Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para pumasok. Trainee parin ako under kay sir Harry.
"Kape na" Abot sakin ni Dandi ng kape.
"Salamat" Nagpeprepare na kasi ako para maligo na sana.
May kape din siyang hawak ng para sa kaniya.
"Kukuha ako ng pandesal" Sabay lapag ng kape nito at labas ulit ng kuwarto.
Diko alam kung bakit mabait sakin si Dandi. Naaawa lang kaya siya sakin?
Pagbalik nito ay may dala na siyang supot ng pandesal at palaman. May paper bag din siyang bitbit.
"Here" Sabay abot ng paper bag sa akin.
"Sakin?"
"Oo. Kunin mo na" Saka binigay sakin.
Nang tingnan ko ay may tatlong pares ng medyas.
"Bakit?Para san to?" Tanung ko.
"Para naman may magamit ka. Itapon mo na yong ginagamit mo" Nagpapalaman na ito ng pandesal.
"Bakit mabait ka sakin Dandi?" Natigilan ito sa ginagawa saka ako tiningnan.
"Wala akong maipapalit sayo. Alam mo ang sitwasyon ko. Mahirap pa ako sa daga"
"Di mo naman kailangan palitan lahat ng ginagawa ko. Salamat okay na sakin yon" Tinuloy nito ang ginagawang pagpapalaman.
"Wala na kasi akong ibang matatawag na pamilya maliban sa tito ko na may sarili naring pamilya ngayon"
"Nasan sila?" Curious kung tanung.
"Kumain kana. Mahuhuli ka sa trabaho mo. Kainin mo na yan"
"Salamat dito"
"Maliit na bagay lang yan"
Ginamit ko ng isang pares na binigay ni Dandi. Ayaw ko pa sana pero sinabihan niya ako na isuot na.
Para ko siyang kapatid na maraming paalala. Mas matanda siya sakin ng limang taon. Gusto ko siyang tawagin na kuya pero ayaw niya.
Makakabawi rin ako sa kaniya pagdating ng araw.
...
Mabilis lumipas ang mga araw at sa wakas nasubukan ko rin ang magsuweldo sa unang pagkakataon.
Nakapagpadala narin ako sa kanila ng pera. Dahil sa may mga tip akong natatanggap sa mga pasahero ko ay nadadagdagan ang pinapadala ko.
Unti-unti narin nahuhulugan ang pagkakasanla ng lupa namin. Kahit papaanu ay nababawasan na.
Hindi na din tinuloy ni tatang ang pagbebenta ng lupa. Kahit papanu ay nabawasan daw ang pag alala nito. Pero nag alala naman daw ito para sa akin.
Natatawagan ko narin sila palagi dahil nakabili na ako ng cellphone ko na mumurahin lang. Kay Milo ako tumatawag at pumupunta siya sa bahay.
Kahit papaano ay nawala ang pangungulila ko sa kanila. Iba talaga pag nasanay na akong kasama ang pamilya ko.
Miss ko narin ang kaibigan kong si Milo kaya parati ko siyang kausap pag may time ako at pag may load. Minsan siya narin ang nagloload sakin.
Ang pakikitungo ni Harold ganun parin. Mas lumala pa nga. Pasalamat ako kay Dandi dahil mayron siya na nagtatanggol sakin at kakampi ko. Mayron naman sila June pero parati silang abala.
Nagkuwento na rin sakin si Dandi tungkol sa buhay niya. Ulila na pala ito sa ina. Anak pala siya labas. Di rin niya kilala ang tatay niya. Hindi niya sigurado kung alam ng tatay niya na may anak siya sa nanay niya.
BINABASA MO ANG
The Lost Successor And His Fate
Fiksi UmumFate of The Lost Successor and his Long way to the Truth and Love. Hindi interesado si Jimmy malaman ang tunay niyang pagkatao. Ni malaman ang tunay nitong mga magulang. Iniwan ni Jimmy ang kinalakihang pamilya para magtrabaho sa maynila para isalba...