CHAPTER 10- Broken

18.5K 149 11
                                    


Broken

___•••___

   MARAHAN na inihiga ni Nathan sa kanyang hita ang ulo ni Loraine. Dahan-dahan niya iyong ginagawa dahil ayaw niyang magising ito. Kanina lang kasi ay tutok na tutok pa ito sa pinapanood nilang palabas habang kumakain sila ng popcorn pero naramdaman na lamang niya na nakatulog na pala ito. Nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat habang tahimik na natutulog. Para maging kumportable ito sa pagtulog ay dahan-dahan niya itong inihiga sa kanyang hita. Inu-unan niya ang ulo nito roon.

Hindi maiwasan ni Nathan ang mapatitig sa mukha ng kanyang asawa. Napakaganda pa rin nito kahit na tulog. Inipit pa niya ang nakaharang na buhok sa mukha nito sa likod ng tenga nito. Hinaplos niya ang pisnge nito hanggang sa bumaba ang kanyang kamay sa mga labi nito. Tumigil ito roon at hinaplos-halos niya ang labi nito. Nasasabik na siyang muli iyong mahalikan.

Natigilan siya sa kanyang ginagawa ng gumalaw ang ulo nito at dahan-dahan nitong binuksan ang mga mata nito.

"Nagising ba kita?" aniya.

Umiling lang ito habang tinititigan siya nito diretso sa kanyang mata. Nagulat na lamang si Nathan ng hawakan siya nito sa kanya batok at inilapit nito ang mukha niya sa mukha nito at walang pasabi na hinalikan siya nito. Iyon na ang hudyat na tuluyan nang nawawala ang tampo sa kanya ng kanyang asawa.

"Bati na ba tayo?" bahagya niyang inilayo ang mukha niya rito.

"Oo, Nathan." Tatango-tangong sabi pa nito at sinunggaban na niya ito ng halik. Nagsimula na rin na mamasyal ang kanyang kamay sa masisiliang parte ng katawan ni Loraine. Sabik na sabik na kasi siyang gawin ang na-udlot nilang honey moon. Naramdaman na niya ang pagtigas ng alaga niya sa pagitan ng kanyang mga hita. Parang gusto na nitong kumawala roon.

"Wait.' Natigilan si Nathan ng biglang kumalas si Loraine sa halikan nilang dalawa.

Naka-kunot ang noo na tinignan niya ito. Parang sinasabi ng tingin niya kung bakit ito kumalas sa halikan nilang dalawa.

"Magsa-shower lang ako." Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Loraine. Agad naman siyang kumalas kay Nathan at patakbong tinungo ang kwarto nila sa taas.

Napapailing na lamang si Nathan sa ginawa nito. Nabitin talaga siya ng husto.

___•••___

   NAIINIP na naghihintay lang si Vincent na lumabas ng banyo ang kanyang asawa. Nasa loob na siya ng kwarto nila habang nakahiga sa kanilang kama. Nakakailang pahina na siya ng binabasa niyang magazine pero hindi pa rin ito lumalabas ng banyo. Nang sabihin kasi nito sa kanya na magsa-shower muna ito ay agad naman siyang sumunod sa kwarto nila sa taas.

"Matagal ka pa ba diyan, Hon?" Pasigaw na tanong nito. Nakikita naman niya ang bulto ng katawan ni Loraine sa salamin na pinto ng kanilang banyo. Medyo blurred lang ito kaya hindi malinaw ang nakikita niya.

Nang hindi ito sumagot sa tanong niya ay dahan-dahan na siyang bumaba ng kama. Hindi na kasi siya makapaghintay pa ng matagal. Gusto na niyang palabasin ang init ng kanyang katawan.

Nang makababa na siya ng kanilang kama ay dahan-dahan na niyang binuksan ang salamin na pinto ng banyo. Tumambad agad sa kanyang paningin ang hubad na katawan ng kanyang asawa. Nakatalikod ito sa gawi niya habang pinagsasawaan ang rumaragasang tubig na lumalabas sa may shower.

Agad naman na naghubad ng damit si Nathan. Lahat ay hinubad niya pati na ang kanyang brief. Naramdaman niya ang dahan-dahang pagkabuhay ng kanyang malusog at mahabang sandata. Mabilis lang kasi siyang nakakaramdam niyon kapag nakikita niya ang kahubaran ng kanyang asawa.

Dahan-dahan na siyang lumapit dito. Nang magdikit na ang kanilang katawan ay pinulupot niya ang kanyang kamay sa beywang nito. Bahagya pa itong napapitlag ng maramdaman nito ang presensiya niya.

The Lust AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon