Chapter 30
Kinaumagahan ay nalaman ko kay daddy na nandito na sa maynila sila Nanang at Tatang. Agad namin silang pinuntahan sa hospital.
Masaya ako dahil makukuha daw sa theraphy ang mga paa ni Nanang para mabilis itong makalakad.
Pansamantala munang dun sila sa mansiyon tutuloy para sa theraphy session niya. Noong una ay ayaw nila dahil makakaabala sila pero napilit din sila ni daddy.
Natutuwa sila Tatang na makilala sina daddy. Naiyak pa si mommy sa kanila.
Sobrang saya ko dahil dalawa ang mga magaulang kong kasama ko.
...
Dumating ang araw ng unang hearing kay tito Paul. Wala sa witness sila Tatang pero sumama parin sila. Medyo nakakalakad na pa kunti-kunti si Nanang.
Narinig ko ang lahat mula kay kuya Enrique. Ganun pala ang nangyari. Diko naman siya masisisi dahil bata pa siya non. Kung ako ang nasa kalagayan niya baka di lang takot ang mararamdaman ko.
"Ako ang dahilan bakit namatay si dad. Ang pagkawala ni Nate. It was all plan" Pag aako ni Paul ng kasalanan.
Naikuyom ni dad ang kamao niya sa galit kay tito Paul pero hinawakan ni mommy ang kamay niya.
"Ang batang natagpuan ninyo sa scene na hindi si Nate ay kagagawan ko rin. Dati ng nasa sasakyan ang bangkay ng bata. Ang plano sana kukunin si Nate. Ako ang magpapalaki sa kaniya at gagamitin sa ama niya para makuha ko ang gusto ko"
"Walang hiya ka talata Paul" Narinig kung sabi ni dad.
"Pero iba ang nangyari. Pero sang ayon parin ito sa kagustuhan ko. Pero diko akalain buhay pa talaga si Nate kaya nakagawa ako ulit ng hindi maganda. Para lang sa kagustuhan kong makuha ang mga bagay na gusto ko. Mga bagay na hindi pala dapat dahil wala akong karapatan" Kahit malayo ako ay nakikita kong lumuluha si tito Paul.
"Nadamay pati ang anak ko dahil sa pagkamakasarili ko. Patawarin niyo ako" Naaawa ako kay tito Paul. Nalaman ko narin ang katotohanan kay lolo na hindi miyembro ng pamilyang Collins si tito Paul.
May punto si tito Paul sa gusto niya. Ginagawa niya yon para sa pamilya niya pero mali pa rin.
Natapos ang hearing at kinuha na ulit si tito Paul. Nakita ko kung panu umiyak ang asawa niya at ang kapatid ni kuya Ricky.
"Jimmy" Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko.
"Dad" Napalinga ako sa paligid ko. Ako nalang pala ang naiwan.
"Let's go" Tumayo na rin ako saka sumunod.
Kinausap pa ni tita si dad na patawarin nalang si tito pero matigas si dad.
"Tang diba puwedeng patawarin nalang ni dad si tito Paul?" Sabi ko kay Tatang ng nasa kuwarto na kami na tinutuluyan nila dito sa mansiyon.
"Minsan kasi anak mahirap gawin yon lalo na at tinuring mong pamilya ang nagtraydor sayo"
"Pero puwede namang kalimutan nalang diba?"
"Alam kong nararamdaman mo anak naaawa ka sa kuya Enrique mo at sa kapatid niya dahil sa nangyari s Ama nila"
"Di na nila makakasama ang ama nila Tang"
"Alam ko yon anak kaya nga naiintindihan kita. Pero naiintindihan ko rin ang ama mo bakit ganun nalang ang galit niya sa tito Paul mo. Nawalan siya ng anak kaya siya nagagalit. Kahit ako yong nasa lagay niya gagawin ko din yong ginagawa niya ngayon"
"Pero humingi na siya ng tawad Tang. Hindi pa ba sapat yon?"
"Hindi sapat sa oras na ganito anak. Panahon ang kailangan para maibigay niya yon. Di man ngayon o bukas darating din siya don pero sa ngayon intindihin mo muna siya. Balang araw maiintindihan mo rin kung nagkaroon ka ng sarili mong anak. Maiintindihan mo ang sinasabi ko" Mahabang paliwanag ni tatang.
BINABASA MO ANG
The Lost Successor And His Fate
General FictionFate of The Lost Successor and his Long way to the Truth and Love. Hindi interesado si Jimmy malaman ang tunay niyang pagkatao. Ni malaman ang tunay nitong mga magulang. Iniwan ni Jimmy ang kinalakihang pamilya para magtrabaho sa maynila para isalba...