiti siya sa mga nakikita niya. Walang kamalay-malay ang dalawa sa mga plano niya. Umaayon talaga ang lahat sa plano niya. Plano niya kasing ite-text niya kay Vincent ang address ng resthouse kung saan siya naroon. Gusto niyang makita ni Vincent na may ibang lalaking katabi ang nobya niya at hubo'-hubad pa ang mga ito. Ini-imagine pa lamang niya ang mangyayari at pwedeng gawin ni Vincent ay napapangiti na siya.

Malalaki ang hakbang na lumabas na ng resthouse si Ryle. Lumapit siya sa kotse ni Nathan at iyon ang ginamit niya. Napapangiti si Ryle habang nabubuo na sa isip niya ang mangyayari kapag makita na ni Vincent ang nobya nito na may ibang kasamang lalaki sa kwarto.

"Makakaganti na rin ako sa'yo, Vincent." Galit na turan niya. Unti-unti na niya kasing magagantihan si Vincent. Makakamit na rin niya ang paghihiganti na matagal na niyang gustong gawin. Pagkarating niya sa condo unit na binili sa kanya ni Nathan ay agad naman siyang nag-empake. Alam niyang pupuntahan siya ni Nathan sa unit nito kapag nagising na ito. Kailangan na niya umalis doon. Malaki naman ang pera na inilagay ni Nathan sa account niya kaya hindi na siya mahihirapan pa na magsimula ng panibagong buhay.

Napahinto si Ryle sa pagkuha ng mga gamit niya sa kanyang closet ng may maalala siya. Hindi pa pala niya na ti-text kay Vincent ang address ng resthouse kung saan niya dinala si Samantha. Akma na sana niyang kukunin ang phone niya sa may kama niya nang makita niyang may tumatawag doon. Nang tingnan niya ay si Vincent ang tumatawag sa kanya. Dinampot niya iyon at agad na sinagot.

"H-hello, Ryle... 'Asan ka?" Iyon agad ang narinig niya mula kay Vincent. Garalgal ang boses nito. Iyon agad ang una niyang napansin.

"O, bakit ano'ng nangyari?" Kunwari ang usisa niya.

"She cheated me, Ryle. Nahuli ko siyang may kasamang ibang lalaki sa isang kwarto!" Doon lang nainuha ni Ryle ang dahilan ng paggaralgal ng boses nito. Umiiyak nga ito at mukhang alam na niya ang dahilan base sa mga sinasabi nito.

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon