Chapter 4

6 0 0
                                    

Chapter 4
#Habilin

Nagising ako kinaumagahan dahil sa kapatid ko. Tiningnan ko ang orasan kong diver watch na regalo pa ni tatang nung graduation ko ng high school. Kahit may kamahalan ay binili parin niya.

Balik tayo kay Jade. Alas sais na pala ng umaga.

"Bakit?Di ka pa bihis?" Napilitan na tuloy akong bumangon sa higaan kong papag sa may malapit sa pintuan.

"Eh kasi kuya.." Hinihintay ko siyang sumagot pero ngumingiwi lang ito at hawak ang tiyan.

"Masakit ba tiyan mo?" Imbes na sumagot ay tumalikod ito. May mantsa ng dugo ang short nito.

"Kaya naman pala. Bakit sakin ka pumunta?Bakit di kay nanang(Nanay)" Ang unang dalaw niya. Wala naman kasi akong alam sa ganyan.

"Sabi ni Nang pabili daw ako sayo ng napkin" Humarap na ulit ito sa akin.

"Bakit ako?" Humiga ako ulit sa papag.

"Nong sige na" (Nong is short for Manong) Hinihila na ang kamay ko sa pagpupumilit.

"Oo na. Kamutin mo muna yong likod ko nagatel(Makati)" Saka ko hinubad ang sando ko saka tumalikod.

Sumampa ito sa papag at kinamot.

"Laki talaga ng balat mo kuya" May balat kasi ako na kulay pula sa likuran na halos okupahan na ang kalahating likod ko.

"Ibaba mo"

"Dito?" Binaba ba naman sa kuyukot tapos tatawa.

"Linoloko mo talaga ako ha" Pero lumayo na ito.

"Salamat kuya" Pumasok na ito sa kuwarto niya.

"Pambihira" Sinuot ko ulit ang sando ko.

"Mauna na ako sa bukid anak. Pakainin mo muna nanay mo. May pandesal pa diyan" Sabi ni tatang habang nilalagay sa bewang ang lagayan ng itak.

"Sige Tang" Maglilinis kasi kami ng pilapil ngayon. Magtatanggal ng mga damo.

Makabili na nga ng napkin ni Jade baka makalimutan ko pa.

........

Nagluto muna ako ng almusal namin saka pinakain si nanay bago ako sumunod kay tatang.

May bukid si tatang pero nakasanla ito sa tao dahil kay nanang at Jade. Stroke kasi si nanang. Di siya nakakalakad. Kailangan niya ng maintenance na gamot pati narin si Jade. Kaya nagkanda utang utang si tatang.

Ang inaani namin ay binabayad din namin sa nakasanlaan. Pumayag kasi itong kami narin ang magtanim ng palay.

Pero ang masaklap pati ang lupang kinatitirikan ng bahay namin ay kasama sa nakasanla.

"Tang!Kain na po!" Tawag ko sa kaniya. Agad naman na itong sumilong. May papag na yari sa kawayan kaming ginawa dito sa silong ng manga. Pagpahingahan at ginagawa naming tambayan minsan lalo na pag nagkaayaan.

"Kumain na ba ang nanang mo?" Habang nagpapaypay gamit ang sumbrero nito.

"Opo. Nakikinig siya ng radyo pag alis ko" Binigay ko na ang baon ko sa kanyang kanin at ulam na itlog na may ampalaya saka adobong sitaw.

Nagutom narin siguro si Tatang dahil kumain na ito agad. Adobong sitaw kasi ang paborito niya.

Alam kong pagod na si tatang hindi lang siya nagsasabi.

Katahimikan ang namayani habang sumusubo si tatang. Alam kong may gusto siyang sabihin dahil minsan nakikita ko siyang malalim ang iniisip.

Hanggang matapos siyang kumain at makainum ng tubig.

"Baka maibenta na tong lupa natin" Bigla akong napatingin kay Tatang.

"Tang, diba nag usap na tayo tungkol dito?Hindi natin gagawin yon" Tutol ko sa kaniya.

"Importante tong lupa sa inyo.."

"Lumubo na ang interest nito anak. Ang binabayad nating palay hindi sumasapat kahit tatlong beses pa tayong mag ani"

"Pero Tang. Gagawa ako ng paraan. Kung maaari mangutang..."

"Hindi. Yan ang wag na wag mong gagawin. Di bale ng ako ang mabaon sa utang wag lang ikaw"

"Pero Tang. Kasama sa nakasanla ang kinatitirikan ng bahay natin"

"Nakausap ko na si Mr. Cruz ipapasukat daw niya ito ihihiwalay ang kinatitirikan ng bahay natin. Pasensiya na anak pero ginigipit na din tayo. Pati yong kalabaw mo mabebenta na din natin yon"

Ang isang kalabaw namin na ginagamit namin sa pagsasaka. Pinag iponan ko yon galing sa paglalaro ko ng basketball pag may mga liga. Regalo ko yon sa kaniya. Aanhin pa ba namin ang kalabaw kung wala na ang bukid.

"Halikana ng matapos na tayo" Nauna na ito pero di parin tinatanggap ng utak ko ang sinabi ni tatang sakin.

Minana pa kasi ni Tatang itong lupa na ito kaya importante sa kanya to.

Walang nagsalita samin hanggang makauwi kami ng bahay. Nadatnan pa namin si nanay na natumba dahil gusto nitong tumayo.

Nasa labas ako ng bahay ng dumating si Milo.

"Heto na" Inabot ang isang kaheta ng pangulay ng buhok na kulay itim.

"Salamat Pare"

"Tang!" Sumilip ito sa loob ng bahay.
"Pahiram po muna si Pareng Jimmy maglalaro lang po kami ng basketball" Nang tiningnan ko si tatang ay tumango lang ito saka na pumasok sa kuwarto nila nanang.

Pumunta kami sa pinaglalaruan naming basketball court na medyo na di pa naaayos. Dalawang ring na sementado ang apakan pero may kunting lubak lubak. Walang bubong tanging puno ng mga manga ang silong.

Pero wala akong ganang maglaro. Nanonood lng ako sa kanila. Perobang utak ko lumilipad kung saan-saan.

Iniisip ko parin ang sinabi ni tatang. Panu na pag nabenta na ang lupa panu na kami.

Napakaraming tanung sa isip ko.

Nauwi ang paglalaro nila sa yayaan dahil biglang dumating ang kaibigan naming si Edgar.

Nakabasyon ito kakababa ng barko. Lahat kami ay may pasalubong. Dalawang t-shirt na kulay puti.

.......

"Tang Panio!" Agad lumabas ang matanda.

"Milo. Si Jimmy di mo kasama"

"Yon nga po lasing po"

"Si kuya"

"Maiwan kana anak. Halikana" Nauna na ito.

Pero nasalubong na nila ang mga ito. Pinagtulungan nina Edgar at Tonio na kaibigan din niya.

"Salamat ha" Pasalamat ng ama.

"Yong pasalubong ko po sa kaniya at kay Jade. Sa susunod na po yong sa inyo nasa barko pa po" Ani Edgar.

Matangkad din ito at maputi at may hitsura.

Nagpaalam ng tatlo pagkatapos.

"Anak may laman pa bang mainit yong thermos?"

"Mayron pa Tang"

"Sige na matulog kana may pasok ka pa bukas"

"Jade" Tawag ng kuya nito.

"Kuya"Lumapit ito saka umupo sa tabi.

"Wag ka muna magboyfriend ha" Sabi nito na nakapikit.

"Kuya wala naman akong boyfriend"

"Alagaan mo sina nanang at tatang pag alis ko ha. Aalis si kuya papuntang maynila"

"Kuya iiwan mo na ako?"
Ngunit di na ito nakasagot dahil hilik na nito ang sunod na narinig nila.

"Lasing lang ang kuya mo kung anu anu ng pinagsasabi. Matulog kana anak" Utos ng ama matapos makakuha ng pamalit nitong damit at palanggana na may maligamgam na tubig.

Saka na niya kinumutan pagkatapos.

Itutuloy...



The Lost Successor And His FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon